Chapter 30: The magical start
~ ◆ Blaze ◆ ~
Biglang umilaw ng maliwanag and isang portal na binuksan ni Crystal kaya agad kaming napa-takip ng mga mata dahil sa maliwanag na ilaw.
Nang mawala na ang liwanag ay binuksan ko na ang mga mata ko pero wala na kaming makita. Bumalik na ang naglahong pader at wala na si Crystal.
"Niña!" tawag ko kay Niña na nakatayo sa unahan.
Nilingon niya ako "Who was that?! How did she know there's a portal here!? Bakit merong yelo!?" ang dami niyang tanong pero pinatahan ko muna siya bago nagsalita.
"I told you! She's your sister! Si Ciana at Crystal ay iisa!"
"But she's using dark sorcery! We don't use dark magic!"
"I know! Pero siya ang tinuturo ng lahat! The feelings, the ring, the cape, the glovrs, at yung kanina!"
Hindi na siya nag salita pa ulit at napahipo nalang ng noo.
Pumunta na kami pabalik sa office ni Ms. Chrisiana, nanay ni Niña at ang may-ari ng paaralang ito.
"Narinig ko ang kaguluhan kanina" tinignan niya si Niña, para bang naghihintay ng paliwanag. Pero hindi sumagot si Niña, parang hindi pa siya nakaka-get over sa nangyari kanina kaya ako nalang ang nagsalita.
"O-opo Tita" sabi ko.
"Paano nakapasok ang isang taong merong itim na mahika sa paaralang ito!?" medyo galit na sabi niya
"Hi-hindi po namin alam. Pero pina-imbistigahan ko po siya" tinignan niya ako "Nakuha ko po ang iaang singsing, kapa at isang pares ng gloves" at binigay sa kanya ang sinabi ko.
"Ito.... k-kay Crystal ito" nalungkot ito bigla.
"Opo" sabi ko.
"Pero paano?"
"Hindi rin po namin alam." sabi ko
"Sigurado ba kayong sa babaeng yun ito nang galing?"
"Opo nakakasigurado po kami. Nabuksan niya rin po ang isang portal kanina." nagulat si Tita Christiana.
"Portal? Walang nakakaalam sa portal na iyon kungdi kami lang at ang tagapagmana lamang ang nakakabukas ng portal yun." napataas naman ang kilay ko
"Po? Tagapagmana?" tanong ko, tinanguan ako ni tita.
"Oo. Ang mga tagapagmana lamang ang makakabukas sa portal na iyon."
"So ibig sabihin hindi yun nabubuksan ng kahit sino? Kahit si Niña?"
"Oo iho. Kahit si Niña. Ako lang at si Crystal ang makakapagbukas ng portal iyon dahil mga tagapagmana kami ng Cristalliña" pagpapaliwanag ni tita.
Ibig sabihin, si Crystal ang sunod na tagapagmana ng kaharian ng Cristalliña?
"Saan po kayo mapapadpad kung sakaling pumasok kayo sa portal na iyon?"
"Sa isang mundo. A world of lies, a world of selfishness."
"Hindi ko po naiintindihan?"
"Isang mundo kung saan karaniwang nakatira ang mga dark sorcerers. Hindi talaga ito isang mundo kungdi isang kulungan. Ang mundo ng Ethyri."
"Ano na pong gagawin natin?" tanong ko.
"Kailangan niyong hanapin ang babaeng yun." sabi ni tita.
Paano?
"Po? at Niyo?" tinanguan lang niya ako.
"Tatlo kayong maglalakbay para hanapin ang babaeng yun at ng makompirma natin kung siya na nga ba talaga si Crystal"
"Tatlo? Eh dalawa lang po kami... sasama po ba kayo sa amin?" umiling ito
"Merong sasama sa inyo." at biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Mas matangkad pa nga siya kaysa sa akin.
"Magandang araw po" nakangiti nitong sabi.
"Magandang araw din iho." tumayo si Tita kaya tumayo na rin kaming dalawa ni Niña na kanina pang walang imik.
"Ito pala sina Blaze at anak kong si Niña. Nina, Blaze, siya si Tyrone, ang makaka-sama ninyo sa paglalakbay niyo." at nakipagkamay kami kay Tyrone.
"Nagagalak akong makasama kayo" sabi niya sabay ngiti.
Sinabi ni Tita ang dapat naming gawin pero isa lang ang nasa isipan ko.
I will definitely find.....
"My Ice Princess"
BINABASA MO ANG
My Ice Princess
FantasyKapag nakakita ka ng 'Ice Princess' agad mo ng maiisip na ang bida ay MAGANDA, SEXY PERO REBELDE, GANGSTER, COLD, PALAGING POKER FACE AT HINDI TUMATAWA O NGUMINGITI Diba? Kasi ako, ganyan eh Pero itong kwentong ito? Opposite ng mga nabanggit sa itaa...