Nakaraan

4 1 0
                                    

Gustong gusto kong bumalik
Sa oras na tanging nais ay ang iyong halik
Di maipaliwanag kung gaano kasabik
Sa puso mong pinapangarap na bumalik

Naghihintay pa rin kahit matagal
Ginugusto pa ring sumugal
Walang pakialam sa kahit anong sagabal
Ibalik ka lang muli saakin ng maykapal

Buhay ko'y handa kong ipagpalit
Para lang sundan ka hanggang langit
Makita ka ng kahit saglit
At mayakap ka ng mas mahigpit

Mahirap, masakit, malungkot
Mga araw na wala ka sa aking tabi
Nahihirapan, nasasaktan, nalulungkot
Dahil ika'y hindi na babalik pang muli

Mga panahong hinihiling na sana andun ka
Na sana nakikita mo akong nagdurusa
Mali pero patuloy ko pa ring dinarasal na sana hindi ka masaya
Kasi hindi ako ang iyong kasama

Mahal kita ng sobra pero bakit
Anong mali at paano mo ko nagawang iwanan
Saan nagkulang para ako'y iyong ipagpalit
Wala bang saysay ang ating pinagsamahan

Ilang taon sayo ay nagtiis
Pinilit ang sarili na wag umalis
Ngunit sadya atang puso nati'y nag-iba ng hugis
Pagmamahalan ay naglaho ng kay bilis

Sabi mo'y wala ng patutunguhan
Relasyon nating puno ng kasinungalingan
Hindi natupad ang pangakong seryosohan
Sapagkat tayo ay nabulag sa lokohan

Ngayo'y kailangan ng mamahinga
Pusong nawalan ng sigla
Iniwan mo kasing nag-iisa
Sa madilim na bahagi ng ating pagsasama

Uulitin ko ulit na mahal pa rin kita
Ngunit ang lahat ay kailangan ng iwan sa nakaraan
Susubukang bumalik mula sa umpisa
Nung hindi mo pa iniiwang luhaan

Kaya ngayon ako'y hihinto na
Pagmamahal ko sayo ng sobra
Sapagkat sa akin ay wala ng natira
Dahil ako'y ubos na ubos na ubos na

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon