Chapter Two: The Principal, The Academy and The Class Representatives

30 0 0
                                    

Sa bayan ng Havika…

Naglalakad-lakad pa rin ang isang dalaga na medyo nanghihina na dahil sa gutom at pagod. Huminto muna ito sa tabi ng isang poste at inilapag ang kanyang mga bagahe. Sumandal ito sa poste at nag-isip kung paano siya makakahanap ng maaaring matuluyan pagsamantala. Habang nag-iisip ay nakatingin lamang ito sa isang direksyon at sa direksyong iyon ay may matandang wari ay dadaan sa lugar na kinalalagyan ng dalaga. Nasa mid 40’s na ang matanda at may dala itong isang maliit na bag. Napansin din ng dalaga ang isang kahina-hinalang lalaki na sumusunod sa likuran nito. Hindi nagkamali ang dalaga sa kanyang hinala, sa isang iglap lamang ay hinablot na ng magnanakaw ang bag ng matanda at kumaripas ng takbo.

            “Magnanakaw! Huliin niyo ang magnanakaw!” sigaw ng matanda. Sakto namang may mga rumoronda na pulis sa lugar na iyon at hinabol ang magnanakaw na papunta sa kinaroroona ng dalaga.

            “Tigil!” babala ng pulis at nagpapaputok ng kanyang baril bilang babala. Ngunit patuloy pa rin sa pagtakas ang magnanakaw. Nang malapit na ang magnanakaw sa dalaga ay agad niya itong pinatid. Sumubsob ito sa lupa, nabitiwan din nito ang bag na tinangka niyang nakawin na pinulot naman agad ng dalaga. Hindi na nakatakbo pa ang magnanakaw dahil agad itong pinosasan ng mga pulis upang ipunta sa prisinto.

            Lumapit naman noon ang matanda sa dalaga matapos itong makipag-usap sa mga pulisya upang magbigay ng pahayag.

 “Maraming salamat sa iyo iha. Nasaksihan ko ang ginawa mo upang mabawi ang bag ko lalo na’t naglalaman ito ng malaking halaga ng pera.” pasasalamat ng matanda.

            “Wala pong ano man. Heto po pala yung bag niyo.” inabot ito ng matanda.

            Napansin ng matanda ang mga bagahe malapit sa dalaga. “Sa iyo ba ang mga bagaheng iyan?”

            “Opo, sa akin nga po.” tugon naman ng dalaga matapos lingunin ang tinutukoy ng matanda.

            “May maitutulong ba ako? Sa lagay mo ngayon ay tila wala ka pang matutuluyan.”

            “Ah, oo nga po eh. Ang totoo po kasi niyan nawala yung pitaka ko kanina. Nandun pa man din yung lahat ng perang kakailanganin ko.”

            Nagbabakasali ang dalagang baka matulungan siya ng matanda ngunit hindi pa rin nawawala ang takot niyang baka may gawin itong masama sa kanya lalo na’t hindi pa niya ito kilala.

            “Kung gusto mo ay tutulungan kita sa problema mong iyan. May libre ka ng matutuluyan. Kailangan mo lang mag-aral ng mabuti at maging working student. Huwag kang mag-alala dahil may sahod kang sampung libo (10,000) kada buwan. Ngayon, kailangan ko na lang ang desisyon mo.”

            “Teka, ibig sabihin mag-aaral po ako? Ang ibig din po bang sabihin nun ay sa paaralan ako titira?”

            “Oo naman. May dormitoryo ang akademya kung saan maaari kang tumuloy.”

            Manghang-mangha ang dalaga dito ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang pagdududa.  “Pasensiya na po pero paano po ako nakakasigurong maaari ko kayong pagkatiwalaan?”

            “Ako ang Punong Guro sa akademyang iyon. Huwag kang mag-alala iha, wala akong balak na gawing masama sa iyo.”

            Dahil sa sinabing iyon ng matanda ay tila napahiya ang dalaga dahil sa kanyang mga iniisip kaya pumayag na lamang itong sumama sa matanda. Panalangin na lamang ng dalaga na sana ay totoo nga ang sinasabi ng matanda. Baka mamaya ay miyembro pala ito ng isang sindikato at isa na lamang siya sa mga bibiktimahin. Kung nagkataon ay baka gawin pa siyang GRO ng mga ito and over her dead body hindi siya papaya na gawin niya ang bagay na iyon.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon