Chapter 35

11.6K 278 10
                                    


Normal's PoV

"Yunn! Laban na ulit nila!"

"Kay Cold ako!"

"Sige! Kay Heartless ako!"

"Ang Hoooootttt mo Colddd!"

"Shit! Ang astig ni Heartless!"

"Wala pa rin syang binatbat kay Cold!"

Mga sigawan ng mga tao ang maririnig. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Maglalaban na muli ang dalawang pinakamalakas na gangster.

Ang laban ni Cold at Heartless.

Nasa magkabilang dulo ang dalawa. Parehong nagsusukatan ng tingin. Sa kabilang dulo kung saan nakatayo si Cold na walang emosyon na makita. Sa kabila naman ay si Heartless na halatang kakaiba ang ikinikilos.

"Sa labanan ngayong araw, kilalanin natin ang bawat leader ng grupo! Para sa The Demon! HEARTLESS PRINCE!" Umugong ang napakalakas na hiyawan sa loob ng arena. "At para naman sa The Revenge Princesses, COLD PRINCESS!" Mas malakas na hiyawan ang namayani sa loob ng arena. Kanya-kanyang pangalan ang isinisigaw.

"Sa labanang ito kung saan ranggo ang pinaglalaban. Makikita nating muli ang pagtutunggali ng dalawang pinakamalakas na leader ng gangster. Ang patakaran natin ngayon ay nasa kamay ng dalawa. Kung bubuhayin ba nila ang kalaban o hindi." Maraming nagbulungan. Isa na roon ang bawat kasapi ng gang na pinangungunahan nila.

"Bakit ganun?!" Inis na sigaw ni Light.

"Shit! Cold!" Sigaw naman ni Dark.

"Kaya mo ba?!" Sigaw naman ni Witch.

Hindi na sila nito sinagot. Ngumiti lamang ito. Ngiting halata ang takot. Takot na baka totoo nga ang sinasabi ng magulang nya. Dahil kung totoo nga ito ay alam nya na hindi nya kayang labanan ang taong mahal nya.

Kapwa sila nakamaskara. Si Heartless ay nakamaskara na ang kita lang ay ang mata nito na may contact lens pa na pula. Samantalang si Cold naman ay labi lamang ang walang maskara. Naka-contact lens rin ito na kulay asul na sadyang bumagay sa mga mata nito na walang kahit anong emosyon na mababasa.

Pumutok ang baril na hudyat na simula na ang laban sa pagitan ng dalawa. Biglang naging tahimik ang lahat. Walang kahit anong ingay ang maririnig na ultimo pati ang pagtunog ng bawat hakbang nila ay rinig. Kumuha ng samurai si Cold at ganun din si Heartless.

Walang nasugod sa dalawa. Kapwa pinag-aaralan ang galaw ng bawat isa. Naunang sumugod si Heartless. Iwinawasiwas ang hawak na sandata kaya naman panay sangga ang ginagawa ng isa. Napakabilis ng mga galaw nilang dalawa.

Nang magdikit ang sandata nila ah nagkaroon sila ng pagkakataon na matitigan ang mata ng bawat isa. Ngumisi si Cold, nakalimutan nya na ang pangambang nararamdaman kanina. Isang mabilis na galaw ang ginawa nya na naging dahilan para lumipad papalayo ang hawak na sandata ni Heartless.

Napangisi naman si Cold. Nakita nya ang pagkairita sa mata nito. Nagsalubong rin ang kilay nito kaya mas lalong lumawak ang ngisi nya. Agad nyang sinugod ito. Iwinawasiwas ang hawak na sandata kaya naman panay ilag ang ginagawa ng isa.

Napamali ng tapak si Heartless kaya nadulas sya at nadaplisan sa may kaliwang braso. Mahaba ang pagkakahiwa at may kalaliman. Agad na tumulo ang dugo sa sahig. Agad na naghiyawan ang mga manonood. Tumayo si Heartless na halatang inis na.

I Fell In love With A Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon