Ikaw at Siya

7 1 0
                                    

Ikaw ay manlalaro
Siya ay mang-aawit
Ikaw ang aking gusto
Siya ay ang pang-saglit

Ikaw ang unang natipuhan
Puso kong may taglay na kapilyuhan
Nananalangin na sana'y ikaw din
Saakin ay merong pagtingin

Mga bituin mo'y pilit inaaninag
Sa mga gabing madilim at maulan
Ikaw ang nagsisilbing liwanag
Sapagkat ikaw ang aking buwan

Tuwing gabi tayo ay magkausap
At para akong nasa alapaap
Ngunit ako'y sumadsad ng tuluyan sa lupa
Mali pala ang aking inaakala

Kaya siya'y biglang dumating
Napakilig sa isang matamis na ngiti
Sinubukang atensyon ay maibaling
Pero di maitago ang nararamdamang kiliti

Init ng yakap mo'y damang dama
Ngiti mo'y nakasisilaw
Bawat sandali ay nagiging masaya
Dahil sa buhay ko'y ikaw ang aking araw

Iniisip ka mula umaga hanggang gabi
Umaasang masisilayan kang muli
At kahit sa paghihintay puso'y nadudurog
Ikaw pa rin ang hanap hanggang sa pagtulog

Nakakalito ang araw at oras
Dahil ikaw ang gusto kong bumuo sa aking araw
Ngunit siya ang iniisip ko sa bawat paglipas ng oras
Ninanais na sana'y kasagutan ay biglang lumitaw

Naguguluhan sa sakit at sarap
Pati na rin sa iyak at tawa
Dahil bakit ang pagluha ay masarap
At maging masakit ang masaya

Ikaw, siya, ikaw, siya
Magkaiba pero parang parehas
Nalilito kung sino ba talaga sa inyong dalawa
Pero kung hindi pipili, natatakot na baka maagaw pa ng iba

Mahal, gusto, mahal, gusto
Magkasalungat ngunit bakit parang pareho
Alam kong ikaw ang mahal ko
Pero bakit ko siya gusto

Ngunit biglang nagising ang aking diwa
Tila ba'y nakaramdam ng pagkadismaya
Sapagkat ang ikaw at siya
Ay panaginip lang pala

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon