16

1.6K 34 3
                                    

Chapter 16: Lost....book?

 ~ ◆ Ciana ◆ ~

Nang dito ako sa dorm, naghahanap ng isang libro "Asan na ba yun!?" biglang bumukas ang pinto but i didn't bother to look who is it.

"Hoy! Anong nangyari sayo!?" si Luna pala

"Nawawala yung libro ko!" taranta kong sabi, hindi ko pa rin siya nilingon

"A-ano!? A-anong libro?"

"Basta, hindi mo yun nakita eh" I opened the closet

"Pano naman kita matutulungan kong hindi ko alam kung anong itsura!"

Binuksan ko lahat ng drawers sa closet

"Old book yun!" sabi ko

"Maraming old book dito, Ciana"

"Basta, luma yung aklat na yun!" wala akong nakitang libro sa closet kaya sinira ko nalang yun

"Wala! Hindi yun pwedeng mawala!!" kinuha ko ulit yung bag ko at tinignan kong nang dun ba yung libro, baka hindi ko lang nakita o napansin nung tinignan ko ito kanina

"Nang jan ba?" tanong ni Luna, umiling ako

"Hindi pwede yun mawala! Importante yun sa akin"

"Nasubukan mo na bang I-trace kung san ka galing kanina? Baka na iwan mo lang sa mga lugar na pinuntahan mo kanina" sabi niya

Oo nga noh?

"Hindi pa, thank you ah!" sabi ko at umalis

"Welcome!" rinig kong sigaw niya

____________________________

~ ◆ Blaze ◆ ~

Naglalakad ako ngayon sa library, pina-check kasi sa akin ni Niña kung okay lang ba ang library ngayon.

So far, okay naman, maayos yung pagkakalagay ng shelves, malinis din ang lugar.

**bboooggssshhh**

"Aray!" sigaw ko

"Sssshh!!" sita ng librarian

"S-sorry" pabulong kong sabi

Meron kasi akong naapakan na malaking bagay "Ano ba yun?" dahan-dahan akong tumayo "A-araay" mahina kong sabi

"Ang sakit ng paa ko" mahina ko pa ring sabi, baka sitahin ako ulit ng librarian

Napansin ko ang isang libro na naka handusay sa sahig "Bakit ito naka handusay lang dito?" kinuha ko yun

I examined the paperback, kumunot ang noo ko "Wala namang ganitong libro dito sa school" nagtataka kong tanong

Binuksan ko yung libro, nakita ko ang isang sign na:

' Μαγεία '

Means....

"Sorcery"

________________________________

~ ◆ Luna ◆ ~

Nakahiga ako ngayon sa higaan ko, wala akong magawa eh

Biglang bumukas ang pintuan kaya agad akong napalingon "O? Nahanap mo na ba ang precious book mo?"

"Hindi" malungkot na saad ni Ciana, umupo ito sa kama niya

"San mo ba kasi yun dinala at nawala?"

"Nasa bag ko lang yun eh tapos biglang nawala" sabi niya

"Imposible namang mawawala yun kapag hindi kinuha sa bag mo. Baka naiwan o nahulog yun tapos merong nakakuha?" nanlaki naman yung mata niya

"Pano kung meron ngang nakakuha?!" taranta niyang sabi

"Patay ka" simple kong sabi

"Aaahh! Huhuhuhu! Patay talaga ako!! Huhuhuhu" pag dradrama niya

"Tumigil ka nga dyan, pwede ka namang bumili ng bagong libro"

"Hindi! Hindi yun mabibili, walang nagbebenta ng ganun na libro,  tsaka binigay lang yung libro sa akin"

"Patay ka talaga!"

"Huhuhuhu" pinabayaan ko nalang siyang mag drama jan.

"All students, please proceed to the gymnasium" - speaker, napatigil naman sa pag dradrama si Ciana

"Teka.... anong oras na ba?" tanong niya

"Tignan mo yung relo mo, ako pa yung tinanong mo" sabi ko, tinignan naman niya yung relo niya

Nanlaki ang mga mata nito "6pm na!?" shock na sabi niya

Tumingin ako sa window "Probably, madilim na sa labas eh, so gabi na"

"Bakit naman nila pinatawag lahat ng estudyante na pumunta sa gym? Eh gabi na"

Tumayo ako "Baka tungkol sa fieldtrip" bored kong sabi

Nagliwanag ang mukha niya "Fieldtrip!? as in FIELDTRIP!?"

"Kakasabi ko lang eh"

Tumayo siya "Makakatakas na rin ako! Yes!!!" masaya niyang sabi

"Hindi ka pa rin ba napapagod kakaisip paano tumakas?!" grabe tong babaeng ito ah

"Nope! Alika na!" bigla niya akong hinila palabas, weird talaga ng babaeng toh

________________________________

My Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon