CHAPTER ELEVEN
Nagmamadali ang bawat hakbang ko papunta sa unit ni Xei. Kadarating ko lang mula sa Mindoro kanina. Dapat didiretso na 'ko sa AC Tower mula sa school pero tumawag ang kuya ko at binilinan akong umuwi muna dahil nasa bahay siya ng lola ko. Kaya naman ang ending, tinanghali na 'ko sa pagbisita kay Xei.
"Jame!" Tili ni Xei na nakaupo sa sofa pagkakita sa'kin.
"Goodness! How are you?" Niyakap ko siya pagkalapit na pagkalapit ko. "Nag-alala talaga ako nang makita kitang halos patay na dahil sa hypothermia." My voice trailed off and a single tear rolled down my face.
"'Wag ka ngang umiyak. Okay na 'ko. Pero salamat sa pag-aalala."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "I'm really glad na okay ka na talaga. Lahat kami nag-worry sa'yo."
"I know. At kahit ang paninisi mo sa sarili mo ay alam ko na rin. Gusto kitang batukan no'n nang sabihin sa'kin ni Fritz 'yon. Pero sa kabilang banda, naisip ko na okay na rin siguro 'yon dahil ang balita ko, napatigil ka sa sports mo." Nakangiting sabi niya.
"Sports? What sports?" Naguguluhang tanong ko.
"Your eating sports, what else!" Mula sa kung saan ay lumitaw si Liz na may dalang box ng apple pie. "Hi, Xei." Beso niya kay Xei at pagkatapos ay sa'kin. I guess, kararating niya lang
"Grabe, na-miss kita, friend." Hampas ni Liz sa hita ko.
"Mukha nga."
"Ang ingay naman!" Napatingin kaming tatlo kay Cheska na lumabas mula sa kitchen na may suot pang apron.
"Ikaw ang cook, friend?" Tanong ni Liz.
"Oh, yeah."
"What?!" Liz faked a horrified face. "Jame, ngayon pa lang tumawag ka na ng medics dahil siguradong sa hospital ang ending ng tanghaliang 'to."
"Grabe ka naman!" Sigaw ni Cheska. Naiinis talaga kasi siya kapag ang 'cooking skills' niya ang topic.
"Ikaw naman kasi, 'wag mo na ipilit." Mula uli sa kusina ay lumabas naman si Fritz na may dalang isang mangkok at ibinaba 'yon sa mesa. "Ako ang nagluto, girls."
"Sige, pagkaisahan niyo ako!" Naaasar na ngumuso si Cheska na ikinatawa naming apat. "Matuto rin akong magluto, akala niyo!"
Sa lunch ay napag-usapan naming magkakaibigan ang ilang bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw. Okay na kami ni Fritz sa pagtatalong nangyari over the phone. Nagkwento rin si Xei about sa nangyari sa kanya sa isla. Though, medyo uncomfortable si Fritz, hindi na lang namin pinansin. Later on, nalaman ko na 'yon pala kasing isla kung saan napadpad si Xei ay kung saan nakatira si Fritz dati kasama ang grandparents niya. At bago kami umuwi nila Cheska at Liz ay nagulat pa 'ko na alam na nila ang tungkol sa pag-alis ko sa bahay namin. Ang sabi nila ay nadulas daw ang mommy ko sa kanila nang kamustahin si Xei sa hospital kung saan may clinic din naman ang mommy ko.
Labag man sa loob ko, sinabi ko ang sitwasyon ko. At ang resulta? Gusto lang naman nilang makilala si Janine.
Well, I can sense an upcoming trouble for that matter.
*****
Hindi mapakali ang mga mata ko pagpasok ko ng lunes na 'yon. Tinitingnan ko kasi kung nasa paligid lang ang taong ayoko munang makita. At nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating ako sa first subject ko nang hindi nakikita ang taong ''yon'.
Habang nagkaklase kami ay napansin ko na parang hindi lang ako ang wala sa sarili ngayon. Mas malala pa kasi si Xei sa'kin na late na nga dumating ay nakatulala pa sa prof namin. Imposible naman na 'yong prof ang iniisip niya dahil... for pete's sake! Matanda na 'yon at babae pa!