-Alex-
Sa bawat araw na nakakasama ko si Leouise, mas nafafall ko. Sino bang hindi? E kulang na lang nga talaga e maligo kami ng sabay. Super komportable na namin sa isa't isa lalo na nung dumating yung kuya nya.
May time pa nga na nagtrip kami dahil may nag-aya sa kanya ng date. Actually it was a blind date arranged by her mom.
"Kuya, do i really need to do this?" Maiyak iyak nyang sabi.
Kung handa lang ako ngayon, Leouise hindi mo na kailangan gawin yan. Kaso marami pa kong dapat ayusin bago ko magtapat sayo para malinis na lahat.
"Sorry baby bunso, but mom and dad really wants you to settle down. Ito lang naisip nilang paraan para magbukas ka ng sarili mo sa iba.", sabi ni Lanz na parang ayaw din papuntahin ang kapatid nya. "Isa pa, ayoko din sanang papuntahin kita. Malay ko ba kung sino yung mkakadate mo diba? Ok lang sana kung si Alex e.", nasamid naman ako.
May naisip na kong plano! Haha.
"Lanz, usap tayo saglit." Binulungan ko sya at iniwan namin si Leouise sa kwarto.
"Bakit, pre?"
"Ayoko din sana papuntahin si Leouise, pre. May naisip akong idea."
"Ano yun? Baka sumabit tayo jan ha. Lagot tayo kila mom and dad. Mababadshot ka dun."
"Hmm. Papuntahin naten si Leouise dun pero kukunin din naten agad sya."
"Pano un?"
Ganito. At idiniscuss ko na sa kanya.
6pm ang usapan nila na magkikita sa Cafe Alejandro. Sinamahan namin si Leouise hanggang dun pero nasa sasakyan lang kami. Eto na. Sorry Leouise, i'd rather risk my life than yours.
Pagpasok ni Leouise, tinatanaw lang namin sya. Nakikita kong ang tabang ng mga reaksyon niya sa sinasabe at ginagawa nun lalaki.
Ano kayang sinasabi nun lalaki at parang bwisit ang Leouise ko sa kanya??
Pumasok ako at biglang nanlaki ang mata ni Leouise, lumapit ako sa kanya.
"Hi babe, sabay kiss sa pisngi. Sya ba yung sinasabe mong business partner nyo?" Sabay tingin kay guy,"Alex pare, Leouise's fiancee." Ang lapad ng ngiti ko.
Halatang nagulat si Leouise, bigla ko pinisil ang kamay nya, itinayo ko sya at hinawakan sya sa bewang. Yung lalaki, nakanganga, kulang na lang pasukin ng langaw ang bibig. Haha. Natatawa ko.
"Pano, pare. Una na kami ni misis. Marami pa kami aasikasuhin para sa kasal e." Biglang pumasok si Lanz.
"Uy bayaw! Nakita mo na pala kapatid ko. Kala ko hindi pa e, kaya sinundan kita."
"Ahh. Yeah. Kinuha ko na, bayaw. Marami pa kaming aasikasuhin para sa kasal e."
Nakikita ko sa peripheral vision ko si Leouise na nakangiti at pulang-pula. Lalo akong naiinlove sayo, Leouise. Ang puso ko, talagang kinuha mo na.
Mission accomplished!
Ano ka ngayon lalaki? Haha. Kampi kami ng bayaw ko no. Haha
Tahimik lang kaming tatlo sa sasakyan. Naging mukhang driver namin si Lanz. Nung lumabas kasi kami, sumunod yung lalaki kaya ang ginawa ko, sa likod kami umupo ni Leouise at hawak ko ang kamay nya. At eto hanggang ngayon hawak ko. Masyado ko nawili. Sobrang lambot talaga ng kamay nya.
"Ehem" agaw atensyon ni Lanz.
Tinignan ko sya sa salamin at biglang hinahatak ni Leouise ang kamay nya saken. Pero mas hinigpitan ko ang hawak ko dito. Mwahaha.
BINABASA MO ANG
Destined to be yours
Novela JuvenilSabi nila if it's meant to be, it will be. Tignan natin kung totoo nga yang if it's meant to be it will be na yan. Nakakatakot na kasi maiwanan. Tama na yung maging chill na lang tayo sa mga bagay bagay. :) When someone knocks on your heart, will y...