22

1.5K 36 1
                                    

Chapter 22: Day 1 part 2 - Third Attempt

~ ◆ Ciana ◆ ~

"San ka galing?" tanong ni Luna ng bumalik na ako

"W-wala, jan lang, meron lang akong tinignan" sagot ko naman sa kanya

"Okay! Were done! Let's eat our lunch outside and then proceed to the another room" sabi nung tour guide at ginuide kami palabas, sumunod naman kaming lahat

"Bakit ka pautal-utal?" tanong ni Luna

"Ha? Hindi ah, hahahha" I nervously laughed

"Okay?" sabi niya "Alika na, gutom na ako" at hinila niya ako, nag pahila naman ako

***

Nag lulunch kami ngayon dito sa isang open field.

"Ang ganda naman dito! Napaka relaxing!" sabi ni Luna habang pinapakiramdaman ang simoy ng hangin.

"Yea" kinagat ko ang steak. Kung san kami nakakuha ng ganito? Sinerve lang ito ng mga maids kanina.

Naramdaman ko na namang merong mga guards naglalakad ng pabalik-balik sa tabi ko

"Ciana" mahinang tawag ni Luna sa akin

Napalingon naman ako sa kanya "Mhmm?"

"Meron ka bang napansin na kakaiba sa guards na yan?" tinuro niya ang mga guards na palaging naglalakad ng pabalik-balik

"Yea..." mahina kung sagot

"Baka binabantayan ka nila, para hindi ka makatakas" mahina pa rin ang boses niya

"Maybe?" I shrugged at bumalik na sa pagkain

Pagkatapos kong ubusin ang lunch ko ay tumayo na ako

"San ka pupunta?" tanong ni Luna, bakit ba naging matanungin ang babaeng ito ngayon?

"Papatayin ko ang mga guards" sabi ko sabay turo sa mga guards na hindi pa rin pagod kakalakad.

"Ano!?"

"Hoy! Joke lang, ikaw naman!" sabi ko "Liligawin ko lang tong mga toh" mahina na ang boses ko ngayon

Tinanguan at nginitian niya ako kaya umalis na ako, naramdaman kong sumunod ang mga guards.

Ngayon, kailangan ko nalang silang iligaw para makatakas na ko

Nasa kagubatan na ako ngayon, napangiti ako ng palihim. Agad akong tumakbo ng mabilis, tumakbo naman sila.

Lumiko ako, tumingin ako sa likod ko, nakasunod pa rin sila. Tumingin ako sa paligid ko, baka meron akong makuhang bagay na makakatulong sa akin.

"Ayun!" nakakita ako ng isang log, kaya agad ko yung kinuha.

Nakita ko ng palapit yung mga guards kaya tinulak ko na yung log sa direksyon nila at agad na tumakbo ng mabilis

"AAAAAAAHHH!!" rinig kong sigaw nila, napalingon naman ako sa kanila, tumba silang lahat

"Strike!" bowling lang ang peg?

Nagtago ako sa likod ng isang puno. Tumingin-tingin ulit ako para makahanap ng mga bagay na makakatulong sa akin.

Bigla akong nakarinig ng mga yapak. Umakyat ako sa punong pinag-tataguan ko. Sumilip ako at nakita kong naghahanap yung dalawang guards.

"Nasan na yun?" - Guard 1

"Obvious namang hindi ko alam, ako pa tinanong mo" sabi ni Guard 2 at binatukan si Guard 1

"Wag ka ngang mambatok dyan! Hanapin mo nalang siya." - Guard 1

My Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon