Chapter 26: Day 4 - You can't always hide the TRUTH
~ ◆ Ciana ◆ ~
Nakatutok ako ngayon sa kisami, di ako makatulog! Hindi ko alam kung bakit. Gabi na ngayon, 12:30am na cguro.
"Luna" tawag ko sa kanya, baka hindi pa siya natutulog. Pero hindi siya sumagot "Tulog ka na ba?" ......
Tulog na siguro
Tumayo ako sa pagkakahiga ko at lumapit sa pinto. Lalabas muna ako, hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok. Binuksan ko ang pinto, agad naman akong napapikit "Bakit pa naka-on yung ilaw?" dahil sa naninibago ako sa paligid na maliwanag, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko hanggang na sanay na ako sa liwanag. Lumabas na ako at sinara ang pinto.
"Ano yun?" nakarinig kasi ko ng ingay galing sa baba. Lumapit ako sa railings at dumungaw sa baba para makita kung sino yung nag iingay. "Anyare sa kanila?" marami kasing mga guards sa baba, nagkakagulo.
Agad akong bumaba para maki-chismiss sa kanila, alam niyo naman, dakilang chismosa yata toh!
Merong isang guard na tumatakbo na dumaan sa gilid ko "Kuya, anong nangyayari?" tanong ko, pero hindi niya ako pinansin
Snobber si kuya! Nagpatuloy nalang ako ulit sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa baba
"Kuya! Kuya! Anong nangyayari?" tanong ko sa isang guard na dumaan sa harapan ko
"Nawawala ang Ma-este nawawala si sir Blaze" sabi niya
Nag 'oh' nalang ako "Cge po, salamat"
Aalis na sana ako ng bigla niya kong tinawag ulit "Teka Miss.. san ka pupunta?"
"Doon lang po" sabi ko, actually wala akong alam kung san ako pupunta
Napakunot naman ang noo niya "Diba... ikaw yung babaeng palaging nagtatangkang tumakas?"
"Ako?" sabi ko sabay turo sa sarili ko "Hindi po, hahaha, iba po yun"
"Hindi.... sigurado akong ikaw y-" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng tawagin siya ng isa sa mga kasamahan niya. "Cge.... maiwan muna kita dyan" at umalis na siya
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Umalis na ako sa kaguluhan doon at naglakad papunta sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
**boooooggssshh**
Napalingon ako sa gilid ko, napa taas ang kilay ko "Ano yun"
"AAAAAHHH!!" nakarinig ako ng isang nabasag na isang bagay at sigaw ng isang lalaking.... galit?
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kung saan ko narinig yung mga ingay. Nakakarinig pa rin ako ng mga nababasag na salamin at sigaw ng isang lalaki.
Unti-unti ay nakita ko ang isang lalaking naka sandal sa pader, nakayuko ang ulo nito. Magulo ang buhok niya kaya hindi ko makita-kita ang mukha niya, naka suot siya ng black jacket tapos makikita mo rin ang mga basag na bagay sa sahig.
"Ah.... okay ka lang ba?" mahina kong sabi, pero di siya kumibo. "M-meron ba akong ma-itutulong sayo?" hindi pa rin siya kumikibo "Aahh... aalis nalang ako" tumalikod na ako at naglakad paalis
"W-wait" napatigil naman ako sa paglalakad, pamilyar sa akin ang boses niya
"Wag ka munang umalis" mahinang sabi niya
Napalingon ako sa kanya "Blaze?" tinaas niya ang ulo niya, makikita mo ang mukha niyang puno ng pasa-- black eye, scratches, dumudugong ilong at lips "Anong nangyari sayo? Bakit ang dami mong pasa?"
Lumapit siya sa akin, napataas naman ang kilay ko "Ah... meron ba akong maitutulong?" tanong ko
"Crystal" bulong niya
"Ano?" bigla niya akong yinakap
"Miss na miss na kita" bulong niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko
"Anong ginagawa mo?" I can smell liquor... "Lasing ka ba Blaze?"
"Crystal..." bulong niya na naman
"Hindi nga ako si Crystal, bakit ayaw mong tanggapin yun?"
"Dahil ayaw kong tanggapin na nagbago ka na" bulong niya
Ano?
"Lasing ka na Blaze, kung anu-ano na ang pinagsasabi mo"
"I'm not drunk" sabi niya... kahit obvious naman
"You need help... ang dami mong pasa"
"I don't need help, I just need to stay with you" ano bang pinag-sasabi ng lalaking toh?
"Tulong!! TULONG!!" sigaw ko... diba hinahanap siya ng mga guards kanina? "Nang dito si sir Blaze! NANG DITO SI SIR BLAZE!! TULONG!" sigaw ko ulit
"Blaze!" rinig kong sabi ng isang babae
Agad na lumapit ang babae, tinanggal ko naman ang pagkakayakap ni Blaze sa akin. Inalalayan naman siya ng babae.
"Saan mo siya nakita?" tanong niya sa akin
"Nakita ko siyang nakatayo doon" tinuro ko ang lugar kung saan naka tayo si Blaze kanina
"Aaahh.." nginitian niya ako
Napakunot ang noo ko "Diba ikaw yung babaeng nag ngangalang Niña?" tanong ko
"Oo, ako nga. Salamat ulit ha"
Nginitian ko siya "Wala lang yun, cge alis na ako" tinanguan niya ako kaya nginitian ko siya at tumakbo na ako pa-alis
BINABASA MO ANG
My Ice Princess
FantasyKapag nakakita ka ng 'Ice Princess' agad mo ng maiisip na ang bida ay MAGANDA, SEXY PERO REBELDE, GANGSTER, COLD, PALAGING POKER FACE AT HINDI TUMATAWA O NGUMINGITI Diba? Kasi ako, ganyan eh Pero itong kwentong ito? Opposite ng mga nabanggit sa itaa...