Chapter Three: Class 1-B

25 0 0
                                    

Masayang nagkwekwentuhan sila Leanne at Andrei tungkol sa iba’t-ibang bagay habang naglalakad sa pasilya ng paaralan. Samantalang si Derrick ay tahimik lamang na sumusunod sa kanilang likuran. Hindi kasi ito makasingit sa mga usapang pambabae, siyempre lalaki siya.

            “Ah Andrei, anong oras na?” tanong ni Leanne nang makita nito ang relong suot ni Andrei.

            “8:30. Bakit?”

            “Wala lang, tinitingnan ko lang kung ano ang next subject natin.”

            “Tinitingnan?” patawang tanong ni Andrei.

            “Ay hindi! Ang ibig kong sabihin iniisip ko kung ano ang next subject natin, tapos----“

            Pinutol na ni Andrei ang paliwanag ni Leanne. “Hindi, ayos lang nagbibiro lang ako. Hehe. Get’s ko naman yung sinabi mo eh.” nakangiting saad ni Andrei.

            “Ah ok.”

            “Malapit na tayo.” singit ni Derrick.

            “Huh? Saan?” tanong ni Andrei.

            “Sa room.” simpleng sagot ni Derrick.

            “Hindi, I mean saan yung room?”

            “Basta malapit na.”

            “Ok. Sabi mo eh.” bumaling si Andrei kay Leanne. “Ano na pala yung next subject na tatalakayin niyo?”

            “Filipino.”

            “Ah..saan..err..ano pala yung section natin? Hehe.”

            “Class 1-B.”

            “Ah ok. Ayos ah, parang question and answer portion lang tayo.Haha.”

 “Ngayon ay ipapakilala ko na sa inyo ang inyong magiging bagong kaklase.” wika ni Gng.Nuria pagkapanhik sa class 1-B at pagkatapos niyang batiin ang kanyang mga estudyante ng magandang umaga. “Maaari bang magtungo ka dito sa harap upang maipakilala mo ang iyong sarili?”

            Agad na pumunta si Andrei sa harapan ng klase na kanina pa nakatayo sa tabi ng pintuan upang ipakilala ang kanyang sarili. Kinakabahan itong humarap sa klase.

 “Magandang umaga muli sa inyo. Ang pangalan ko’y Andrei Locksmith, 16 years old. Ako ang inyong magiging bagong kaklase.” masiglang pagpapakilala nito sa kanyang mga bagong kaklase.

            Bumaling naman si Gng. Nuria kay Andrei. “Ang pangalan ko naman ay Ginang Natalie Nuria, ang inyong guro sa asignaturang Filipino. Sana ay magustuhan mo ang iyong pananatili dito binibining Locksmith.”

            “Maraming salamat po.” nakangiting tugon ni Andrei.

            “Kung gayon ay magtungo ka na lamang sa isa sa mga bakanteng upuan na nariyan sa likuran.”

            “Ah, opo.”

            Dumeretso si Andrei sa pinakadulong upuan, nang makaupo na ito ay muli niyang naalala ang kwentong isinalaysay sa kanya ng Punong Guro kanina. Iniisip nito kung ano ang nangyari sa dalawang hari ng dalawang magkaibang kaharian. Naiintriga siya kung ano nga ba ang pinag-awayan ng mga ito at nagtaka na lamang din siya kung bakit ngayon lamang niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.       Nagsulat na sa pisara si Gng. Nuria nang mapatingin ang buong klase sa may pintuan. Doon ay may isang binata na nasa seryosong anyo. Tila nailang ito dahil sa ibinibigay na atensyon ng buong klase sa kanya maliban sa kanilang guro na wari ay hindi pa siya napapansin.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon