Chapter Six: Royal Café

23 0 0
                                    

Mag-isang nagtratrabaho si Francis Caldwell sa S.C.O. Abala nitong binabasa at nilalagdaan ang tambak na papel sa kanyang lamesa nang may marinig siyang kumakatok sa pintuan.

            Habang binabasa niya ang isang papel ay pinapasok niya ang mga ito. “Pasok.”

            Dahan-dahang bumukas ang pinto, bumungad ang mukha ng isang cute na babae at sa likod nito ay isang gwapong binata. Tinigil ni Francis ang pagbabasa at bumaling sa kanilang dalawa.

            Bilang S.C.P ay kailangan niyang alamin kung sinu-sino ang mga maharlika na nasa Royal Class pati na rin ang mga impormasyon tungkol sa mga ito. Kaya naman hindi na siya nahirapan pang kilalanin kung sino ang mga ito.

            “May kailangan ba kayo Ms. Hermengild ng Rinalivia kingdom at Mr. Elwood ng Ceralica kingdom?” tanong ni Francis.

            Lumapit dito si Allister upang ibigay ang folder kung saan nakapaloob ang mga plano ng Literary Club. “Nandito ang plano ng Literary Club para sa gaganaping School Festival sa susunod na buwan. Ikaw na ang bahalang magbasa diyan.”

            Tiningnan ng binata ang folder. “Iwan mo na lang muna yan dito at ng mabasa ko. Balikan mo na lang yan dito bukas sa ganito ring oras.”

            “Ok sige, aalis na kami.” paalam ni Allister, tumango lamang si Francis.

            “Tara.” aya ni Allister kay Vincent. Sumunod naman ito sa kanya.

            Nakaalis na sila Allister at Vincent sa S.C.O. Papunta na sila ngayon sa Royal Café.

            “Kawawa naman siya , ang dami niyang trabaho.” wika ni Allister, tinutukoy nito si Francis.

            “Talagang ganyan. Yun din ang tungkulin niya bilang S.C.P.” sambit ni Vincent.

            “Sabagay, tama ka.” usal na lamang ni Allister.

 “Saang lupalop ko hahanapin yung Royal Café? Ang lawak-lawak nitong akademya. Ano ba yan? Sa kamamadali ko kanina nakalimutan kong itanong yun kay Leanne.” bulong ni Andrei habang naglalakad. Huminga ito ng malalim.

            Sabik ng makapunta ang dalaga sa Royal Café matapos ang pag-uusap nila ng Punong Guro sa opisina nito. Ngunit naalala niyang hindi niya pala naitanong kung saan ang Royal Café.

            Sakto namang may nakita itong nakatalikod na binata at nakatayo lamang sa tabi ng isang puno.

            “Uy hayun!” kagyat na lumapit si Andrei dito. “Ahm. Excuse me, alam mo ba kung saan yung Royal Café?”

            Hindi lumingon ang binata sa kanya subalit itinuro nito agad kung saan ang direksyon papunta doon.

            “Diretsuhin mo lang ang daan na ito tapos lumiko ka sa kanan. Doon na yung Royal Café.” paliwanag ng binata at lumingon sa dalaga.

            “Thank you.” masayang pasasalamat ni Andrei nang kanyang mamukhaan ang binata.

            “Ikaw?!” sabay na bulalas ng dalawa habang nakaduro sa isa’t-isa.

Naalala agad ng dalaga ang mga salitang binitiwan nito sa kanya noong una silang nagkita ‘Nagpapaumanhin lang kasi ako sa mga magaganda at mga sexy na babae.’ Hindi siya maaaring magkamali na iyon nga ang binatang nang-insulto sa kanya.

            Agad namang nagpacute ang binata sa kanya. “Ahh, nandito ka siguro para hanapin ako at magpaumanhin sa akin, tama ba?”

            Tinikis ng dalaga ang galit niya dito. “Yuck! Ako?! Hihingi ng paumanhin sayo?! Never! Bakit naman ako hihingi ng paumanhin sa tikbalang na tulad mo?!”

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon