15

1.8K 40 3
                                    

Chapter 15: Ice?

~ ◆ Ciana ◆ ~

Naglalakad ako ngayon papunta sa dorm, lunch na kasi. Sa dorm din ako kakain ng lunch

Nang dito na ako sa dorm, I opened the door at bumungad sa akin si Luna na kumakain na

Inilapag ko muna yung bag ko at yung mga libro" O! Di mo man lang ako hinintay?" tapos inilapag ko yung pagkain na nakuha ko sa canteen

"Gutom na kasi ako, kung hihintayin kita baka mamatay na ako sa gutom" sabi niya at sinubuan ang sarili ng isang kamay na kanin

"Wow, gutom ka na talaga, ni hindi ka na nga gumamit ng kutsara" nagsimula na akong kumain

"Mas madarama mo kasi ang sarap ng kinakain mo kapag kinamay mo yung kinakain mo" she said, totoo nga naman

"Yea..." tipid kong sagot

"Teka nga, bakit ka ba natagalan? 12:30 na ah"

"Meron lang akong ginawa, pumunta ako sa library" sabi ko, tumango nalang siya

Iniligpit ko na yung pinag kainan ko

"Teka... tapos ka na?" tanong ni Luna, tumango ako "Pero hindi mo yun inubos"

"Busog na ko, kakainin ko nalang yung natira mamaya" kinuha ko yung bag ko

"San ka na naman pupunta?"

"Meron lang akong gagawin" sabi ko "Cge, alis na ako" sabi ko at umalis na

__________________________

~ ◆ Luna ◆ ~

"Meron lang akong gagawin" sabi niya "Cge, alis na ako" at umalis na siya

"Okay?..." sabi ko sa sarili ko "Anong nangyari dun? Naging moody bigla" I shrugged

Niligpit ko na yung pinagkainan ko

"Ang weird talaga ni Ciana" bigla kong sabi habang nag huhugas ng kamay

Pagkatapos kong ligpitin yung pinagkainan ko ay humiga ako sa kama ko

"Wala akong gagawin" bored kong sabi "Ano nalang ang gagawin ko?"

Tumayo ako "Punta nalang kaya ako sa field?" Magandang ideya yun! Marami akong makikitang HOT BOYS dun!!

Umalis ako sa dorm at tumakbo ng mabilis papunta sa field! "Makikita ko na naman ang mga wet look ng mga gwapong soccer players!" kilig kong sabi

Tumigil na ako sa pag takbo ng makita ko na yung mga soccer players na nag prapractice "KKKYYAAAAAHHH!!" tili ko

Nakatayo ako ngayon dito, tinitignan sila "Ang hot talaga nilaaahh!!"

Naglakad ako papunta sa isang upuan pero napatigil ako ng meron akong nakita

"Ice?" nilapitan ko yun

"San naman galing ang ice na ito?" nagtataka kong tanong, tumingin ako sa kalangitan "Umulan ba ng yelo? bakit hindi ko nalaman?"

Pero cute naman siya, naka form kasi siya ng 'broken heart' "San kaya toh galing?" tanong ko sa sarili

Hahawakan ko na sana yung ice ng biglang merong pumatak na tubig sa ulo ko "San yun galing?" tumingin ako sa itaas, meron na naman tumulo na tubig sa ilong ko

"Hala! Umuulan!!" Agad akong tumakbo pabalik sa dorm

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Ciana na tarantang-taranta

"Hoy! Anong nangyari sayo?"

_________________________

~ ◆ Unknown ◆ ~

I scanned the pages "Nasan na ba yung page na yun!?" I whispered

Tumigil ako sa pag sca-scan ng mahanap ko na ang page na hinahanap ko. Binasa ko yun

Nagulat ako sa nabasa ko "M-malapit n-na?"

I flipped the page to the next page. Binasa ko ulit yun

"6 m-more days?"

Meron akong nakitang shadow na dumaan sa harapan ko.

Nakaramdam ako ng takot

Agad akong umalis sa inuupuan ko at tumakbo ng mabilis

I need to go away from this place

bago....

Ako makasakit ng iba.

_____________________________

Sorry kung medyo maikli tong chapter na ito ah. Pero kung mapapansin niyo, I gave a hint. Hint para sa................ secret!!

Basta meron akong nilagay na hint dyan!

My Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon