Chapter Nine: Dinner Time

49 0 0
                                    

Patungo na sa hapag kaninan sila Leanne, Adeline at Lainey. Samantalang sila Eileen at Allister ay naibukod sa kanila sapagkat mas espesyal ang kakainan ng mga maharlika. Hindi na rin kasama ni Eileen si Maxwell sapagkat naibukod na rin ito.

Marami na ring mag-aaral ang nakarating na sa Dining room. May matatagpuang apat na mesa at puno ito ng sari-saring uri ng pagkain. Nagsiupo na rin ang mga mag-aaral sa ibig nilang maupuan. Umupo sila Leanne, Adeline at Lainey sa ikalawang mesa samantalang nasa unahang mesa naman ang mga maharlika.

Halatang mas mamahalin at katakam-takam ang mga pagkaing nakahain sa maharlika. May mga utusan ding nakatayo sa kani-kanilang tabi kung sakaling kakailanganin nila ang mga ito.

“Nakita niyo ba si Andrei?” paanas ni Adeline sa kanila Leanne at Lainey.

“Ewan ko nga eh, wala pa naman siya.” pakli ni Lainey.

“Hala, saan na siya? Kakain na tayo maya’t-maya.” di-mapakaling wika ni Adeline.

“Kung hindi siya darating pwede naman sigurong dalhan na lang natin siya mamaya sa kwarto niya.” opinyon ni Leanne.

Kumatig naman dito si Adeline. “Oo nga noh! Sige, sige dalhan na lang natin siya mamaya.”

Nang ibinigay na ang hudyat sa pagkain sa pamamagitan ng pagtunog ng batingaw ay sinimulan na nila ang pagkain.

Sa kabilang banda, bago ibinigay ang hudyat sa pagkain ay tumabi si Vincent kay Allister. Si Eileen naman ay tinabihan ni Warren.

“Oh ano? Tuloy tayo sa Sabado ha?” usisa ni Vincent kay Allister.

“Oo na nga. Pumayag na ako di ba?” namumulang sagot ng dalaga.

“Aasahan ko yan. Susunduin na lang kita sa kwarto mo ng 9:00 A.M”

“Oo. Ito naman ang kulit. Tuesday pa lang naman ngayon eh. Saan ba kasi tayo pupunta at parang excited ka?”

“Sorpresa ko na lang yun. Huwag kang mag-alala, sisiguruhin kong mag-eenjoy ka sa mga pupuntahan natin.” tugon ng binata. Nagblush naman muli si Allister.

“Ah... ok”

Nang magsimula na ang kainan ay maayos na kumain ang mga maharlika. Lahat ng natutunan nila sa tamang pagkain sa hapag kainan ay bihasa nilang ginagawa.

Kukuha na sana si Eileen ng ulam nang pigilan ito ni Warren. “Ano ang gusto mong ulam?”

“Ah yung Vegetable-Stuffed Cos Rolls.” tugon naman ni Eileen.

“Iyon ba? Sige, ako na ang kukuha para sayo.” boluntaryo ni Warren.

“Thanks.”

Pagkatapos niyang ilagay sa pinggan ng dalaga ang ulam ay sinimulan na nila ang pagkain.

Sa kabilang banda, sinulyapan ni Maxwell si Eileen upang tingnan kung kumakain na ito ng maayos. Nakita nitong inaabutan ng ulam ni Warren si Eileen. Nakatingin pa rin siya doon hanggang sa tawagin siya ng isang babae na wari ay may gusto sa kanya.

“Maxwell?” pagtataka nito ng mapansing hindi pa nagsisimula si Maxwell sa pagkain. Tumingin naman sa kanya ang binata. “May problema ba?”

“Wala.” wala ni ano mang ekspresyon ang mukha nito. Itinuon na lamang niya ang kanyang pansin sa pagkain.

“Uhm… gusto mo ako na lang ang maglagay ng mga pagkain sa pinggan mo?” sinulyapan lang ito ni Maxwell sa kanyang mga mata.

“Salamat, pero huwag na.”

“Hindi. Ayos lang sa akin. Ako na lang ang maglalagay ng mga pagkain sa pinggan mo. Ngayon lang naman ito eh.” pilit ng babae na tila kinikilig pa. Hinayaan na lamang ito ni Maxwell. Nang malagyan na ng babae ng mga pagkain ang pinggan ni Maxwell ay nagsimula na rin ang mga ito sa pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon