Chapter Seven: First Day of Work in the Royal Café

19 0 0
                                    

Habang nag-uusap ang mga kadalagahan ay dumako naman tayo sa pinag-uusapan ng mga kabinatahan.

            “Ah, nagtratrabaho din pala siya dito sa Royal Café.” wika ni Evander na si Leanne ang tinutukoy nito.

            “Oo. Yan kasi ang dalang mo kung dumaan dito.” sabi naman ni Vincent. Ngiti lang ang naisagot ni Evander.

            “Ang tahimik talaga ni Maxwell.” pag-iiba ng usapan ni Warren nang mapansin nito si Maxwell na nakaupo lamang sa isang tabi habang binabantayan si Eileen.

            “Masyado niya kasing sineseryoso ang trabaho niya.” opinyon ni Evander.

            “Si Eileen lang yata ang kinakausap niya ng matino eh.” dagdag pa ni Vincent.

            Tumingin si Evander sa kanyang relo. “Kailangan ko ng umalis may pupuntahan pa ako eh.” paalam nito.

“Ang bilis naman. Sandali ka pa lang dito ah.” reklamo ni Warren.

            “Oo nga tol.” katig ni Vincent.

            “Pasensiya na talaga. Kailangan ko ng umalis. Sige.”

            “Sige na nga. Ingat ka na lang diyan.” paalam ng dalawang binata matapos ay umalis na si Evander.

Nag –uusap-usap sila Eileen nang may maalala si Leanne. “Ahm, Andrei, kailangan na nating magbihis.”

            “Ah sige.” payag ni Andrei at sumunod kay Leanne matapos silang magpaalam kila Eileen at Allister.

            Pumasok sila sa kwarto na may nakalagay sa pintuan nitong FOR THE STAFF ONLY. Bumungad sa kanila ang mga lockers, ibig sabihin ay sa locker room sila pumunta. May nadatnan din silang dalawang babae noon ay nakabihis na sa kanilang uniporme, ang waitress uniform.

            Nanlaki ang mga mata ni Andrei. “Yan ang susuotin natin?” bulalas nito. Ang mga waitress uniform ay kulay itim na may kulay puti. Ito ay maiksi katulad ng kanilang school uniform. Fitted din ito sa katawan ng sino mang magsusuot nito.

            “Oo, bakit?” tugon ni Leanne.

            “Ah, w-wala wala. Cute naman hehe.”

             Nahihiya siyang suotin ang mga damit subalit kahit papaano ay gusto niya ring masubukan ang magsuot ng ganoong kasuotan.

            Lumapit naman sa kanila ang dalawang babae. “Hi! Welcome pala sa Royal Café. Ako nga pala si Adeline Campbell.” pagpapakilala ng isang maliit at cute na babae.

            “Ako naman si Lainey Karenza.” pagpapakilala din ng isang kasama nito. “Nabalitaan naming may bago daw kaming makakasama dito sa Royal Café kaya inagahan na namin ang pagpunta dito.”

            “Ah ganun ba? Ako naman si Andrei Locksmith. Ikinagagalak ko kayong makilala.” tugon ni Andrei.

            “Mga kaklase mo din kami kaya kilala ka na din namin.” saad ni Adeline.

            “Ah..ooh..pasensiya na hindi ko kayo namukhaan.” pagpapaumanhin ni Andrei.

            “Ayos lang, mabuti pa magbihis na kayo ni Leanne.” sinunod naman ito ng dalawang dalaga habang sila Lainey at Adeline ay hinintay silang matapos.

Nang natapos na silang magbihis ay sinabi na ni Adeline ang mga gagawin ni Andrei. “Samahan mo na lang si Leanne na magserve.”

            “Ah sige. Ano ba yung mga ginagawa niyo dito?” usisa ni Andrei.

The Royal PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon