B

8 0 0
                                    

Pagdating sa office, early bird ang lola nyo. Well lagi naman akong early bird para makapagbreakfast pa. Sarap ng breakfast ko ngayon, pancake ng mcdo.

Favorite ko to e. Hihi. Pasubo na ko ng biglang bumukas ang pinto at kakaibang pakiramdam ang kumabog sa puso ko. Paglingon ko.....

Mahabaging Panginoon, ang sarap naman ng almusal ko, pinadalhan mo pa ko ng dessert. Sobrang blessed ko naman! San ba galing tong gwapo at matipunong nilalang na ito.

Napatingin lang ako sa kanya. Grabe! Halos maglaway ako. Haha. Literal na titig kung titig ang ginawa ko sa kanya. Nagkatinginan kami grabe yung mata nya, sobrang amo.

Bigla syang tumikhim na nagpabalik saken sa reality.

"Ahm, goodmorning ma'am." Bati nya saken na sobrang luwang ng ngiti.

"Good morning din." Bati ko sa kanya na halos mamula ko sa kilig. Simpleng paggoodmorning pa lang yan, girl!

Nanatili syang nakatayo at inaya kong umupo sya.

"Alam ko, sales ka din diba and hindi guard?" Biro ko sa kanya.

"Yes mam. Hehe." Nahiya nyang sagot.

"Upo ka kaya. Hehe. Ang tangkad mo na, lalo ka pa nagpapatangkad" sabe ko.

"Sige po. Thanks po." Sabe nya sabay upo sa tabi ko na ikinagulat ko.

"Whoa. Relax, ma'am. I won't bite you. Nakitabi lang po ako since ikaw pa lang ang tao dito. Ayoko po pumwesto sa pwesto nila." Defensive si koya!

"Ahh. Hehe. Anu kaba. Nagulat lang naman ako. I know you won't bite me but be careful, baka hindi mo alam ako pala ang nangangagat. Rawr!" Haha. Imbes matakot e kinindatan lang ako na ipinandilat ng mata ko.

Hindi kaya ng powers ko to! Natutunaw ako sa tingin nya. Tumikhim ako para ipaalam na nakikita ko syang nakatingin saken. Pero nangingiti lang sya saken. Sino ba tong hunghang na to talaga? Ni hindi ko pa nga natanong ang pangalan nya. Aba't first day nya pa lang pero nagpapaimpress na ah.

"What's your name pala? Diba ikaw yung newly hired Sales and Reservations officer?" Tanong ko sa kanya habang kumakaen.

"I'm Alex Ledesma, miss. And yes, i'm your new colleague here in sales office." Sagot nyang mataman ang tingin saken.

"Ow i see. By the way, Leouise nga pala. Leouise Santos." Sabe ko sabay tingin sa kanya ng biglang nagtama ang mata namin. Mahahalatang kanina pa sya nakatingin saken. Masyado na kong kinikilig ha.

"Nice to meet you and knowing we are workmates, miss." Nakakahalay nyang ngiti saken.

Ow my Lord! Masyado kong nagkakasala. Kinikilig ako parang anytime hihimatayin ako. Haha

"My pleasure to be working with you. Sana mas maging magaan ang trabaho with you." Nakangiti at sincere kong sabe sa kanya.

Naabutan kami ng mga workmates namin na magkatinginan at halata sa mga mata nila ang pagtatanong at kilig. Lahat naman kasi kami excited na makatrabaho to. Sino bang hindi? Isang adonis ito, super gwapong nilalang na may malalim na dimples na sobrang puti at ang muscles, hindi ganun kalaki pero sapat na para maglaway ka. Gosh! Ano ba tong iniisip ko. Hindi pa rin nawawala ang tingin nila samen. Tumikhim pa ko ng maraming beses bago sila natauhan at ngumiti ng nakakaloko samen.

Lumapit saken si Mam Liza. "Ahm, Leouise hiramin ko muna sya ha para formal ko maintroduce sa kanila." Makahulugang sabe at nakangiti si Mam. Kaloka!

"Sure mam. Anyway, you need to formally introduce him to us, diba po?" Medyo sarkastisang ngiti ko. Malamang, kailangan ko din makilala sya. Pangalan lang nakuha ko. Haha. Baka mamaya taken na sya, yari ako neto.

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon