Tapos na

25 2 0
                                    

Nasanay ako sa tayo
Hindi sa ikaw lang o ako
Damdaming nanunuyo
Bat di pagbigyan ng isang tulad mo

Nakakalungkot isipin
Pagmamahal mo ay babawiin
Ang hiling ko lang sa hangin
Liparin ka pabalik sa akin

Damdaming nanghihinayang
Sa mga panahong nasayang
Mga oras na pinagpilitang
Pagkasyahin makasama ka lang

Hindi na pwedeng balikan
Ang ating nakaraan
Mga panahong iniwan
Hindi na kailanman mararanasan

Lagi ng nakatitig
Ngayong wala na sa iyong mga bisig
Tinig ko'y hindi na marinig
Ng puso mong iba na ang pinipintig

Nais kong maibalik
Mga oras na tayo'y sabik
Matamis na mga halik
Yakap sana ay manumbalik

Mata mong kay pupungay
Ngiti mong may tamis na alay
Malalambot mong kamay
Sa alaala na lamang naglalakbay

Buhok mong kay lambot
Pabango mong nanunuot
Tawa mong hanggang langit ay umaabot
Ngayo'y sakit na ang nadudulot

Mahal, paano nga ba
Maging masaya na hindi ka na kasama
Sa bawat petsang ginugunita
Ikaw pa rin ang naaalala

Posible nga bang ika'y makalimutan
Sa bawat araw na magdaraan
Bawat lugar na pupuntahan
At mga alaalang pinahahalagahan

Ngayo'y masasabi kong tama na
Ako'y lubusang sumuko na
Bawat pighating nadarama
Ngayon ay pakakawalan ko na

Oo mahal, tama ka
Dapat palayain ang pusong nagdurusa
Ipaubaya ka na sa iba
Ng ika'y muling sumaya

Oras na para sariling kaligayahan
Ang lubos na pagtuonan
Sarili ko ay aalagaan
Mamahalin ng lubusan

Mangyayari lamang yan
Kung ikaw ay kakalimutan
Panahon na para ikaw ay tigilan
Burahin ng tuluyan sa puso't isipan

Iniibig kong sinta
Minamahal kong binata
Ngayon ay tapos na
Pag-ibig ko sayong malala at sobra

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon