-Alex-
Hindi ako gano nakatulog kagabi dahil excited ako. Maaga kong gumising at namalengke. Oo. As in wet market. Hindi naman ako maselan. Mas fresh din kasi ang mabibili dun lalo na pag maaga ka namili. Magluluto ako ngsweet and sour fish, lechon kawali at magroast ako ng chicken. Gagawa din ako ng cupcakes and cookies for us. Bumili ako chips and drinks din kasi plano ko magstay maghapon sa kanya. Dumaan muna ko sa mini grocery bago sa palengke.
Diretso na ko kay Leouise. Tutal naligo na ko. Nagbaon pa rin ako ng damit kasi baka kumapit saken ang amoy ng palengke.
Pagpasok ko, tulad ng sinabe ni Leouise, tulog pa nga sya. Hinayaan ko lang sya at ngsimula na ko magluto.
Patapos na ko magluto ng medyo nagising na sya. Wala ng breakfast na mangyayare. 11am na. Brunch na kami.
"Oh. Ang aga mo naman.", sabe niya
"If 11am is too early for you well i guess maaga nga ako.", nakangiti kong tugon.
"What?! It's already 11am?", gulat na tanong nya.
Biglang nagring ang phone nya.
"Yeoboseyo?" Sabe nya. Korean sya?
"Umma, yeah. I' m in my condo right now. Just woke up. Sorry if i didn't call you yesterday. Yeah. Yeah. Just tell him my i love you, alright. I love you mom.", narinig ko. Mama nya kausap nya? Ang sweet naman.
"Sorry. That was my mom. I forgot to call them yesterday and they are worried kung nakauwe ba ko dito ng ligtas.", sabi nya nung napansing nakatingin ako sa kanya.
"Ahh. It's ok. Ang sweet naman nila sayo.", sabi ko. Ganun din kasi sila mama saken. Only child lang kasi ako.
"Bunso kasi ako kaya ganun tapos only girl pa. Kaya medyo over protective sila.", sabi nya. Only girl? Mukang mahihirapan ako sa daddy nya at mga kapatid nya ah. Pero alam kong kaya ko yun. Basta para sa kanya.
"Ahh. Ilang kayong magkakapatid? Only child lang kasi ko. I bet you have a happy big family.", sabi ko.
"Nope. I only have 1 kuya. Tapos ang mom and dad ko. Malungkot ba maging only child?" Tanon nya.
"Sakto lang. pero syempre naghahanap pa rin ako ng kapatid na alam mo yun, aalagaan at poprotektahan ko.", sabi ko lang sa kanya.
"San ang parents mo?", tanong nya.
"Nasa korea sila ngayon for business trip. E ikaw? Sa seoul talaga sila nakastay? Are they koreans?", tanong ko.
"Haha. You're funny. Isa-isa lang. mahina ang kalaban. Nagmigrate na sila dun for good. And they are not koreans. Mukha ba kong koreana?", nang-aasar nyang sagot.
"Haha. Narinig ko kasi yung sagot mo sa phone mo is hangul. Kaya ayun. Tara na kumaen na tayo. Dun na tayo magkwentuhan. Nakahain na.", aya ko.
"Wow! Ang daming food! Miss na miss ko na ang mga lutong-bahay!", sabi nya sabay sandok sa pagkaen.
"From now on, everytime na may free day tayo ipagluluto kita. Thank you at nagustuhan mo ang luto ko.", sabi ko. Biglang nagring ang phone ko. Nagexcuse ako kay Leouise para sagutin ito. "Hello? Yes dad? No. i enjoy working with the Sales Team. I'll inform you when i'm ready to transfer to another department. Yes. Ok. Thanks dad.", at ibinaba ko na. Ayoko na lumipat ng department pero kailangan. Konting panahon pa.
"Hmm? Is it your dad?", tanong nya.
"Ahh. Yeah. May mga pinapaasikaso lang.", sabe ko.
"Don't you have relatives here? Bakit sa condo ka nagstay?" Tanong ulit ni Leouise.
"Meron naman pero mas gusto kong magsarili. I'm 25 already kaya dapat maging independent ako. Para sa future din.", sagot ko. "E ikaw? Bakit nagcondo ka? Lahat ba sila nasa korea na?", balik tanong ko sa kanya.
"Nah. Only my parents are in Korea. My brother is in Australia. I still have my grandparents in Laguna pero ayokong magstay sa kanila dahil kukulitin lang nila ko.", sagot nya. Kukulitin saan?
"Kukulitin saan?", nagtataka kong tanong.
"Well, you know i'm already 24 and for them in my generation it's a marrying age. Hinahanapan na nila ko ng magiging asawa at gusto na nila magkaron ng grand grandchild. How ironic. Ako yung bunso at only girl pero ako yung pinipilit nila mag-asawa na. Hehe.", natatawa syang sumagot pero alam kong miss na nya ang grandparents nya. Ayaw lang siguro talaga nya ng kinukulit sya.
"I see. Kaya pala. Let's visit them sometime?", aya ko.
"Huh? Are you out of your mind? No way! Mas lalo nila ko kukulitin dahil aakalain nila boyfriend kita. Pipilitin nila tayo na makasal na and to have a child. Not that easy, baby. I want to travel the whole world muna with my fiancee bago magkababy at makasal.", paliwanag nya. Okay. I'll give everything that you want my dear.
"Oh. Take it easy. Hehe. Tinanong ko lang naman kung gusto mo.", sabe ko.
Dingdong!
"Wait lang ha? Wala naman ako inaasahang bisita today e", sabe nya.
"Wait! Wear your robe, please?", sabe ko.
"Ahh. Yeah. Sorry.", pumasok sya sa kwarto nya at nakarobe na paglabas."check ko lang kung sino ha?".
Nagulat ako ng bigla syang napasigaw at pagsilip ko may lalaking nakaakap sa kanya. Holy Cow!
"Ehem!" Pagtawag ko ng pansin nila.
Nang umalis sa yakap nya ang lalaki at humarap saken. Muntik na kong mapamura ng makita ko kung sino sya.
"Lanz Santos! Pare!", yun lang ang nasabe ko. Sabay lapit sa kanya at akap(ung parang sa lalaki na akapan)."What are you doing here dude? Hugging someone's girl ha?", nakangisi kong sabi. Ewan ko ba bigla ko na lang nasabi yun.
Biglang nagkatinginan si Leouise at Lanz. Okay. What's that?
"I'm here for my girlfriend. Leouise, didn't you tell him?" Tinignan nya si Leouise. Ansaket dude! Hindi pa nga ako nakakapagconfess sa kanya tapos malalaman ko na lang may boyfriend na sya.
"Huh?" Sabe ni Leouise.
"You have a boyfriend, Leouise?" Pagconfirm ko sa kanya. Di ko na alam kung ano itsura ko. Nafrustrate ako. Sht!
Nagulat ako ng bigla silang tumawa. As in tawa na maluha luha at halos maglupasay sa sahig.
"What the f*ck dude! Kung nakikita mo lang ang itsura mo! Sobrang nakakatawa! Hahaha. Grabe! Hahahah.", tawang-tawang sabi nya.
"Hey! Bakit ba tuwang-tuwa kayo?", okay. Medyo naiinis na ko.
"Chill dude! She's only my sister. Hahaha." Bigla syang nagseryoso. "Wait. And what are you doing here in my sister's condo?", uh-oh galit na ata sya.
"We're workmates kuya. Ok? Sa kabilang side lang ang condo nya. We're best bud! Nothing to worry.", defense ni Leouise.
"Can we talk, pare? Kaen ka muna. Nagluto ako e.", aya ko sa kanya.
"No problem, pare. Tara. Nagutom nga ako sa byahe." Sabi ni Lanz.
Nakita ko sa side ng mata ko ang kinakabahang si Leouise. This is my advantage. Best friend ko ng college si Lanz.
Pagkatapos kumaen nagprisinta na si Leouise na sya ang magliligpit at dumiretso na kami ni Lanz sa sala.
Mahabang usapan to panigurado.
#
BINABASA MO ANG
Destined to be yours
Teen FictionSabi nila if it's meant to be, it will be. Tignan natin kung totoo nga yang if it's meant to be it will be na yan. Nakakatakot na kasi maiwanan. Tama na yung maging chill na lang tayo sa mga bagay bagay. :) When someone knocks on your heart, will y...