G

9 0 0
                                    

-Leouise-

Dingdong!

"Wait lang ha? Wala naman ako inaasahang bisita today e", sabe ko kay Lanz. Wala naman akong inimbita dito ah?

"Wait! Wear your robe, please?", sabe nya Alex. Okay? Medyo overprotective po.

"Ahh. Yeah. Sorry.", pumasok ako sa kwarto ko at nakarobe na paglabas."check ko lang kung sino ha?".

Nagulat ako ng bigla akong inakap ng taong to. Oh sht! Si kuya Lanz! Umakap na lang din ako. Miss na miss ko si kuya kahit ilang araw pa lang kami hindi nagkita. Pero nagulat ako ng......

"Ehem!" Pantawag pansin ni Alex.

Inalis ni kuya ang pagkakaakap saken at humarap sa kanya. Uh-oh. What's with the two guys?

"Lanz Santos! Pare!", sabe ni Alex kay kuya Sabay lapit sa kanya at akap(ung parang sa lalaki na akapan)."What are you doing here dude? Hugging someone's girl ha?", nakangisi nyang sabi.

Palitan ang tingin ko sa kanila. Magkakilala sila ni kuya? Ow my g! As in OMG!

Bigla akong tinignan ni kuya at inakbayan. Anong gagawin nya?

"I'm here for my girlfriend. Leouise, didn't you tell him?" Tinignan ako ni kuya na nakangisi at kumindat pa.

"Huh?" Sabe ko. Hindi ko alam kung anung meron sa kanila. Naguguluhan ako.

"You have a boyfriend, Leouise?" Pagconfirm ni Alex na halos mawala ang dugo sa mukha. Natatawa ko. Pano ba naman parang hindi sya makapaniwala.

Nagkatinginan kami ni kuya at tumawa kami ng tumawa. Halos maglupasay kami. He's so funny but still handsome.

"What the f*ck dude! Kung nakikita mo lang ang itsura mo! Sobrang nakakatawa! Hahaha. Grabe! Hahahah.", tawang-tawang sabi ni kuya.

"Hey! Bakit ba tuwang-tuwa kayo?", okay. Medyo naiinis na ang love of my life.

"Chill dude! She's only my sister. Hahaha." Bigla nagseryoso si kuya. "Wait. And what are you doing here in my sister's condo?", uh-oh galit na ata si kuya. Patay ako neto.

"We're workmates kuya. Ok? Sa kabilang side lang ang condo nya. We're best bud! Nothing to worry.", pagdefense ko sa iniisip nya. Ayoko silang bigyan ng hope agad dahil wala naman talaga. We're just a best bud.

"Can we talk, pare? Kaen ka muna. Nagluto ako e.", aya ni Alex kay kuya.

"No problem, pare. Tara. Nagutom nga ako sa byahe." Sabi ni Kuya Lanz.

Wow! Makapag-alok si koya! Condo ko pa rin to, sya nga lang namili at nagluto. Haha.

Pagkatapos kumaen nagprisinta na ko na ako na ang magliligpit at dumiretso na sila sa sala.

Anu kaya ang pag-uusapan nila?

----------------

Nang matapos ako maghugas, pumunta ko sa sala at tumabi kay kuya.

"Leouise, hindi mo na ba sya natatandaan?", tanong ni kuya. Haler! Kung natatandaan ko sya edi sana first time ko pa lang syang nakita feeling close na agad ako.

"Kaklase ko sya nung college. Sya yung bestfriend ko na kinukwento ko sayo. Sabe ko pa nga ipapakilala ko dito kaso nakagraduate na kami pareho wala pa rin kaming time tumambay kaya hindi mo na sya nakilala at sa picture ko na lang pinakita.", paliwanag ni kuya. Ahh ok. Sya pala yung sinasabe ni kuya na best buddy nya nung college. Sa hirap at ginhawa. Lungkot at ligaya kasama nya.

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon