Chapter Five: Meetings

20 0 0
                                    

“Eileen, kunin na natin yung mga gamit natin sa room. Pupunta pa tayo sa Royal Class hindi ba?” aya ni Allister.

            “Ano yung Royal Class?” kunot noong singit ni Andrei.

            “Doon nagklaklase yung mga maharlikang tulad nila Eileen at Allister tuwing hapon.” mabining sagot ni Leanne.

            “Ah, anong ginagawa niyo doon?” interesadong tanong ni Andrei.

            “Hmm… pinag-aaralan lang namin yung tamang pagkilos basta connected sa pagiging maharlika.” tugon ni Eileen.

            “Ah ok.” usal ni Andrei. “Oh ano? Tara na?”

            “Sige. Tara na.” katig ng kanyang mga kasamahan.

 Maayos na natapos ang klase nila Andrei lalo na’t wala si Owen sa likuran nito.

            Nag-usap-usap din ang magkakaibigan na sa Royal Café na lamang magkita bagama’t doon din magtratrabaho sila Leanne at Andrei. Sa mga oras na iyon ay palabas na ng kanilang silid sila Leanne at Andrei.

            “Akala ko sumasama din si Maxwell sa Royal Class para bantayan si Eileen.” wika ni Andrei.

            “Hindi din kasi siya pwedeng sumunod doon eh. Hindi naman kasi siya isang maharlika kaya after class deretso na siya doon sa Royal Class.” paliwanag ni Leanne.

            “Ahhh… wow naman.” puri ni Andrei. “Si Derrick pala?”

            “Baka pumunta siya sa Sports Club, may meeting ata yung mga soccer players ngayon eh.” sabi ni Leanne. Namangha naman si Andrei.

“Oh?! Soccer player pala siya?!”

Naglalakad na sila Andrei at Leanne sa pasilya ng paaralan nang may marinig silang announcement sa mga speaker na nakakabit sa paligid.

            “Ipinapatawag si Andrei Locksmith ng Class 1-B sa Principal’s Office. Dumeretso ka na doon ngayon din. Inuulit ko, ipinapatawag si Andrei Locksmith ng Class 1-B sa Principal’s Office, pumunta ka na doon ngayon.”

Ang mga naiwang estudyante sa paligid ay itinuloy lamang ang kanilang mga gawain sapagka’t hindi naman sila ang ipinapatawag. Ang iba namang nakakakilala kay Andrei ay pinagtitinginan at pinagbubulungan siya na hindi na napansin pa ng dalaga.

            “Ngekz! Kailangan ko munang dumaan sa Principal’s Office. Magkita na lang tayo mamaya sa Royal Café.” bilin ni Andrei. “Wait lang, saan pala yung Principal’s Office?”

            “Pumunta ka sa third floor nitong building tapos hanapin mo lang doon yung nakalagay na Principal’s Office.”

            “Ah ok. Thanks.” pasasalamat ni Andrei at agad na kumaripas ng takbo.Dumeretso naman si Leanne papunta sa Royal Café.

 Papunta na sa Royal Café sina Allister, Eileen at Maxwell nang biglang may maalala si Allister. “Ay! Hala oo ng pala, may meeting pala ngayon sa Literary Club. Mauna na lang kayo, sunod na lang ako mamaya.”

            “Yuy!” sambit ni Eileen.

            “Kailangan ko na talagang umalis, sige.”

            “Ok sige.” paalam din ni Eileen.

            Tumalilis agad si Allister. Nang makalayo na ito ay niyaya na ni Eileen si Maxwell.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon