Chapter Four: In the Canteen

22 0 0
                                    

Lunch time na nila. Nagsimula ng pumunta at bumili sa kantin ang mga estudyante. Ang iba nama’y naglabas na ng kani-kanilang baunan at kumain kasama ang kanilang mga kaibigan. Marami na namang iba’t-ibang tsismis ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Isa na dito ang tungkol kila Owen at Andrei.

            Ang isang walang kwentang tsismis ay lalo pang mas pinalaki, nadadagdagan at nababawasan ang bawat impormasyon ang iba nama’y iniiba ang mga pangyayari. Iba’t-ibang kwento ang lumalabas tungkol sa kanilang dalawa. Karamihan sa mga nagkalat ng tsismis ay ang mga kababaihan kasama na doon ang grupo ni Marelda Lauralee, isang prinsesa sa kaharian ng Soldia. Kilala din ito dahil sa siya ang presidente ng fans club ni Owen. Hindi ito papayag na matalo ng kung sino man at gagawin niya ang lahat mapansin lamang siya ni Owen.

            Nakatingin siya sa kinaororonan nila Andrei. Sa mga oras na iyon ay lumapit si Andrei kay Leanne upang kausapin ito.

            Pakiramdam niya ay inaagaw sa kanya nito ang atensyon ni Owen. Malamang ay sinadya pa ni Andrei na umupo sa upuan ng binata upang mapansin siya nito. Subalit hindi papayag si Marelda na mangyari pa muli iyon. Lalong hindi siya papayag na isang katulad lamang ni Andrei ang tatalo sa kanya.

            “Humanda ka, pagsisisihan mo ang ginawa mo.” bulong ni Marelda sa kanyang sarili.

            “Andrei, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Leanne kay Andrei nang mapansin niyang lumapit ito sa kanya.

            “Oo. A-ayos lang.” nahalata nitong tila hindi naniniwala sa kanya si Leanne. Bumuntong-hininga ito. “Oo na sige na, medyo bad trip lang pero ayos lang ako. Hehe.”

            “Haayy naku. Sya, tama na yan. Ang mabuti pa ay kumain na tayo sa canteen.” putol ni Derrick sa kanilang pag-uusap. Naramdaman ng dalawang dalaga na kumalam na ang kanilang sikmura.

            “Sige!”

Papunta sa canteen ang tatlo nang pag-usapan nila Leanne at Andrei ang tungkol sa pagiging Working Student. Doon din nalaman ni Andrei na maging si Leanne ay isa din palang Working Student.

            “Oh? Working student ka din pala?! Ngayon ko lang nalaman.” bulalas ni Andrei.

            “Oo nga pala,naalala ko doon ka din nai-assign magwork sa Royal Café bilang waitress.” pag-alala ni Leanne.

            “Waitress? Sa Royal Café? Ano yun? Ang sosyal naman ng pangalan.” 

“Ah oo. Doon kasi nagmemeryenda yung mga maharlika kaya tinawag na Royal Café.”

            “Mga maharlika lang? So ibig sabihin may mga prinsipe at prinsesa dito sa kademya?! Ohs, di nga?!”

            “Oo meron, pero karamihan, nasa college division. Yung iba naman nasa Elementary Division pa lang.”

            “Ahh, eh ikaw Derrick, working student ka din ba?” baling ni Andrei.

            “Hindi.”

            “Ah… eh di ibig sabihin mayaman ka? Wow naman!” hindi na sumagot si Derrick sa sinabi nito.

            “Ahm, Andrei, nandito pala yung tungkol sa Royal Café pati na rin yung tungkol sa mga nagtratrabaho dito at kung kailan ka naka schedule na magtrabaho.” iniabot ni Leanne kay Andrei ang isang folder.

            “Ah ok. Thanks.”         

Sa mga oras na yaon ay nakapasok na sila sa canteen. Napansin ni Andrei na karamihan sa mga nandoon ay pinagtitinginan sila.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon