Chapter 25: Day 3 - fourth attempt
~ ◆ Blaze ◆ ~
**knock knock**
Nasa harapan ako ngayon sa kwarto ni Niña, I need to talk to her
"Who is it?"
"Its me Niña" sabi ko
"Pumasok ka" binuksan ko ang pinto at pumasok
"Anong kailangan mo?" tanong niya
"I found her" seryoso kong sabi
Kumunot ang noo niya "What?"
Binigay ko ang singsing, nagulat naman siya "I-is that..." kinuha niya ito at pinagmasdan kung totoo ba o hindi
"Yes it is" sabi ko
"Paano mo naman yan nakuha?" binalik niya sa akin ang singsing
"Ciana gave it to me"
"That nerd?" tumango ako "I'm confused. Paano yan nakuha ni Ciana?"
"I don't know but I'm sure of one thig, iisa lang si Ciana at si Crystal" napatawa naman siya sa sinabi ko "Niña, Im serious here"
"Impossible Blaze, imposible namang sya si.... hahahha" natatawa niyang sabi
"It's possible, Niña, baka it's just a mask.... her mask" napatigil naman siya
"Mask? Wala pa siyang 15 ng tumakas siya. Remember the rules Blaze"
"I know, pero I saw her u-" hindi na niya ako pinatapos
"Stop making stories Blaze, I know you really like to find and see her pero hindi naman pwedeng gumawa ka ng mga kwento" tinalikuran niya ako
"I'm not making stories Niña!" depensa ko
"Stop it Blaze" naglakad siya papunta sa pinto
"I'm not making stories Niña, I saw her! I followed her!" sabi ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad
"Ano?"
"The night she escaped... I followed her..... meron siyang kapangyarihan.....pumasok siya sa isang portal papunta dito, sa mundo ng mga mortal" napalingon siya sa akin
"Kapangyarihan? You kno-" hindi ko na siya pinatapos
"Meron siyang yelo na kapangyarihan!"
"Ice? Imposible. Ice belong to sorcerers-- dark sorcerers. At wala pang nag kakaroon ng ganun na kapangyarihan."
"I even don't know, how and where she got those powers! Basta ang alam ko, si Ciana at si Crystal ay iisa!"
"Hindi ako maniniwala sayo kapag wala kang ipapakitang matibay na ibedensya sa akin" sinara niya ang pinto ng malakas
"Fine!" inis kong sigaw
I know. Alam kong iisa lang sila.
____________________________
~ ◆ Ciana ◆ ~
"Hindi ka talaga sasama?" tanong ulit ni Luna
"Ang kulit mo! Hindi ako sasama" sabi ko sa kanya
Naka-higa ako ngayon sa kama, nakatalikod kay Luna.
"Meron ka ba ngayon? Bakit ang high blood-high blood mo?!"
"Masakit lang ulo ko. Ikaw nalang mag enjoy dun. Wag mong kalimutang mag dala ng pating" biro ko
"Magdadala talaga ako para ipakagat yang ulo mo" di ko na siya pinansin, nababaliw na siya.
"Cge alis na ako. Pahinga ka ah?" I nodded, without turning around to see her
Narinig ko ang isang lagapak ng pinto. Lumingon ako at siniguradong wala na siya.
Umupo ako sa kama. Yung mga sinabi ko kanina, palusot lang yun, di talaga masakit ang ulo ko, I'm just waiting for the right time.
Tumayo ako at dumungaw sa bintana. Sumakay na yung mga estudyante sa bus. It's time for my 4th attempt!
Binuksan ko yung bintana at lumabas. Tumingin ako sa baba, hindi naman masyadong mataas kaya agad akong naka talon.
"Ang dali-dali naman nun" sabi ko habang pinagpagan ang sarili ko. Meron akong napansin na gubat "Meron palang gubat malapit dito?" agad-agad akong tumakbo sa gubat na yun bago pa meron pang makakita sa akin.
Matataas na puno, mga spider webs, mga damo, mga malalaking roots at weeds ang makikita mo dito. Kaya mahirap makatakbo ng diretso.
**booooooggssshhh**
Bigla nalang merong tumalon na nilalang sa direksyon ko na galing sa itaas na naging dahilan ng pagkakahiga ko sa lupa. And I just knew I was lying in the ground with someone above me.
"Ano ba!" naiirita kong sabi.
"Tatakas ka na naman ba?" tanong ng nasa ibabaw ko, this posisyon reminds me of my first encounter with him
"Paki-alam mo ba ha!?"
"Bakit ka ba sumisigaw?"
"Umalis ka nalang kaya sa ibabaw ko, Blaze!?" agad naman siyang umalis kaya naka upo na ako.
Yep! Si Blaze lang naman ang nasa ibabaw ko.
"Anu bang ginagawa mo dito ah?" tinignan ko siya
"None of your business" sabi ko at tumayo
"San ka pupunta?" ang kulit naman nitong lalaking toh!
"Bakit ba ang kulit mo?! Anu bang pakialam mo sa akin!? Ka anu-ano ba kita para mag-alala ka sa akin?" hindi siya sumagot kaya naglakad na ulit ako, tss... tanong ng tanong hindi ka pala sasagutin.
"Crystal..... ikaw ba si Crystal?" napatigil naman ako, bakit palagi siyang tanong ng tanong?
Lumingon ako sa kanya "Hindi nga ako! Pangalan ko Ciana... C I A N A, Ciana! Gets? Kahapon ka pa ah! Nakakairita ka na" sabi ko sabay spell ng pangalan ko
"Eh b-bak-" hindi ko na siya pinatapos bago pa siya mag tanong ulit
"Hindi nga ako!!! Bakit ba ang kulit mo! Hindi ako yung Crystal na hinahanap mo!"
"Hindi ako maniniwala" sabi niya, di wag
"Di wag! Wala akong pakialam" sabi ko at naglakad na ulit.
Tinawag niya ako pero ko siya pinansin.
"Hindi kita paniniwalaan. ikaw si Crystal! I can see it in your eyes! I can see sadness in your eyes.... ikaw yung kaibigan ko.... ikaw yung bestfrie-"
"SHUT UP!" I shouted, napatigil naman siya
Lumingon ako sa kanya "Hindi ako yung Crystal na sinasabi mo! Tumigil ka na nga sa panggugulo sa akin! Bwiset!" sabi ko at tumakbo palayo sa kanya
I didn't control my emotions....again....
___________________
Malapit na, tiis-tiis lang...
P.S I know this is so boring for you....tyaga lang, babawi ako, after the 2 chapters. ;) Tiis lang mga brad!
BINABASA MO ANG
My Ice Princess
FantasyKapag nakakita ka ng 'Ice Princess' agad mo ng maiisip na ang bida ay MAGANDA, SEXY PERO REBELDE, GANGSTER, COLD, PALAGING POKER FACE AT HINDI TUMATAWA O NGUMINGITI Diba? Kasi ako, ganyan eh Pero itong kwentong ito? Opposite ng mga nabanggit sa itaa...