Nagsimula na akong maghanda para sa pasukan ngayon. Kahit na sobrang nanghihina ako, gustong kong pumasok. Gusto kong maging masaya. I want to explore new things. Kaya't kahit hinang-hina na ako ay patuloy ko itong lalabanan. Ito pala. Ito pala ang pakiramdam kung paano mabuhay ng may ipinaglalaban. Naiintinidihan ko na. Masakit pero kakayanin. Bago ito sa akin. Ngayon lang ako nabuhay ng may ipinaglalaban. Pero, worth it ba lahat ng hirap? Worth it ba lahat ng sakit? Hindi ko alam.
Naglalakad ako papuntang school. Nakakasilaw. Nakakasilaw ang liwanag. Masakit sa mata. Ito siguro ang pakiramdam sa labas ng dilim. Mainit. Nakakapagod. Ibang-iba ito sa dilim. Napatingin ako sa kaliwa, may tao. Pati sa kanan. May kasama. May tao. Ibang-iba sa dilim. Mag-isa at malungkot.
Narating ko na ang paaralan ngunit sobrang nanghihina na ako. Gusto ko nang mahiga at mapayapa. Pero ayoko. Lalaban ako. Wag muna ngayon. Napakapit nalang ako sa pintuan ng room namin at ipinilit na ituwid ang sarili. Nakakahilo. Sinubukan kong ilakad ang mga paa ko, pero hindi ko kaya. Namamanhid ang mga ito. Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Lumaban ako. Kaya ko ito. At nagawa ko. Pumunta ako sa gusto kong mauupuan. Sa may bandang likod lang ako pumuwesto sa. Napatingin ako sa labas. May mga ibong nagsisiliparan. Gaano ba kasaya ang maging malaya? Tanong ko sa aking sarili. Yung tipong kaya mong gawin ang lahat ng walang nagbabawal sa iyo. Minsan nakakasakal narin ang mundong ito. Ipinagkakait ang mga bagay na gusto natin. Bakit ba sobrang unfair ng mundong ito.
Unti-unti nang napupuno ang classroom na ito. Marami ang nagsisitinginan sa akin. Baguhan lang ako sa paaralang ito kaya't marahil nagtataka sila kung bakit nandito ako. Nang sa wakas kumpleto na kami at dumating na din ang aming guro. Nagpakilala kami isa-isa. May babaeng umagaw sa atensyon ko. Mahaba ang buhok hanggang baywang niya. May mapupulang labi at mahahabang pilik mata. Maputi at may katangkaran ngunit mas matangkad parin ako sa kanya. May pagkabrown ang mga mata niya at hindi talaga maipagkakailang may taglay siyang kagandahan. Magkatabi kami ngunit ni hindi man lang ito kumikibo. Nakikinig ito ng taimtim sa aming guro. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas. Ano ba ang pakiramdam na masaya ka? Kaya mo bang maging masaya kahit mag-isa ka? O kailangan mo pa ng makakasama? Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ko namalayan na tumunog na ang bell. Senyales na recess na. Nakaupo parin ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Bababa ba ako o dumito nalang? Napagpasyahan kong maglibot-libot nalang. Kahit dito lang maranasan ko ang salitang adventure. Marami akong napuntahan na lugar. At ngayon naman dinala ako ng aking mga paa sa rooftop. Doon nakatambay ang katabi kong babae. Tahimik itong kumakain. Nakatayo lang ako sa may pintuan at pinapanood siya. Ang cute niyang ngumuya. Maganda talaga siya. May kung anong kilit ang naramdaman ko sa loob-loob ko. At biglang bumagal ang lahat ng nakikita ko. May kung anong biglang sumakit sa tiyan ko at parang bigla akong natatae. Ang puso ko'y biglang lumakas ang pintig. Ano ba ito? Ano itong nararamdaman ko?
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Malambing na tanong nito sa akin. Naglakad ako at lumapit sa kanya. Akmang tatayo na ito ngunit sumenyas ako sa kanya na umupo muna siya at ginawa nga niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Ako si Alex Bryan Cruz. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Frances Ellaine Devamonte ang pangalan ko." Sagot naman niya. Napatingin ako sa langit. Ano ba ito? Hindi ko maintindihan.
"Ellaine. Pwede bang magtanong?"
"Sure. Ano ba yon?"
"May nararamdaman kasi ako. Hindi ko alam kung ano ba iyon. Bigla-biglang tumitigil ang oras. May kung anong nararamdaman ako sa tiyan ko na parang natatae ako. Tapos lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ito. Maari mo bang sabihin kung ano ito?" Tanong ko sa marahan na boses. Medyo nagulat naman siya sa tanong ko. May mali ba sa nararamdaman ko? Sakit ba ito?
"Saan mo yan naramdaman? Kanino mo yan naramdaman? I mean sino yung una mong nakita bago mo yan naramdaman?" Tanong nito sa akin. At sinabi kong siya. Nagulat naman ito ngunit napangiti rin ng di kalaunan.
"Pagmamahal. Or should I say love?" Sagot nito sakin. Bahagya akong naguluhan. Pagmamahal? Iti ba ang pagmamahal? Napatingin ulit ako sa langit. Masaya ba ako? Hindi. Malungkot ba ako? Hindi rin. Ngunit may nararamdaman ako. Hindi masaya, hindi rin malungkot. Ano ba ito?
"Ellaine. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Maari mo ba akong turuan?"
"Hindi itinuturo ang pagmamahal, bagkus kusa mo itong mararamdaman."
"Kusa? Hindi ko maintindihan. Maari mo ba akong tulungan?" Napako ang tingin niya sa akin. Ngunit di kalaunan napatingin siya sa langit.
"Sige. Pero simula sa araw na ito. Tayo na." Tayo na?
"Ano yung "Tayo na?"?" Hindi ko maintindihan.
Napailing nalang siya at sinabing "ni minsan ba naranasan mong magmahal ng iba? O dikayay ang mahalin ka ng iba?" Napayuko ako sa sinabi nito sa akin. Naranasan ko nga ba? Hindi. Hindi ang sagot. Tumingin ako sa kanya at sumagot ng "hindi. Hindi ni minsan." At nakita ko sa kanyang mga mata na tika nabigla ito at nakaramdam ng lungkot. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Warm. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Ito ba ang pakiramdam na may kasama ka? Ibang iba sa dilim. Kinuha niya ang kamay ko at inintertwined ang mga daliri namin. Ngumiti ito at sinabing "simula sa araw na ito. Tutulungan kita. Gusto kong maintindihan mo ang salitang pag-ibig. At pag natutuhan mo na. Hindi mo na ako makakausap pa."
BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
Historia CortaThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...