O

4 0 0
                                    

-Alex-

Actually, ayoko naman talaga iwasan si Leouise. Sadyang komplikado lang lahat ng bagay.

After a few months na nakarating sya sa Korea, kinailangan ko din magtake over sa company namin. Sa stargazer. Nalaman ko din na naka-arrange marriage na ko. Di ko kaya biguin sila dad kaya minabuti ko na lang na iwasan si Leouise.

Mahal na mahal ko sya pero i'm not good enough and i don't have much to give her pag tinakwil ako nila dad.

Pero sobrang mapaglaro ng tadhana.

Hindi ko akalain na ang ka-business meeting ko ay ang taong mahal na mahal ko. All this time, hindi ko man lang nalaman na sya ang anak ng may-ari ng Lilac Hotel sa Pilipinas.

Pinilit kong pigilin yung nararamdaman ko nung nagkita kami.

I'm so proud of her. Hindi ko akalain na magiging ganun sya. Sobrang professional nya na. Lalo syang gumanda sa formal attire nya.

Mahal na mahal ko pa rin siya. No doubt. Pero ayoko na syang saktan at paasahin.

Minabuti ko ng umalis ng company nila dito sa Seoul. Masyado kong napagod sa byahe ko kaya nagstay na lang ako sa isa sa mga property nila dad dito.

Kailangan ko ulit magrefresh. Nagulo na naman ni Leouise ang utak ko. Hays.

-Leouise-

Pathetic. That's me.

Dapat nakamove-on na ko e.

Hindi na ko dapat nasasaktan.

Minabuti ko na lang umuwe since wala naman akong appointment today. Feeling ko, drain na drain ang utak ko to think na isang meeting lang ang pinuntahan ko.

Pagdating ko sa bahay. Nasa sala silang lahat including kuya. Whoa!

What's the occasion today? Did i miss something?

"Hi mom, dad and kuya" sabay kiss sa cheeks nila. "What brings you here, kuya?"

"Well, masama bang kamustahin ang baby bunso ko?"

"Nah. Not really. Nakakapanibago lang. wala naman okasyon today, right?"

Biglang nagsalita si dad.

"Anak, we have something to tell you."

"Yes dad? What's dad?"

"Dy, wag na natin ipilit, please?" Singit ni mom kay dad.

Nalilito ko sa kanila pero hinintay ko pa rin ang sasabihin nila.

"Bunso, i'm sorry."

"Wait up. I really don't get it. Anu ba to kuya? Mom? Dad?"

"I have a bestfriend, anak. We promised that when our child reach their age of 25 and is still single, ipapakasal namin sila isa't isa. That's why nuon pa naman pinipilit na kita magpakasal sa taong mahal mo dahil ayokong matali ka sa hindi mo mahal."

What?! They must be kidding.

"Hahaha. You're making me laugh, dad. You're kidding right? Wala naman akong nakikitang bestfriend mo"

"I have anak. We seldom meet each other dahil busy na rin sa mga business. Pero lately, niremind nya saken ang napagkasunduan namin and there. We decided to have a dinner tomorrow and to formally introduce you to each other."

Luh. I cannot! This is not funny anymore.

"I'm sorry anak. Pero if it really doesn't work, ako mismo ang kakausap sa kumpare ko." Sabe ni papa.

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon