Chapter Eight: Dormitory; Room #210

21 0 0
                                    

Pasado ala sais na ng hapon (6:00 P.M) nang mapagpasyahan nilang isara na ang Royal Café.

            Matiyaga namang naghintay sila Allister, Eileen at maging si Maxwell sa apat na dalaga.

“Ready na ba lahat?” tanong ni Andrei.

            “Oooops wait lang, may aayusin pa ako.” pakli ni Adeline ganun din sila Leanne at Lainey.

            “Ah ok. Hintayin na lang namin kayo dito sa labas.” wika ni Allister.

            “Maitanong ko lang, maharlika din ba yung mga kasama nung demon princess na yun kanina?” usisa ni Andrei kay Eileen.

            “Hindi naman, para nga sa mga maharlika yung Royal Café pero kung mag-iinvite kami ng iba kahit na hindi maharlika pwede din yun.”

            “Ilan ba lahat yung mga maharlika? Marami ba kayong nag-aaral dito?” patuloy na tanong ni Andrei.

            “Hmmm… Halos lahat kasi ng mga prinsesa at prinsipe sa buong  mundo or basta maharlika, kadalasan dito nag-aaral. Ito lang kasi yung akademyang pinatayo ng dalawang kaharian. Lalo na yung dalawang kaharian na iyon ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa buong mundo.Kaya masasabi ring ito ang pinaka exclusive na academy sa mundo.”

            “Whoa. Ang yaman naman ng dalawang kaharian na iyon. Yung Natriaga tapos yung Cascadia kingdom yun tama?”

            “Oo nga eh.”

            “Eh sino na pala yung sinasabi mong dorm leader kanina? Naalala ko lang kasi bigla.”

            “Si Lainey.”

            “Oh?! Ay, siya ba?” tumango lamang dito si Eileen. Kanina lang ay nalaman na din ni Andrei na si Adeline ang may hawak ng susi sa Royal Café.

            “Parang maganda doon banda ah.” pansin ni Andrei sa parte ng kakahuyan kung saan napapalibutan ito ng maraming bulaklak at dalisay ang hangin.

            “Punta lang ako doon sandali ha.” paalam nito kila Eileen at Allister saka tumalilis papunta doon.

            Hindi nagkamali si Andrei sa kanyang akala. Maganda nga sa lugar na iyon. Presko ang hangin. Pakiramdam niya ay agad na napawi ang kanyang pagod. Napaisip na lamang siya sa mga pangyayari sa unang araw niya sa akademya. Kahit na marami itong nakaaway ay sulit pa rin naman sapagkat nagkaroon siya ng mga kaibigang maaari niyang makausap at makasama. Sigurado itong hindi siya magsisisi na umalis siya sa lugar na pinaggalingan niya.

“Oo nga pala, naalala ko tatanungin ko pa kay Lainey kung saan yung kwarto ko.” napaisip ang dalaga. “Bakit nga pala hindi namin yun napag-usapan? Hmmm… mamaya na lang yan, mag-eenjoy na lang muna ako dito.” paanas pa nito saka nga nagsaya.

“Hooooh!!! Yahoo! Ang ganda dito! Hoooh!!!” sigaw ni Andrei. Alam niyang narinig ito nila Eileen kahit na medyo may kalayuan ito sa kinalalagyan nila.

 Natapos na sila Adeline sa kanilang ginagawa. Ikakandado na nila ang pintuan sa Royal Café nang marinig nila ang isinisigaw ni Andrei saka sila nagtawanan.

            “Si Andrei ba yun? Para siyang baliw.” pansin ni Allister.

            “Anong parang? Baliw na ata talaga siya eh.” pagtatama ni Adeline.

            “Hindi halatang nag-eenjoy siya doon.” wika naman ni Leanne na kabaliktaran ang sinabi sa ibig nitong iparating.

            “Pupuntahan pa pala natin yung magiging kwarto ni Andrei.” singit ni Lainey.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon