The Last Day

56 5 0
                                    

Kamatayan. Lahat ng tao ay may kamatayan. Pero. May mga taong natatakot mamatay. At may mga taong ok lang mamatay basta sa taong minamahal. At may mga taong handang pumatay dahil sa kasakiman. Sobrang pagmamahal. Sobrang pagkainggit. Pero sa sitwasyon ko ngayon. Ayaw ko pang mamatay. Pero wala na akong magagawa. Wala ng pag-asa. Wala ng pangalawang pagkakataon.

Napamulat nalang ako at tumambad sa akin ang liwanag. Nasaan ako? Patay na ba ako?

"A-Alex! Ok ka lang? Anong masakit sa iyo?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Ellaine. Umiiyak siya at sobrang nag-aalala. Napatingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa bahay pa pala ako. Pinilit kong tumayo pero sobra talaga akong nanghihina. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong naparalisado. Itinaas ko ang kamay ko.

"Ellaine. Tulong." Agad siyang lumapit at tinulungan akong makabangon.

"Teka lang ha? Kukunin ko lang yung pagkain mo." Tumango nalang ako bilang sagot. Lumabas siya saglit at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang makakain. Soup ang dala niya. Pinilit kong itaas ang kamay ko pero sadyang ang bigat talaga.

"Halika." Sumandok siya ng pagkain at isinubo sa akin.

"S-sa.. la.. mat.."

"Shh. Wag ka munang magsalita ok? Kain ka muna para lumakas ka. At nang makapagpahinga ka na."

Tumango nalang ako bilang sagot. Ipinagpatuloy niya ang pagsubo sa akin. Hindi ko malasahan.

"Matulog ka nalang muna at magpahinga ok? Kung may kailangan ko tawagin mo lang ako."
Humiga na ako sa kama at nagpahinga.

Nagising nalang ako sa sobrang sakit na nagmumula sa ulo ko. Hindi ko kaya. Ang.. sakit..

"Arggghhh!!!" Napasigaw na lang ako dahil hindi ko na kaya.

"Alex! Alex!! Ok ka lang?! Anong masakit sa iyo?!" Sigaw. Isang sigaw. Sino ba iyon? Arghhh. Ang sakit. Ano bang nangyayari? Pinilit kong imulat ang mata ko pero bakit nabibigatan ako sa mga talukap ng mata ko? Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero bakit ang hirap? Pinilit kong magsalita pero bakit walang lumalabas na boses? Arghhh!! Ito? Ito na ba?

"H-hindi. A-ayoko. W-wag.. mu.. na.." at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa kamay na humahaplos sa akin. Malambot. Marahan. Mainit. Kamay ng babae. Sinubukan kong imulat ang mata ko at nakita ko ang isang magandang dilag na umiiyak. Sinubukan kong itaas ang kamayko at naabot ko siya.

"Pa.. pahingi.. ako.. ng papel.. at ballpen.. please?" Sambit ko sa kanya. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"P-please.." Tumango ito at lumabas saglit. Pagbalik niya may dala-dala siyang papel at ballpen. Itinaas ko ang kamay ko at nagsimula na akong magsulat.

Habang nagsusulat, naramdaman ko nalang ang pag-agos ng aking luha. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang iwan. Pero wala na akong magagawa. Lumaban ako. Pero wala na talaga. Hindi. Hindi ito maaari.

"Ellaine."

"Shh. Please. Wag ka munang magsalita. Please."

"Ellaine. Tandaan.. mo.. Mahal.. na mahal.. kita. Hihin.. tayin kita.. sa kabilang mundo.. ok? Pero huwag mong.. wawakasan ang iyong buhay. Ok.. lang.. kung magmahal ka ng iba.. ok.. lang. Ellaine. Salamat.. salamat sa lahat.. lahat.. salamat dahil.. ipinaramdam mo.. sa akin.. ang salitang pag-ibig.. ang maging masaya.. ang malungkot.. ang magalit. Ipinaramdam.. mo sa akin.. ang mabuhay sa labas ng dilim. Ang may kasama. Ang lumaban.. sa buhay.. Gusto.. pa sana kitang makasama. Pero.. hindi.. ko na kaya.. Tinatawag na ako.. ng langit." Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam. Ayoko siyang iwan pero hindi ko na kaya. Nanghihina na ako. Iniabot ko sa kanya ang sulat.

"Take this.. read tommorrow." Tumango siya. Katulad ko, umiiyak din ito.

"Can I request? Just two."

"Anything." Sagot niya.

"Kiss me. Kiss me tell me you love me." Tumango siya at unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Marahan niya akong hinalikan. At ramdam ko ang kanyang pagmamahal. It was the most passionate kiss I've ever felt. Sana, sana mabuhay pa ako. Sana kaya ko pa. Sana makasama pa kita. Unti-unti siyang lumayo at nakita ko ang kanyang namumulang mukha habang umiiyak. Napangiti ako sa aking nakita. Para siyang bata na naagawan ng candy.

"I love you. I love you Alex Bryan Cruz." Unti-unti na akong nanghihina. Ito na. Ito na talaga. Ito na ang katapusan ko.

"Smile. Please smile." Request ko sa kanya. Ngumiti ito habang tumutulo ang kanyang luha.

Napangiti na rin ako. Napapikit nalang ako ng mata at hinihintay ang aking katapusan. Ahh. Sa wakas. Makakapagpahinga na ako. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Frances Ellaine Devamonte.

7 Days (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon