Chapter 14: I'm not dumb
~ ◆ Blaze ◆ ~
Sinundan ko siya ng tingin hanggang maka alis na siya sa room.
What's this strange feeling? It feels like I just talked to her
Hindi ko siya kilala, I don't even know her name pero mukhang magkakilala na kami ng ilang years.
Our conversation wasn't awkward, I was even comfortable.
At ang ipinagtataka ko pa ay kong bakit ko sinabi ang kwentong hindi ko sinasabi sa iba, except kay Niña at kay Tita.
|Flashback|
"Bata pa lang kami, meron na akong gusto sa kanya, but I thought it will just pass by since were just kids, pero ng lumaki na kami, that feelings won't go away. Palagi akong nasa gilid niya, palagi akong sumasama sa kanya, until one day, tinaboy niya ako, I don't know why, at simula nun, palagi na siyang nag kukulong sa kwarto niya, wala siyang pinapasok ni magulang niya hindi niya pinapasok"
"Kahit tinaboy ka na ng kababata mo, importante pa rin siya sayo?" tanong niya
"Yes, she's my first love, afterall..."
"Basta first love, importante agad? Agad-agad?"
"Well, it depends, depende sa tao yan"
|End of Flashback|
Hindi ko namalayan na ako nalang pala dito sa room. Kaya agad kong niligpit yung mga ginamit ko at umalis sa room
__________________________
~ ◆ Ciana ◆ ~
"Mhmm, wala naman akong gagawin sa susunod na hours, so....anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili, naglalakad ako ngayon sa hallway
"Magbasa nalang kaya ako?" Pwede rin!
Agad akong naglakad papunta sa library
Pagdating ko sa library ay napa mangha ako, ang laki, aircon pa. Yung ibang book shelves, ang taas-taas, malapit na ngang umabot sa ceiling.
Naghanap ako ng mauupuan. Noong nakahanap na ako ay inilapag ko yung mga gamit ko sa table at agad na pumunta sa shelves para makahanap ng libro na pwedeng basahin "Woah! Ang dami namang mapagpilian dito, di ako maka pili"
"Sa history section kaya ako?" pwede rin
Hinanap ko ang history section pero hindi ko mahanap kaya napag desisyonan kong mag tanong sa sekretarya ng librarian "Uhmm, ma'am, san po yung history section?"
"Straight ka jan tapos lumiko ka sa kanan, makikita mo yung history section" sabi niya, tumango ako at sinunod ang sinabi niyang direksyon.
Nakakita ako ng 'History Section'
"Ito na cguro ang history section" mataas na mga book shelves na malapit na umabot sa ceiling, wala ka na ring makikitang tao, hence, nasa liblib na lugar na ako ng library.
Nag simula akong maglakad palapit dun sa book shelves, yung ibang mga libro ang luma-luma na, yung iba ang dami ng alikabok "Grabe naman pala ang history section dito"
Merong nasagip na libro ang mga mata ko kaya napatigil ako sa paglalakad at kinuha yung librong yun
"History ng paaralang na ito?" binuksan ko ang libro, ang luma-luma na ng pages kaya dahan-dahan ko yung ginalaw
"You seem to like History a lot" napatigil ako sa ginagawa ko at dahan-dahang tumalikod
I was relieved to see who is it, akala ko kung ano na "Ikaw lang pala Tyrone" I said "Anong ginagwa mo dito?" tanong ko
"Namamasyal lang, wala kasi akong magawa" sabi niya at nginitian niya ako, nginitian ko lang siya at bumalik sa pag kalikot sa libro
"You seem to like the subject 'history'" sabi niya habang naka tingin sa mga libro na nasa book shelves
"Oh, not really, this book just caught my eye"
"Aaaah..." sabi niya, patuloy pa rin ako sa pag kalikot sa librong nakita ko kanina
"Ciana" tawag niya sa akin
"Yes?"
"Do you believe in fairy tales?" napatigil ako sa ginagawa ko sa natanong niya
"N-no, bakit mo naman yan natanong?"
"Wala lang" sabi niya
Binalik ko yung libro sa shelf nito
"Taga san ka ba?" biglang tanong ni Tyrone
"Sa Pilipinas" pilosopong sagot ko
"Specific please"
"Dito sa school" sabi ko
"Oh, really?" sabi niya, naramdaman kong nag iba ang aura sa paligid namin at mas lumamig pa ang paligid pero kakaibang lamig ang naramdaman ko.
"W-what do you mean rrally?" I became uneasy
"Well... wala ka bang pamilya? o any relatives?" I stepped backward
"I-I do, I do have r-relatives" he step forward
"Then, saan sila nakatira, that's what I meant"
"Uh... S-sa" mas lumamig pa kaysa kanina, I don't even know why
"Sa? Saan? Saan, Ciana?"
"S-sa S-(**kkkkkkrrriiinnnngg**)" the bell saved me
"I-I need to go" sabi ko at tumakbo papunta sa table na kinalalagyan ng mga gamit ko
Kinuha ko yun at agad na lumabas ng library.
He's so weird, bakit ba ganun siya makatanong?
Are you trying to......, Tyrone?
_________________________________
~ ◆ Unknown ◆ ~
Umalis na ako sa kinatatayuan ko. Naglalakad ako ngayon sa hallway, pero napatigil ako ng meron akong nakita sa ibaba kaya lumapit ako sa railings para makita ng malinaw yung nakita ko.
Tinignan ko siya, napa smirk nalang ako
"I'm not dumb" I said "Alam ko ang lahat."
Meron akong nakitang pamilyar na mukha na naglalakad sa ibaba
"Hindi kagaya ng iba jan."
Tumalikod ako at nag lakad palayo
I know that you know me...
________________________
Hala! Sino yung unknown!?
Hint: Hindi siya ang unknown sa mga nakaraang chapters, Hence, iba siyang tao
BINABASA MO ANG
My Ice Princess
FantasyKapag nakakita ka ng 'Ice Princess' agad mo ng maiisip na ang bida ay MAGANDA, SEXY PERO REBELDE, GANGSTER, COLD, PALAGING POKER FACE AT HINDI TUMATAWA O NGUMINGITI Diba? Kasi ako, ganyan eh Pero itong kwentong ito? Opposite ng mga nabanggit sa itaa...