PRINCESS
Nahinto ako sa isang abandonadong gusali. Wala pa man ay umaalingasaw na ang nakakaliyong amoy. Ang pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo at ang nakakasukang panghi na dulot ng dumi ng tao. Ngayon pa lang ay gusto ko ng magwala. Iniisip kung ano ang nararamdaman ng anak ko at ng mga bata. Mag-aapat na araw na sila dito. Kumuyom ang kamay ko.
Maingat akong kumilos. Inakyat ang pader, at sa likod dumaan. Nakita ko kung gaano karami ang mga tauhan ng King. Pawang mga nakaitim ang mga ito. Mabilis ang naging pagkilos ko. Sa isahang galaw ay sinisigurado ko na makakatulog na agad ang mga ito. Nang matapos ko ang mga bantay sa labas ay agad akong pumasok sa loob, maingat na pumasok sa may bintana. Nakakarami na ako ng napapabagsak ng bigla ay malingunan ako ng isa. Nag-iisa na lang naman sya pero dahil bumunot ito ng baril ay paniguradong makakagawa kami ng ingay. Ayaw ko man ay hinugot ko ang kutsilyo ko at walang anu-ano'y ibinato ito sa kanya. Napanood ko pa syang mangisay bago bumagsak. Lumapit ako at hinugot ang kutsilyo na nakabaon sa leeg nya. Tumalsik pa ang dugo sa aking mukha. Naglakad ko habang hawak ang kutsilyo, pinapaikot sa kamay ito.
Dali-dali kong sinagot ang telepono ng tumunog ito.
"Cold," Boses pa lang nya ay kumulo na agad ang dugo ko. "Nais kong maging matalino ka, hindi mo makikitang buhay ang mga bata kapag nahuli ka." Makahulugang aniya.
"Kung patalinuhan lang naman ang pag-uusapan, paniguradong wala ng tatalo pa sayo." Sarkastiko ang pagkakasabi ko.
"Mabuti't alam mo." Mayabang na tugon naman nito.
"Mm, do'n ka lang naman lamang. Magaling kang mag-imbento ng bagay-bagay. Pero mas matalino ako."
"Mayabang ka."
"Natural na 'yon. Hindi mo maiaalis sa akin. Kaya kitang patumbahin kahit na nakatali ang aking mga kamay."
"Makikita natin," sabi niya at humalakhak. May narinig pa akong kalabog sa kabilang linya. "Sa isang pinto, makikita mo ang hinahanap mo. Isang maling hakbang, buhay ng tao ang mawawala sayo. Tumigil ka sa kinatatayuan mo, dugo mo ang kakalat sa simento." Narinig ko ang nakakabinging pag-iyak nang aking anak. "Pero isang mabilis na pagkilos, lahat sila'y maililigtas mo. Talino ang kinakailangan sa mga oras na ito. Ang kakayahan mo ay mababaliwala, lahat kayo'y magdurusa sa maling desisyon na gagawin mo. Tumatakbo ang oras, hinihintay ka na ng sundo mo." At namatay ang linya.
May narinig akong tila tunog ng orasan. Para iyong tibok ng puso ko, mabagal pero nakakatakot, nakakakaba. Mabilis ang naging pagkilos ko. Patakbo kong inakyat ang hagdan. Hindi na nagana pa ang elevator sa bawat palapag.
At sadyang napakahirap ng pinagdaanan ko. Bawat palapag ay binubuksan ko ang mga kwarto, ang lahat ng kwarto ay may mga tauhan at talaga namang pinahirapan ako.
Nang makarating ako sa huling palapag ay nag-isip akong mabuti. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hinahanap ang pakiramdam kapag nasa malapit lang sa akin ang anak ko. Pero wala akong maramdaman! Maski napakahinang ingay ay wala.
Agad kong binuksan ang pinto na nasa malapit sa akin. Nanghina ako ng makita kung gaano karaming mga tauhan ang nasa loob. Ramdam ko na ang panghihina sa buo kong katawan, ang pagod ay nilalamon ang aking lakas para lumaban. Agad kong binunot ang baril ko. Pinaputukan ang bawat lalapit sa akin, pero dahil kanina ko pa nagamit ang baril ay hindi na non kinaya ang bilang nila. Wala akong nagawa kung hindi ang labanan sila, lakas sa lakas. Pero nang makita kong may mga armas na binunot ang ilan ay mabilisan kong kinuha ang dalawang kutsilyo. At buong lakas na nakipaglaban sa kanila. Napaluhod ako ng maramdaman ang pagdaplis ng kutsilyo sa tagiliran ko. Nang makita kong susugod itong muli ay nagpadausdos ako at iyon ang kinuhang pagkakataom para patalon na tumayo. Hindi pa man tuluyang nakakaharap ito sa akin ay tinalunan ko na ito. Nagpaikot ako sa ere at ng pabagsak na ako ay magkaharapang na kami. Ibinaon ko sa leeg nya ang kutsilyo. Ipinangtuon ko ang kamay ko sa sahig pagbagsak.
BINABASA MO ANG
I Fell In love With A Cold Princess
Romance"Hindi mo naman kasi kailangan pang mahalin ako tulad nang dati.. Basta manatili ka lang na buhay.. Wag ka lang mawala sa paningin ko.. Maramdaman ko lang ang presensya mo.. Ayos na ako.. Wag kang bibitaw ha? Mamahalin pa kita.."