Chapter 47

10K 216 3
                                    

JAMES

Nagsimula na ang pagtatrabaho ko na kasama si Princess. Sobrang saya ng nararamdaman ko sa tuwing sya ang makikita ko. Minsan nga hindi na ako nakatulog hindi dahil sa napuyat ako sa paggawa ng blueprint ng bahay-ampunan kung hindi dahil sa kakaisip kung anong mangyayari kinabukasan!

"Sir!" Napatingin ako sa isa sa mga tauhan ko.

"Ohh?" Tanong ko.

"Hindi daw makakapag-deliver ng mga materyales yung kompanya na kinuhanan natin." Namomrblemang sabi niya.

"Ha? Bakit naman ganun?" Kalmadong tanong ko.

"Kinulang daw sila sa budget nila." Nakatungong sabi nito. Doon na napakunot ang noo ko.

"Paanong nangyari 'yon? Sobra-sobra pa ang pera na binigay natin sa kanila, di ba?"

"Nagkalokohan daw, Sir. Itinakbo ng ka-business partner nila yung pera." Napahawak ako sa noo ko.

"Anong sasabihin natin nito kay Ms. Andrish? Sa kanya ang perang itinakbo!" Doon na ako nainis. Napakalaking halaga ng perang nawala. Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"P-pwedeng.. Idimanda na lang natin sila." Biglang suhestiyon ng lalakong bagong dating.

"B-brix?" Gulat na tanong ko. Ngumiti naman sya.

"Woooh! Nakakaboring sa ibang bansa!" Malakas na sigaw niya. "Long time no see, dude!" Sabi niya at nakipagyakapan.

"Si Alea?" Tanong ko.

Nagbakasyon ang buong barkada sa ibang bansa. At dahil hindi ako pwede ay naiwan nila ako dito. -.-

"Nasa bahay.." Sabi niya at tumitig sa akin. Parang nag-aalangan pa sya. "Lahat sila nasa bahay.." Pagpapatuloy niya pa.

"Oh? Reunion ba? Hahaha!" Sabi ko at natawa. Biglang pumasok sa isip ko si Princess.

"O-oo eh." Napapakamot na sabi niya. "Kaya nga nandito ako.. Susunduin sana kita." Dagdag niya pa. Para talagang may bumabagabag sa kanya kaya hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

"M-may problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"A-ano kasi.. Tsk! Paano ba 'to?" Dinig ko pang bulong niya. "S-si Princess.." Sabi niya at huminga ng malalim. Parang naghahanap ng tamang salitang aangkop sa sasabihin nya. "K-kagabi.. T-tumawag sya at nagulat kami. Hindi namin alam kung sya nga ba 'yon pero nang nag-skype ay napatunayan namin.. Tol buhay sya!" Sabi nya pa.

"Oh?"

"Tsk! Anong oh? Buhay si Princess! Hindi mo ba naiintindihan? Buhay sy!" Masayang sabi niya.

"Alam ko.."

"Tsk! Y-yun naman--- ano? Alam mo? Kailan pa?!" Di makapaniwalang tanong niya.

"Last week pa." Simpleng sagot ko na ikinalaki ng mga mata nya. 
Bakla amp!

"P-paano?" Naguguluhang tanong niya.

"Sya ang nagpapatayo ng bahay-ampunan.." Sabi ko. "Tss. Ano? Tara na?" Baling ko sa kanya ng hindi sya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"S-saan?"

"Abno talaga.. Malamang sa bahay niyo! Sinundo mo ko dito di ba?" Sarkastikong sabi ko.

"Hehehe! Oo nga pala." Sabi niya.

Kakamot-kamot naman kaming nagtungo sa kanya-kanyang sasakyan.

"Oh? Pano ba yan? Kita na lang tayo?" Tanong ko pa. Tumango naman sya at ngumiti ng malapad.

I Fell In love With A Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon