Ano ba ang pagmamahal? Isa ba itong inspirasyon? O isa lang ba itong sagabal sa buhay natin? Sasaya ka ba dito? O baka naman lulungkot ka lang? May happy ending nga ba? O mauuwi lang sa sakit at pagdurusa. Paano ba nakaaapekto ang pagmamahal sa iba? Naibibigay ba ang pagmamahal? Nasusuklian ba? Magiging masaya ka ba? Magsasakripisyo ka ba? Bakit nga ba tayo nagmamahal? Worth it ba lahat ng sakripisyo? Worth it ba lahat ng sakit?
Ako si Alex Bryan Cruz. Isa lang akong simpleng lalaki na may taning na ang buhay. Wala na akong pamilya o kamag-anak. In short mag-isa lang ako sa buhay. Pinalaki ako ng yaya kong si manang Fe. Ngunit iniwan niya ako noong 10 na ako. May sarili siyang pamilya, at hindi niya kayang iwan ang mga anak niya. Hindi ko siya pinigilan. Naiintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari kaya't pinagbigyan ko na lang siya. Aaminin ko, sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan kung paano magmahal. O ang mahalin ako. Itinuring lang akong bilang amo ni manang Fe at ni minsan hindi ko naramdaman sa kanya ang pagmamahal. Ano ba talaga ang pag-ibig? Hindi ko alam. At marahil hindi ko na ito malalaman kahit hanggang pagpanaw ko.
Tama. May sakit ako. Isang sakit na hindi matukoy-tukoy. Isang sakit na walang gamot. Isang sakit na ako lang ang nakaka-alam. Isang sakit na siyang kikitil sa buhay kong ito. At sa ngayon, unti-unti na akong nanghihina. Nawawalan ng ganang mabuhay. Pag namatay ba ako may makaka-alam? Pag namatay ba ako may iiyak? Pag namatay ba ako may pupunta ba sa akin at tatanungin kung bakit ako nawala? Ano ba talaga ang purpose natin sa buhay? Ang maipanganak at mamatay sa bandang huli? Bakit ba tayo makakaramdam ng galak kung sa bandang huli kalungkutan lang din naman ang mangingibabaw. Bakit pa tayo lalaban kung sa bandang huli tayo lang din naman ang talo? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot dahil ni minsan, wala akong naging kaibigan. Kasama sa buhay. Bakit ba sasamahan ka pa kung iiwan ka lang din naman. Ano ba talaga ang buhay? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot, dahil mismo ako, hindi ko naranasang mabuhay. Masaya? Masaya ba talaga ang buhay? O puro lungkot lang ang dala? Hindi ko alam. Nabuhay ako sa anino. Nabuhay ako sa isang bahay na puno ng dilim. Kalungkutan ang nangingibabaw at ni minsan wala akong narinig na mga masayang halakhakan at nakitang mga ngiti.
Napangiti na lang ako ng mapait. Ano na talaga ang pag-ibig? Napabuntong hininga na lang ako. Medyo kumikirot na naman ang ulo ko kaya't uminom na agad ako ng gamot. Papasok ako sa paaralan bukas. Kahit na mamamatay na ako, gusto ko kahit minsan lang makita ko ang labas. Gusto kong makakita ng mga ngiti. Marinig ang mga masasayang halakhakan. Mga kwentuhang kaibig-ibig. Napahiga nalang ako sa kama dahil sa umiikot na ang aking paningin. Nanghihina na ang aking katawan. Napatingin nalang ako sa kwarto kong madilim at walang kabuhay buhay. Ito ang lugar na kinakalakihan ko. Ang aking paraiso.
"Arggghhh!!!" Masakit. Sobrang sakit ng ulo ko. Nakakapanghina. Nararamdaman ko. Nararamdaman ko na malapit na ang aking pagpanaw. Tumingin ako sa kalendaryo. Napangiti nalang ako ng malungkot sa aking nakita. Ipinikit ko ang aking mga mata.
7 days. 7 days at mawawala na ako simula ngayon. 7 days, kahit sa mga panahong ito, kahit dito lang masagot ang aking mga tanong. 7 days. 7. Days. Kahit 7 days lang maging masaya ako. Ok na ako. Kahit bukas lang. Hanggang sa aking pagpanaw. Ipinikit ko na ang aking mata at pinipilit na mabuhay. Huwag muna. Gusto kong maranasang sumaya. Kahit pansamantala lang.
BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
Short StoryThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...