James' PoV
"D-dad?" Tinignan ko ang anak ko. Nang magising si Princess ay mas naging maalaga maalaga pa kami. Naroon pa ang pagkakataon na isang buong araw o dalawa akong mulat, mabantayan lang sya."Nandito na sila Lola." Tumayo naman ako at sinalubong sil Tita.
"Tita, Tito." Tawag ko at yumuko ng bahagya, nagpapakita ng paggalang at pag-respeto. Tinanguan nila ako.
"Ngayon na ang napag-usapan natin, hindi ba?" Maawtoridad na sabi ni Tito. Wala sa sarili akong tumango. "Kumusta na sya?"
"Bumubuti na po ang lagay niya, nabalik na ang dating lakas at natural niyang sigla."
"Pero mas makakabuti pa rin ang suhestiyon na sinabi ko, hindi ba?" Muli ay napatango ako. "Sa ibang bansa ay mas maaalagaan sya. Mas mapapabilis ang pagbalik ng lakas niya. Marami na ang mga bagong teknolohiya na kanilang ginagamit roon upang magamot ang mga katulad niya. Mas malaki ang tsansang gumaling sya."
"Alam ko po."
"At maiiwan kayo dito." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon.
"H-ho? Ang akala ko po ba ay magkakasama tayong lilipad patungong ibang bansa?"
"Mas makakabuting maiwan kayo. Ang aking apo ay masyado ng naaapektuhan sa mga nangyayari, James. Sana ay maintindihan mo." Si Tita ang sumagot sa akin.
Hindi man ako ganun kasang-ayon ay wala na akong nagawa. Dahil gustuhin ko man ay tama sya. Napapabayaan ko na ang anak namin, kung sasama ako malaki ang posibilidad na mas mapabayaan ko sila.
"W-wait! Lola? Saan mo dadalhin si Mom?" Naguguluhan na habol ng anak ko. Hinawakan pa sa kamay ang ina na ngayon ay nakaupo na sa wheelchair. "Mom? Saan ka po pupunta?" Naiiyak na baling niya sa ina ng nakasakay na sila sa elevator. "M-mom!"
"Jan.." Tawag sa kanya ni Tito ng hanggang sa labas ay nakasunod at ayaw pa rin nitong bumitaw sa ina. Ako ay nakamasid lang sa kanila, ayokong magsalita dahil alam ko na isang hiling ko lang na 'wag syang umalis' susunod sya.
"Lolo?" Nagtatakang sambit ni Jan at humawak sa damit nito. Hinihigit ito pababa na para bang sinasabi niyang lumuhod ito para ipaliwanag sa kanya ang nangyayari. Kung bakit isinakay nila sa loob ng sasakyan ang kanyang ina.
"Jan, we need to go." Mahinang sabi nito sa apo. Halata sa mata ang awa.
"Si Mom.." Tumulo na nang tuluyan ang luha nito. "Saan kayo pupunta, Lolo? Lola?" Sinabi niya iyon sa pagitan ng paghikbi. Pinupunasan at kinukusot ang luhaang mata.
"Ipapagamot natin si Mommy mo.." Si Tita na ang nagsalita. Lumuhod at pinunasan ang luha ng apo. "Kailangan niyang magpagaling, apo. At ikaw, hindi ka maaring sumama, naiintindihan mo ba?"
"Hindi po.. Gusto ko rin pong sumama.. I want to take care of my Mom, Lola.. Please, let me take care of her.." Nagsusumamo at nagmamakaawang sabi nito.
"You're too young, little boy. And your Mom wants you to finish your study, Jan."
"But.. Lola.."
"Make your Mom proud, young boy. She will be happy if you finish your study without her."
"But I think Mom will be more than happy if I finish it when she's beside me, Lola, when I'm with her." Matalinong pagsagot niya sa pang-uuto nito. Hindi ko na nakaya pa kaya naman sumabat na ako.
"Jan," Lumingon sa akin ang anak ko. "Ayan ang gusto ng Mommy mo, ang manatili ka rito at samahan ako." Labag man sa loob ko ay sinabi ko iyon. Nakita ko sa mata nya ang pagkadismaya.
Wala na syang nagawa pa ng sumakay ang Lola niya sa loob. Pinaandar ang sasakyan. Pinanood niyang umandar ito papaalis, papalayo sa kanya. At nang hindi na matanawan ng kanyang mata, nilingon niya ako.
BINABASA MO ANG
I Fell In love With A Cold Princess
Romance"Hindi mo naman kasi kailangan pang mahalin ako tulad nang dati.. Basta manatili ka lang na buhay.. Wag ka lang mawala sa paningin ko.. Maramdaman ko lang ang presensya mo.. Ayos na ako.. Wag kang bibitaw ha? Mamahalin pa kita.."