Katotohanan

15 2 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo
Tayo ba ay naglalaro
Hanggang sa napagtanto
Ako nga ba ay minahal mo

Apat, lima, anim
Sakit ay nakatanim
Puso kong nagkikimkim
Sugat ay lumalalim

Pito, walo, siyam
Ika'y hindi nag-paalam
Ako'y umaasam
Ngunit di nagparamdam

At nagtapos sa sampu ng sabihin mong Mahal hindi
Ika'y aking pagkakamali
Sa buhay ko'y walang silbi
Dala lamang ay pighati

Langit, lupa, impyerno
Langit ng ika'y ibigin ko
Lupa ng ako'y tapakan mo
Impyerno ng ako ay nabigo

Dumako tayo sa pinoy henyo
Pwede, hindi at oo
Oras ay mabilis na nagbago
Sapagkat ang dating "tayo" ay naglaho

Maglaro tayo ng tagu-taguan
Habang maliwanag ang buwan
Kaya pala hindi na kita natagpuan
Dahil ako na pala'y iyong iniwan

Nanay, tatay gusto kong tinapay
Bakit nga ba kami'y pinagsabay
Pinaikot-ikot at pinasakay
Talentong sa tingin ko'y iyong taglay

Ayoko ng mag-isip ng mga laro
Na maihahalintulad ko sa ginawa mo
At ngayon ko lang din napagtanto
Na mahal, nakakapagod ka din palang kalaro

Paano na kaya
Ang puso kong nag-iisa
Lagi pa ring umaasa
Sa mga binitawan mong salita

Kahit maputi na ang buhok ko
Sa tingin ko'y ikaw pa rin ang nasa puso
Natatakot na baka hindi ko na mabago
At tuluyan ng malunod sa kaisipan na meron pang "tayo"

Pasensya ka na
Kung ako'y nangungulit pa
Masyado ng inaabala
Puso mong masaya na sa piling ng iba

Pagdating ng panahon
Ako ay makaka-ahon
Muli ng makaka-bangon
Sa iniwan mong mga alon

Sawa na akong kumanta
Mailabas lang ang nadarama
Boses kong napapaos na
Sa kasisigaw ng mahal pa rin kita

Oo mahal pa rin kita
Nakakatuwang isipin diba
Na habang ikaw ay masaya na
Heto ako't sayo ay baliw pa

Hindi ko alam kung saan ito tutungo
Pero alam kong ako'y malapit ng sumuko
Nakakapagod ng manuyo
Sa puso mong kay tagal ng lumayo

Ngayon ay nakatanaw sa mga bituin
Pilit kinakausap para hilingin
Na ako'y iyong muling angkinin
At iparamdam kung gaano ako kasarap mahalin

Ngunit biglang umaraw
Kaya mga hiling ko'y natunaw
Hinintay na bituin ay muling lumitaw
Pero dahil sa tagal, kusa na akong bumitaw

Ngayon ay muli ng magpa-paalam
Sa dating tayo na sobra kong inaasam
Hapdi at sakit ay akin pa ring ramdam
Salamat sa mga sandaling iyong ipina-hiram

Masakit pa lang magising at maniwala sa isang katotohanan
Bagay na aking labis na kinatatakutan
Ng malaman kong nabuhay ako sa isang kasinungalingan
Ito'y gusto kong pagsisihan

Pero bakit nga ba ako magsisisi
Kung minsan na rin ako nitong napangiti
Pinakilig ang bawat sandali
Subalit ang sakit ay agad na bumawi

Mahal ito na talaga
Ito na ang huli kong paggawa ng tula
Sana'y malaman mo na mahal pa rin kita
Kahit ang sakit sakit na

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon