Ako yung tipo ng babaeng mahirap mahalin
Yung tipo na hindi madaling intindihin
Na parang isang bituing kay hirap sungkitin
Isang nilalang na sakit sa ulo kung didiretsuhinAko yung tipo ng babaeng di madaling magtiwala
Lalo na sa mga lalaking sa una lang ang gawa
Hindi rin ako mahilig maniwala
Sa mabulaklakin niyong mga salitaAko yung tipo ng babaeng hindi lantaran kung magpakita ng pagmamahal
Sapagkat mas gusto ko itong pribado para espesyal
Hindi rin ako ma-materyal katulad ng iba
Pagmamahal mo lang na tapat ay sapat naPero sana kaya mo kong panindigan
Sapagkat ako'y sawa na sa lokohan
At dahil nais kong ikaw ay malinawan
Isang beses lang na ika'y pagsasabihanMadaling magkaroon ng gusto
Ngunit mahirap magmahal ng husto
Kaya kung ang nais ay pakikipaglaro
Utang na loob maghanap ka ng ibang kalaroKaya kung ang hanap ay relasyong panandalian
Ngayon pa lang ay ako nang iyong iwasan
Sapagkat ang tulad kong babae ay iniingatan
Pinag-aalayan ng pag-ibig na pangmatagalanHindi ako naghahanap ng gwapo
Kasi hindi naman ako katulad ng ibang babae
Na binabase ang pagmamahal sa itsura ng tao
Dahil wala naman akong mapapala sa gwapo mong itsura kung ako nama'y iyong iiwan sa erePero kung sakali lang na maging tayo
At dumating ka sa puntong ayaw mo na
Pakiusap lang na wag mo ng patagalin at gawing malabo
Sabihin na agad nang hindi na magkasakitan paKasi mahirap umasa kung meron pang tayo hanggang dulo
Pero teka wala nga palang aasahan dahil wala pa namang tayo
At kahit wala pang tayo ay wag naman sanang magloko
Dahil pinapangako kong ikaw ang mawawalan hindi akoAt sa huling pagkakataon ay muli kong sasabihin
Pakinggan ng mabuti ang aking bibigkasin
Na ako yung tipo ng babae na pag ang puso ay tumibok
Pinapangako kong sayo lang ako marupok
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Teen FictionMga tulang may kinalaman sa pag-ibig. Masaya at masakit na pag-ibig, atin ng basahin.