Chapter 23: Day 2 - The Ring
~ ◆ Ciana ◆ ~
Dalawang araw na kami dito at ngayon, nasa isang zoo kami.
"Ang zoo na ito ay merong maraming hayop. Almost all animals and kinds in the world ay nang dito, except sa mga kinds of fishes and other sea animals" pag eexplain naman nung tour guide
"Bakit? Nasan ba nakalagay yung mga isda?" tanong ng isang lalaki na nasa pinakalikod
"Nasa ibang zoo sila, but don't worry, pupunta tayo bukas dun" sabi niya "So! Enjoy yourselves guys! See you later!" at umalis na yung tour guide
Naglakad na kami ni Luna para makakita ng iba't ibang species ng animals
"Ciana! Dun tayo!" hinila ako ni Luna
"Dahan-dahan lang!" tumigil kami sa harapan ng isang malaking cage
Sa harap ng cage ay meron kaming nakitang sign. Peacock daw ang nakatira dito
"Ang sabi Peacock ang nakatira, wala naman ah?" tanong ko
"Yun oh!" tinuro ni Luna yung kulay blue na ibon na naglalakad
"Oo nga noh!" sabi ko "Pero mas maganda kapag pinalabas niya yung feathers sa likod niya!"
Biglang lumabas ang mga feathers ng peacock sa likod niya, kaya napa wow kami
"Ang ganda niya!!" - Luna
Lumingon-lingon ako at meron akong nakitang CUUTTEEE! NA ANIMAL!!
"AAAAAHHH!!! Luna dun taaayooo" agad kong hinila si Luna sa cage na nakita ko kanina
Pagdating namin dun sa cage ay nakakita na naman kami ng sign. It says 'Panda'
"AANNG CUUTEEE NILAAAHH!! PANDAAAAH ~ " sigaw ni Luna
"Ssshhhh!!" sita ng isang caretaker cguro dito ng zoo? "Baka maka istorbo ka ng ibang hayop"
"Sorry po" paguumanhin ni Luna. Umalis na yung caretaker.
"Ang cute ni paandaaaa!!" mahina na ang boses niya ngayon
"Oo nga eh!!! Nakakabaliw ang kanyang cuteness!!!" sabi ko
Lumapit sa amin yung panda, nag lean lang siya sa railings na malapit sa amin.
"Awww!! Cute mo! Gusto mo ampunin kita?" nakangiti kong sabi sa panda
He raised his both paws "Sorry panda, sabi kasi nila di ka pwede ampunin, babalikan nalpang kita" nginitian ko siya ulit at umalis na.
"Ciana! Doon tayo O!" tinuro ni Luna ang cage kung saan nakatira yung giraffes
"Cge cge!" tumakbo kaming dalawa papunta doon, parang mga bata kaming nagtatakbuhan dahil nasa amusement park kami.
"Woaah!! Ang tataas nila!" amazed na sabi ni Luna
Merong isang giraffe na lumapit sa amin, I want to touch it! Meron akong nakitang caretaker na nag papakain ng giraffe, kaya nilapitan ko siya
"Kuya, pwede bang hawakan yung mga giraffe?" tanong ko
"Pwede lang hija basta wag mo lang silang saktan" sagot niya
"Talaga po!? Salamat po!" umalis na ako at bumalik kung saan nakatayo si Luna
"Saan ka galing?" tanong niya
"Ah, nilapitan ko lang yung caretaker at nag tanong kung pwede bang mahawakan yung mga giraffe"
"O? Anong sabi?"
"Pwede naman daw"
"Talaga?" tinignan ni Luna yung giraffe na nasa harap pa rin namin. Hinawakan niya ang mataas na leeg nito.
Hinawakan ko rin yung leeg niya, at ang lambot!
"San mo nakuha ang singsing na yan?" nabigla naman ako sa tanong ni Luna
"H-ha? anong singsing?" tinuro niya ang singsing na suot-suot ko
Patay! I forgot to unwear it!
Tinanggal ko yung singsing "Nakita ko lang ito kanina, nahulog kasi tapos sinuot ko baka magkasya tapos nakalimutan kong tanggalin"
"Talaga? Ang swerte mo naman at ikaw ang nakapulot! Maganda pa naman ang singsing"
"Ibabalik ko ito sa m-may-ari" sabi ko
"Kilala mo kung sino ang may-ari?"
Inilagay ko yung singsing sa bulsa ko, baka mawala pa
"Hindi, ibibigay ko ito sa lost in found, baka hinahanap na ng may-ari"
"Wala namang guidance dito ah?"
"Meron silang in-charge" naramdaman kong merong nagmamasid sa likod ko kaya hinila ko na si Luna "Sa iba naman tayo"
_______________________________
~ ◆ Blaze ◆ ~
Nasa zoo ako ngayon, nag eenjoy naman ang lahat.
Napalingon ako sa cage ng mga giraffe. Merong mga babaeng humahawak sa giraffe. Well okay lang naman yun unless di nila sasaktan yung mga giraffe
Pero meron akong napansin na hindi tama kaya lumapit ako ng ka unti
Nagulat naman ako sa nakita ko "Ang singsing na yun" bulong ko
Nakita kong Inilagay niya ito sa kanyang bulsa at umalis na siya kasama ang kaibigan niya.
Saan niya nakuha yun? Bakit nasa kanya yun? Bakit nasa kanya ang singsing?
Bakit nasa kanya ang...
Friendship Ring namin?
|Flashback - Third Person|
"Crystal!" lumingon ang isang napakagandang dalaga sa kanya
"Ito nga pala" binigay ng binata ang isang box "Birthday gift ko sayo"
13th birthday kasi ngayon ng dalagang nag ngangalang Crystal
Tinanggap ng dalaga yun at binuksan ang kahon, nabigla naman ang dalaga "Ano naman ito?"
"Friendship ring yan natin" sabi ng binata
"Friendship ring?" sabi naman ng dalaga "Bakit puro stars?"
"Kasi ikaw ang bituin ko!" banat ng binata, napatawa naman ang dalaga "O? Bakit ka tumatawa?"
"Wala lang" nginitian siya ng dalaga
"Suotin mo na" excited na sabi ng binata
"Ikaw ang mag suot para sa akin" napangiti naman ang binata at isinuot niya ang singsing sa ring finger ng dalaga
"Nagustuhan mo ba?" tanong ng binata
Ngumingiting tumango ang dalaga "Wait, diba sabi mo friendship ring toh, dapat meron kang singsing na suot"
"Of course, I do" tinaas ng binata ang kanyang kanang kamay at ipinakita niya sa dalaga ang kanyang singsing
"Sun? Bakit sun?" curious na tanong ng dalaga
"Dahil ako ang araw mo" naka smirk na sabi ng binata, napatawa ulit ang dalaga
"Ang cheesy mo naman!"
"Mas mabuti nalang yun kaysa sa wala diba?" nakangiting sabi ng binata
|End of Flashback - End of P.O.V|
__________________________
Whatcha think about this guys?
Picture at the side! 》》》 Left, yung sinuot ni Ciana at friendship ring daw ni Crystal at Blaze. Sa right naman ang singsing ni Blaze.
BINABASA MO ANG
My Ice Princess
FantasyKapag nakakita ka ng 'Ice Princess' agad mo ng maiisip na ang bida ay MAGANDA, SEXY PERO REBELDE, GANGSTER, COLD, PALAGING POKER FACE AT HINDI TUMATAWA O NGUMINGITI Diba? Kasi ako, ganyan eh Pero itong kwentong ito? Opposite ng mga nabanggit sa itaa...