6 - Magical Moments

11.5K 445 72
                                    

Althea

"Are you alright Althea? Wanna go home?" tanong ni Jade sa akin nang mapansin niya ang pananahimik ko. Sila ni Sally ang may usapan ngayon at ilang models lamang, they're cool sabi nga ni Sally. Kanina nang ipakilala ako ni Jade sa kanila ay pakiramdam ko para akong totoong asawa na pinapakilala niya. They're nice except for one guy that I already saw in our house. David. But he was with other guy now at the bar counter. And another model na hindi ko na natandaan ang pangalan. Natawagan ko na rin si Mang Julio kanina na hindi na ako makakabalik ng office. Batchi's calling but I just ignored her, for sure mang aasar lang yon.

"Hindi ba sanay sa ganitong lugar ang mga businesswoman na katulad mo, Althea?" si Sally.

"No. I mean we go places like this naman." paliwanag ko.

"So what's bothering you?" pansin ni Jade with her tipsy eyes. Cute pala siya pag nakakainom na.

"Nothing Jade." sabay lapit ko sa kanya at bulong. "Just overwhelmed."

"Why?" bulong niya pabalik.

"For this moment. For inviting me over and meet your friends." bulong ko na halos mahalikan ko na siya. Malakas ang background music at nahihiya akong marinig ni Sally at ibang kasama namin ang sinasabi ko. Mahinang tawa ang pinakawalan niya saka bumaling sa tenga ko at pabulong na sumagot.

"No biggies. Group date ito. We haven't had a date alone." bulong niya. Hindi ko alam pero parang lumukso ang puso ko at hindi ko napigilang titigan siya. Her eyes glowing and her smile is enough to melt me.

"You're already married pero kung titingnan para pa lang kayong nagliligawan. And for your information it's impolite to whisper while there is someone with you and that is. Me. Me." pukaw ni Sally sa titigan namin ni Jade. Natawa na lang kami pareho sa hitsura ni Sally na parang naghihintay ng pansin mula sa amin.

"And us." tawag singit naman ng mga kaibigan nila.

"Would you like to dance?" aya ni Jade sa akin.

"Ha?"

"Let's dance ." aya niya ulit

"But I don't dance." tanggi ko.

"I'll teach you." sagot niya sabay hila sa akin.

"I don't think we can dance here." paalala ko.

"Of course we can, may banda and the music is inviting kaya it's ok. They won't mind as long as hindi tayo nagwawala." nakangiti niyang paalala kaya wala na akong nagawa. Kanina pa siya makulit dahil na rin siguro sa nainom niya.

"See you later Bestie."  paalam niya sa kaibigan at kumaway sa mga kasama namin.

"Sure Bestie, hanap din ako dito ng kadate ko." sagot ni Sally as Jade took my hand and led me to the dance floor. The music is upbeat and I am just standing in front of Jade watching her dance to the beat of the music. "Hey, just swing your hips and sway your hands." mataas na boses niyang sabi. So I just did what she said. "That's it, makukuha mo din ang timing." natatawa niyang sabi. After a few more songs suddenly the music tuned in to a mellow one. I find it awkward to just stand there.

"Let's get back to our seat baka pagod ka na." yaya ko kay Jade. Hindi siya umimik. "Jade, do you want to take a rest?" tanong ko and held her hand but she didn't move, then she pulled me closer instead and wrapped her arms around my shoulders. "J-Jade..."nagulat ako sa ginawa niya, epekto ba ito ng alak?

"Yes, I wanted to take a little rest. Can I rest on your shoulders for a while?" mahina niyang bulong pero napakaliwanag sa pandinig ko kahit malakas ang musika.

"Jade, are you alright?" kamusta ko sa kanya, hindi ako makagalaw habang nakayakap siya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg, hindi ko alam kong anong dapat kong gawin hanggang maramdaman ko ang pagsiksik ng ulo niya sa aking leeg, she's resting her head on my shoulder.

Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon