Chapter 62

9.2K 207 13
                                    

James' PoV

"Iho?" Nagmulat ako ng mga mata. Bumungad sa akin ang isang mukha na hindi pamilyar sa akin. Ramdam ko ang pamamasa ng pisnge ko at ng mata ko.

"S-si Princess.." Sabi ko at naupo. "W-wala na sya.." At doon, umiyak na naman ako. "Wala na sya.."

"Iho, sino ba ang Princess na 'yon?" Inosente nitong tanong. Hindi ko sya sinagot, nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto, wala si Princess, wala na rin ang mga gamit na dati ay nandito. Wala na sya. Para na naman akong pinapatay. Bakit? Paano mo ako nagawang iwan, Princess?

"M-mahal na mahal kita.. Princess.."

"Sino ba 'yang Princess na 'yan? Kanina mo pa 'yan binabanggit sa pagtulog mo." Napatingin ako dito, nasa kwarto pa rin ako ng hospital na 'to. Hindi ako naalis. Ang pagtulo ng luha ko ay tuloy pa rin. "Iyon ba ay ang nandito sa kwartong ito?" Tumango naman ako. Ngumiti sya, pero napakalungkot ng mga mata niya. "Kung ganon, bakit mo sinasabing wala na sya? Hindi naman pumanaw ang babaeng iyon. Maaring isa lamang panaginip ang nakita mo." Napatigagal ako sa sinabi niya. Isang panaginip? Maaari nga kaya? Umalis na ang matandang lalaki na 'yon. Sya pala ang naglinis nitong buong kwarto.

Tumayo na ako at tinignan ang kabuuan ng kwarto. Wala ng kahit anong gamit pa ang narito. Ang higaan ay maayos na ang itsura. Bago na rin ang bedsheet nito at ang mga unan. Sobrang linis na ng kwarto. Wala ng kahit anong gamit. Tanging ako na lang naiwan. Pero nagkamali ako ng bigla ay bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang anak ko, si Jan kasama ang kapatid niya. Pugto ang mga mata at namumula pa ang ilong na lumapit sa akin ang dalawa.

"Dad.." Umiiyak na sambit ni Kristal at yumakap sa akin. Si Jan naman ay nakayuko lang at mahinang umiiyak.

"What's wrong?"

"Si Mom.." Mahinang sambit ni Ja at nag-angat ng tingin. Kinukusot ang mata at pilit na pinupunasan ng luha. "She leave me, alone.. She leave us.."

"Ano?"

"Wala na si Mom, umalis na sya. Hindi niya ako sinama! She told me that I need to be here! To be with you, It is better if she leave me to you." Umiiyak na sabi niya. "She doesn't love me!" Nagmamaktol na sigaw nito.

"H-hey! D-dont say that again!" Singhal ko sa kanya. Naguguluhan man ako, hindi makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng nakita ko. "She only did that for us." Mahinang usal ko, nagpapaintindi. Pero hindi niya 'yon maiintindihan ngayon. Masyado pa syang bata. Hindi iyon maiintindihan ng batang isip niya.

"No! She did that for herself! Ginawa niya 'yon para sa sarili nyang kapakanan! Hindi niya ako inisip! Wala syang kwenta!" Sigaw niya at akmang tatakbo na papalayo pero pinigilan ko sya.

"Your mom is sick."

"What?" Naguguluhan niya akong nilingon.

"She's sick. And that is the reason why she leave. Please.. Wag mong sasabihin na wala syang kwenta, nagpapagaling sya para sayo, sa atin." Sabi ko at tumungo, pinangiliran ako ng luha.

"No.." Umiiling na sabi niya. "No! She's not sick!" Wala pa man, hindi ko pa man tuluyang nasasabi ang sakit ng kanyang ina ay ganyan na agad ang reaksyon niya, paano pa kaya kapag sinabi ko na.. Maaari itong mamatay, ano mang oras?

Iniuwi ko na si Jan ng makatulog ito sa mga bisig ko. Buhat ko sya samantalang hawak ko naman sa kamay si Kristal. Tumigil na naman sila sa pag-iyak. Sa bahay ko na sila iniuwi. Si Jan ay inihiga ko na sa kwarto nila ni Kristal, dalawa ang kama doon. Ganun rin si Kristal, agad na nahiga ng makapasok sa kwarto. Dinalaw naman agad ito ng antok.

Pumunta ako sa kusina, kumuha ng beer at ilang makakain. Nakakailang alak na ako pero parang hindi pa rin ako nalalasing. Masyado akong nag-aalala kay Princess. Bakit hindi niya ako ginising? Bakit hindi sya nagpaalam? Bakit niya kami iniwan? Bakit mas ginusto nya pang harapin at labanan ang sakit nyang 'yon ng nag-iisa? Nandito ako, sabay kaming lalaban para sa kanya.

I Fell In love With A Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon