Bilang ng mga Ala-ala

2 0 0
                                    

Sampu. Sampung buwan ang ibinigay sa atin para magkakilanlan
Sa pagdating ng araw ng pagpapakilala
Kalooba'y nabalot ng kasiyahan
Kaya ang kaba'y di na alintana



Siyam. Siyam na asignatura ang dapat nating matutunan
Sa araw-araw nating pagpasok sa paaralan
Dahil lahat ng ating matututunan
Magagamit para sa kinabukasan


Walo. Walong beses kitang hinanap sa loob ng eskuwelahan
Di mapakali at gusto kang maging kaibigan
Nabighani sa taglay mong kabaitan
At sa ngiti mong may alay na kasiglahan


Pito. Pitong oras lang ang ating palugit
Para ako'y iyong mapansin
Pagkakaibigang ating bubuohin
Ay patatagalin at patatatagin


Anim. Anim na beses akong nag-alinlangan
Nagda-dalawang isip kung ika'y lalapitan
Makausap ka ng masinsinan
Upang ikaw ay aking maging kaibigan


Lima. Limang araw kada linggo ang pagsasama
Mga sandaling ating sinasamantala
Ngiting hindi napapawi pag tayo'y magkakasama
Mga oras na kay bilis nawawala


Apat. Apat na linggo sa isang buwan
Mga alaalang ating pilit na dinadagdagan
Wala ng sinasayang na pagkakataon
Pagkat ito na ang ating huling taon


Tatlo. Tatlong bagay ang di malilimutan
Sa huling paaralang ating tinuntungan
Mga taong naging katuwang sa bawat pagsubok
Ay ang mga guro, kaibigan at ang eskuwelahang ating sinubok


Dalawa. Dalawang linggo na lang ang nalalabi
Sinusulit ang mga bawat sandali
Mga damdaming nagsusumidhi
Luha'y pilit na kinukubli


Isa. Isang araw ang pinakahihintay ng lahat
Kung saan tayo'y maghihiwa-hiwalay
Hatid saatin ay labis na kasiyahan
Ngunit mababatid sa mata ng bawat isa ang kalungkutan


Bilang ng mga ala-ala
Samahang walang kasing saya
Malapit ng iwanan ngunit di bibitawan
Sapagkat ang pagtatapos ay atin ng makakamtan

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon