Ikaw ang awitin
Na paboritong kantahin
Lirikong madamdamin
O kay sarap patugtuginPara kang tula
Mga salita mo'y damang dama
Malalalim na mga salita
Tumatatak sa bawat pahinaIsa kang alamat
Na kahit di totoo'y pinaniniwalaan ng lahat
Mga kwento mo'y salungat
Sa bawat katotohanang isinisiwalatMga salitang iyong nilikha
Kabisado na ng bawat isa
Ginagamit sa pang-haharana
Mabulaklaking mga wikaMadalas na ika'y sinisisi
Pag nakararanas ng pagka-sawi
Sakit na namamalagi
Dala-dala ang pighatiIkaw naman ay sinasamba
Sa tuwing kami ay kuntento't masaya
Nagpapasalamat pa ng sobra sobra
Dahil ang inibig ay isang katulad niyaNakatatak na sa aming puso
Ang takbo ng iyong kwento
Paulit-ulit na yugto
Wala pa ring pagbabagoSa una ikaw ay paiibigin
Sunod ay pasisiyahin
Hanggang sa ika'y paiiyakin
Pagkatapos ay lilisaninGanyan ang paulit-ulit mong kapalaran
Lagi naming naririnig, nasasaksihan at nararanasan
Lungkot at luha'y di maiwasan
Kalugmukan sa puso'y naninirahanPang-habangbuhay na pag-ibig ang hangad
Sa amin sana'y iyong ilahad
Tatanggapin ng bukas palad
Wag lang ito mawala kaagadNgunit dapat naming matutunan
Pag-ibig ay hindi isang laruan
Na kapag ayaw na ay pababayaan
At pag gusto ulit ay saka na iingatanIto lang ang dapat na tandaan
Pagmamahal ay isang karamdaman
Hindi kayang iwasan o pigilan
Sapagkat ito'y walang pinipiling tamaan
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Teen FictionMga tulang may kinalaman sa pag-ibig. Masaya at masakit na pag-ibig, atin ng basahin.