Kasinungalingan

54 2 2
                                    

Kapag ako nagmahal, hindi ako magpapaka-tanga
Hindi ako mananahimik at magpapaka-masokista
Hindi magbubulag-bulagan at pipilitin maging masaya
Yan ang dati kong inakala

Ngunit heto ka't dumating
Nagparamdam ng katiting
Pag-ibig ang ipinarating
Sa puso kong ikaw lang ang hiniling

Naniwala sa iyong mga pangako
Salita mong kay babango
Yakap mong nagsusumamo
Mga halik mo ang paborito

Kay saya kang pagmasdan
Kahit gaano pa kalayo ang pagitan
Abot langit ang nararamdaman
Sa tuwing ikaw ay nahahagkan

Subalit biglang nanlamig
Dating mainit na pag-ibig
Iba na ang iyong himig
Sa puso kong dati mong iniibig

Ilang araw na nagtiis
Ako'y naghihinagpis
Pilit na inaalis
Na may iba ka ng nais

Bakit nga ba dito tayo humantong
Paano ba tayo nagkaganito
Pagmamahalang kay tapat at buo
Bakit kay daling nag-iba at naglaho

Ako pala'y isang sinungaling
Pagpapanggap ang angking galing
Ngayong wala na sa iyong piling
Ako'y hindi mag-kamayaw sa pag-iling

Hindi na ako magpapaka-tanga
Kasi ako'y nagpadala na
Hindi na ako mananahimik at magpapaka-masokista
Dahil ako'y manhid na

Hindi na magbubulag-bulagan
Dahil ako'y nakapikit na
Hindi na pipilitin maging masaya
Kasi ako'y pagod na

Pintig ng puso'y nag-iba
Sakit ay napawi na
Sa wakas ako'y nakalaya
Sa kulungang iyong nilikha

Ngunit ako pala'y nagkamali
Sakit ay nandito pa at hindi napawi
Mga kadenang iyong ikinubli
Sa akin pala'y namalagi

Ang sakit na dulot mo
Hindi ko na maalis sa piling ko
Palagi ng nakatira sa puso
Hindi ko na mababago

Lumbay ako'y iyong lubayan
Ng sa gayon ay mapatunayan
Na hindi ka na kailangan
Ng puso kong ngayo'y naliwanagan

Mahal, paalam na
Ika'y akin ng pinapalaya
Mga sandaling alaala ay pinakawalan na
Salamat sa panandaliang saya

Kilig, ngiti at tawa
Ang babaunin kong alaala
Sakit, simangot at luha
Ang pakakawalan kong alaala

Hanggang sa muli aking mahal
Pag-ibig na hindi nagtagal
Ang babaunin kong aral
Iyong masarap at masakit na pagmamahal

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon