Chapter 36

13K 316 12
                                    


JAMES

"ANG GAGO MO!" Sigaw na sabi sakin ni Janelle. Hindi na ako nakaiwas pa ng sinuntok nya ako.

Nandito pa rin ako sa may arena at nakaupo. Pinagsusuntok ako ng tatlo pero balewala lang para sa akin 'yon. Mas malala pa rin ang nagawa ko kay Princess, sa babaeng mahal ko.

Hindi na namin pa sila nasundan. Masyadong marami ang tauhan ang magulang nya kaya naman hindi na namin nagawa pang sumunod. Ano ba kasing nangyari sakin?! Bakit bigla na lang akong parang nawala sa sarili ko?!

Inalala ko ang mga nangyari. Tandang-tanda ko pa rin ang mga sinabi sakin ni Princess.

"Tang-ina! James ang sakit!"

"Patayin mo na ako.."

Isa ka ngang malaking gago. Ang dapat sa tulad ko ay pinapatay! Hindi na dapat ako binuhay pa!

"P-patayin nyo na ako.." Bigla kong naiusal. Napatahimik ang lahat.

"Tang-ina! Bakit ko 'yon nagawa?! Bakit?! Aaaahhh!" Sigaw ko. "Gulong-gulo na ako!"

"J-james.." Napatingin ako kay Janelle. Ang seryoso ng mga mata nya. "Kapag may nangyaring masama may Princess.. Wag ka ng magpapakita pa." Sabi nya at tumingin sa tatlo. "Kahit ang pagmumukha nyo, ayokong makita pa." Nagulat naman kami.

"Kaya ipanalangin nyo na sana.. Sana makaligtas sya." Umiiyak na sabi ni Alea. Ang sama ng tingin nya.

"Dahil kapag may nangyari sa kanya. Kami mismo ang papatay sa inyo." Galit na sabi ni Danica.

Tumayo ako, ang King! Sya! Alam ko na may kinalaman sya dito. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto nya dito. Nakita ko sya na tumatawa. Kumulo ang dugo ko kaya sinugod ko sya at sinuntok.

"WALA KANG ISANG SALITA!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo naman sya at malakas na tumawa.

"Mamamatay na sya.." Hindi nya na natapos pa ang sasabihin dahil sinuntok ko syang muli.

"Papatayin kita kapag may nangyaring masama sa kanya." Matigas na sabi ko. Napangisi naman sya.

"Yung kutsilyo na isinaksak mo.. May lason 'yon at siguradong hindi sya makakaligtas."

Agad ko syang sinuntok hanggang sa mapatumba na sya. Pinagsusuntok ko lang sya pero parang wala lang iyon. Tumatawa lang sya na parang baliw habang sinasabi na mamamatay na si Princess.

"H-hahaha!.. M-may.. B-bomba rin.. A-ang s-sina..s-sinasakyan nila!.. H-haha!"

-----

"Hindi pa ba natawag sayo?" Tanong ni Alea kay Janelle.

Ilang araw na ang nakalipas pero wala pa rin kaming balita kay Princess.

"H-hindi pa.."

Nalaman ko na rin ang dahilan at nakapag-paliwanag na rin ako. Ginulpi nila akong muli dahil do'n pero naintindihan rin naman nila. Hindi na rin namin mahanap pa ang King.

Nandito kami ngayon sa Mansyon nila Princess. Pero maski si Manang ay wala. May mga katulong pa rin. Napagdesisyunan namin na dito na lang maghintay. Napalingon kaming lahat sa pumasok.

"A-andrei?!" Gulat na sabi ni Danica. Masyadong madilim ang mukha nya at halata ang galit sa mata nya.

Napatayo ako ng sumugod sya at Hinawakan ako sa may kwelyo. Sinalo ko ang suntok nya. Hanggang sa inaawat na sya. Hindi pa nga ganun kagaling ang mga sugat at pasa ko, nadagdagan na naman. Pero alam ko naman na nararapat lang 'to sakin, kulang pa nga.

I Fell In love With A Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon