-Leouise-
Katulad ng natanaw kong magiging buhay ko sa 1 month, e nangyayari na nga. Tulad ngayon, Sabado at rest day namin.
"Baby bunso, gusto mo umalis today?", aya ni kuya.
"Wag na tayo umalis Leouise. Dito na lang tayo movie marathon. Pagluto ko kayo." Kontra naman ni Alex.
"Mapapagod ka lang, pare. Lumabas na lang tayo", sagot ni kuya.
"Okay lang pare. Mas gusto ni Leouise ang luto ko", pagyayabang ni Alex.
"Minsan na lang lumabas ang kapatid ko. Kaya mas gusto nya lumabas", inis na sagot ni kuya.
"Tamad lumabas si Leouise pag weekend, pre", sabay kindat saken.
"Whatever dude. Let her decide.", tabang ng sagot ni kuya.
"Whatever you two want to do. Do it! Wag nyo na ko idamay ok?", sabay talikod papunta sa kwarto ko ng bigla nila kong hatakin.
"Baby bunso, magmovie marathon na lang muna tayo pero let's go sa bar tonight, G?", nakangiting sabi ni kuya.
"Okay. Kayo magpeprepare ng lahat. Tawagin nyo ko pag ready na", sabi ko.
Bigla silang nag-apir ni Alex. Baliw talaga tong dalawa na to!
After 15 minutes may kumakatok na sa pinto ko.
Pagsilip ko, nagaabang saken ang dalawang napakagwapong nilalang. Ang kuya ko at ang best bud ko. Psh. Puppy eyes pa more, guys! Ngayon, sabihin nyo saken kung pano tatanggi sa dalawang gwapong nasa harap ko?
Dumiretso kami sa sala. Ready lahat infairness. May popcorn, chips and drinks. Pinanuod namin? The Conjuring. Akala mo ang tapang ko e no? Pinagitnaan nila kong dalawa kaya okay lang manuod ako.
Shete! Nakakagulat tong palabas na to na nakakatakot. Twing nakakagulat yung scene, nagtatakip ako ng mata. Yung dalawa naman, nakakapit lang sa braso ko. Ayos! Kalalaking tao, mga duwag. Pinatay pa kasi nila yung ilaw, mas nakakatakot tuloy.
Blag!
Shet! Ano yun? Its from my kitchen. Wala naman kaming ibang kasama e.
Walang may gustong tumayo papunta sa kitchen. Pinabayaan na lang din muna namin.
Nung natapos na yung palabas, wala pa rin gustong tumayo samen. Lalo dumilim sa condo.
Pinilit ko silang tumayo na kasi super natatakot na ko talaga. Nauna si Alex nasa gitna ako at nasa huli si kuya. Sa bewang ako nakakapit kay Alex sa balikat ko naman si kuya. Binukas namin yung ilaw at pumunta sa kitchen.
Hmmm. Anu yung nalaglag? Hinanap namin. Yung magnet lang pala sa ref. Wala na syang dikit, peke! Haha. Leche! Kinabahan pa ko.
After nun, nag-ayos na kami para sa bar. Dun sa G-bar gusto ni kuya kaya gora na lang kami ni Alex. Sasakyan ko na lang ginamit namin at si kuya ang nagdrive.
Pagdating pa lang namin ang dami na umaligid na babae at lalaki. Nagulat ako ng inakbayan ako ni Alex. Tinatanggal ko pero binabalik nya lang. si kuya naman nakangiti lang na parang engot.
Pumuwesto kami sa isang table sa sulok dahil gusto namin medyo magrelax.
Ang kulit talaga nilang magbestfriend. Medyo may amats na sila pareho at parang mga bata na nagtatalo na sa nangyari sa kanila nun college. Aish! Bahala sila. Inom at pulutan lang ginagawa ko. La naman makausap na matino. Pinagbigyan ko lang sila.
--------------
After how many hours.
"Look at you guys! Kaya nyo pa ba umuwe? Tara na! Ako na magdadrive. Buti pala at hindi ako ganu uminom", angil ko sa kanila. Nakakalakad naman sila. Nagpatulong na lang ako sa mga bartender na ilabas sila at nag-abot na lang ako ng tip.
BINABASA MO ANG
Destined to be yours
Teen FictionSabi nila if it's meant to be, it will be. Tignan natin kung totoo nga yang if it's meant to be it will be na yan. Nakakatakot na kasi maiwanan. Tama na yung maging chill na lang tayo sa mga bagay bagay. :) When someone knocks on your heart, will y...