James' PoV
"What the fuck was happened?! James? Bakit mo hinayaan?" Nakatanggap ako ng suntok sa kanya, sa ama ni Princess. "Look at my princess.. And my little boy.." Hindi makapaniwala nitong aniya.
"I'm sorry," paghingi ko ng tawad. Hindi maituon ang paningin kay Jan dahil ang buo kong atensyon ay na kay Princess. Na ngayon ay lumalaban para sa buhay niya.
"Bakit kailangan nya pang danasin ang lahat ng paghihirap na 'yan? Inilayo namin sya sa ganyang klaseng buhay.. Pero bakit nandyan sya ngayon?" Naibulalas ng ina ni Princess. Hindi namin alam na nakabalik na pala ito galing sa ibang bansa.
"Hon," niyakap nito ang asawa.
"May sakit pa syang pinagdadaanan ngayon, sa tingin mo? Mas gugustuhin niya pang mabuhay kung matapos ang paghihirap niyang 'yan, sa sakit niya naman sya lalaban?" Umiling ito ng umiling.
"Anong sakit?" Si Janelle ang naglakas loob na magtanong.
"Brain cancer.."
"No.. No.. This can't be true.. No.." Bigla ay napaupo ako. Hindi malaman kung papaniwalaan ba ang sinabi nito. Nang bumalik sya galing sa business trip, doon na ako kinutuban pero winalang bahala ko lang. "Magaling na sya sa sakit nya.." Sambit ko.
"Sabi niya, hindi niya na kaya. Nahihirapan na sya. Ayaw niya na pero nandyan ang anak niya, kami, mga kaibigan niya at ikaw. Tayo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, lumalaban sya." Mahinang sabi nito na ang paningin ay nasa anak. Makikita ang awa at lungkot pero nangingibabaw ang kagustuhan na mailigtas ito at ang pagmamahal ng isang ama. "Pero.. Hindi naman siguro magiging masama kung.. Hayaan na natin sya." May pait sa boses na dagdag nito. Napatingin ako dito at sunod-sunod na umiling.
"Hindi, lalaban sya. Lalaban kami..," tutol ko. "Paano naman ako? Paano na ako kung wala na 'kong Princess? Tito, wag.. Please.. Lalaban kami.." Humagulhol na ako sa pag-iyak. Humandusay na rin ako sa sahig, na parang batang nawawala. "Hindi ko kaya.. Hindi ko kaya.." Nakasubsob ang mukha ko sa pareho kong braso.
"James.."
"Kung mawawala rin naman sya, mas mabuting mawala na rin ako..," wala sa sariling sambit ko.
"Paano si Jan? Si Kristal? Paano na ang mga anak nyo?" Bigla ay tanong ni Tita. "Hindi lang sa inyo iikot ang mundo, James. Lahat ng tao sa mundo ay mamamaalam, may mauuna lang. Ang kailangan at maaari lamang nating gawin ay tanggapin ito." Nagpapaintindi nitong aniya. Pero sadyang sarado ang utak ko. Ayaw tanggapin ng puso kong mawawala si Princess. Hindi ko kaya.
"S-sana.." Hindi ko natapos ang sasabihin ng bumukas ang pinto. Agad akong tumayo, lumapit sa doktor. "Kumusta si Princess? Doc? Buhay sya di ba?"
"Ayos na ang lagay ng pasyente," nakangiti nitong pahayag pero ang lungkot sa mga mata ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Nakahinga ako ng maluwag pero may bumabagabag sa akin. "Maraming nawalang dugo sa kanya. Kritikal ang kondisyon niya pero naagapan. Ang ikinalulungkot ko lamang ay ang sakit niya."
"Hindi naman sya mamamatay, hindi ba?" Umaasang tanong ko.
"Tatapatin kita, sa ganitong sitwasyon, kalagayan niya, malabo nang makaligtas pa sya." Pagtatapat nito. Bigla ay hindi ako makahinga. Para bang may napakalaking bagay ang bumara sa aking lalamunan. Hindi ako makapagsalita."Masyado ng mahina ang kanyang katawan. At ang sakit nya, sa sakit na iyon, wala pang nakakaligtas. Milagro na lamang ang mapanghahawakan natin. Ipagdasal na lamang natin ang paggaling niya. Kahit na, wala na itong kasiguraduhan." Malungkot na lumisan ang Doktor. Lahat kami ay hindi nakapagsalita. Ako ay naiwang tulala, nilalamon ng malalim na pag-iisip.
BINABASA MO ANG
I Fell In love With A Cold Princess
Romance"Hindi mo naman kasi kailangan pang mahalin ako tulad nang dati.. Basta manatili ka lang na buhay.. Wag ka lang mawala sa paningin ko.. Maramdaman ko lang ang presensya mo.. Ayos na ako.. Wag kang bibitaw ha? Mamahalin pa kita.."