Nandito ulit ako sa rooftop at nakatambay. Naaalala ko pa ang naging usapan namin kahapon. Unti-unting nabubuhayan ang loob ko. Pakiramdam ko lumulutang ako. At sa tingin ko kaya kong gawin ang mga bagay na imposible. Ano ito? Masaya ba ako? Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Nakangiti. Nakangiti ako. Ganito pala ang pakiramdam. Ang ngumiti at maging masaya. May humawak sa kamay ko kaya naman napatingin ako kung sino man iyon. Nakita ko si Ellaine na nakangiti. Ito ba ang pagmamahal?
Bumaba kami at pumuntang canteen. Naguguluhan ako. Mahal ko ba siya?
Hindi ko alam ang sagot. Masaya ba ako? Oo masaya. Pero mahal ko ba? Nakarating na kami at marami ang nakatingin sa amin. Pinaghiwalay niya ang aming mga kamay at naglakad papuntang counter. Sumabay nadin ako at kumuha ng pagkain. Umupo kami sa table na medyo malayo sa mga tao. Tahimik kaming kumakain. Maya-maya may lumapit na lalaki sa kanya at hinila siya. Akmang hahalikan na niya si Ellaine pero tumayo ako at itinulak siya. Nakaramdam ako ng galit. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang tadyakan at sigawan. Gusto kong magwala."Hahaha. Just as expected. Relax bro. I'm Gian Hendrix Inigo. Bestfriend ni Ellaine. Ginawa ko lang yun just to tease you." Napaisip ako. Ano bang nangyari sa akin? Bakit ako nagalit? Bakit ganto yung nararamdaman ko. Patunay ba ito na nagmamahal ako? Patunay ba nito na ayaw kong mawala ang mga importante sa akin. Hindi ko maintindihan. Masaya ako. Nagalit ako. Pero nagmamahal ba ako? Kasabay ba ng galit ang saya? Hindi. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.
"Sa pagmamahal. Hindi mo talaga mahal ang isang tao kung hindi mo ito kayang ipaglaban. Wala ding saysay kung kaya mo ngang ipaglaban pero ayaw mo namang gawin. Ang pagmamahal ay parang digmaan. Hindi man madugo, pero masakit. Kung hindi ka kikilos, mauunahan ka. Kung hindi ka magpapahalaga, iiwan ka. Kung hindi ka marunong sumakay sa buhay talo ka. Ang pag-ibig parang pakikipagsapalaran. Hindi mo maaring iasa lang sa mga tao sa paligid mo. Tandaan mo, minsan kung sino ang sa tingin moy mapagkakatiwalaan, sila din pala ang mang-iiwan." Napaisip ako sa sinabi ni Gian. Ang pag-ibig ay digmaan? Naiintindihan ko na. Parang nagiging agawan ang labas nito. Kung hindi mo kayang ipagtanggol, maagawan ka. Kung hindi ka marunong magpahalaga, iiwanan ka. Pero sasaya ba ako kapag nanalo ako sa digmaang ito? Tumingin ako sa kanya.
"Naranasan mo na bang magmahal?"
"Oo naman."
"Ano ang pakiramdam?" Tumigil siya saglit, pero kalaunan ay ngumiti din siya.
"Masaya na malungkot. Masakit na masaya. Maganda na hindi. Pangit na maayos. Maayos na magulo." Sagot niya sa akin.
"Hindi ko maintindihan."
"Exactly. Hindi ko maintindihan. Dahil kung minsan masaya ako, pero nalulungkot din. Nagsasakripisiyo at nasasaktan. Kinakaya dahil mahal ko. Lumalaban dahil ayaw kong matalo. Kumakapit sa pag-asang imposible. Umaasa sa wala. Nagiging masaya sa sakit." Nagiging masaya sa sakit?
"Kung ganon, bakit hanggang ngayon lumalaban ka pa rin?" Ngumiti siya.
"Dahil mahal ko. Alam kong sa huli matatalo ako, pero atleast lumaban ako. Lumaban ako hanggang sa makakaya ko. Tsaka ko sabihing wala na talaga, kung wala na nga talaga. Mapagod? Siguro, napapagod naman ang mga tao pero mas magandang ginawa mo ang lahat ng makakaya mo bago mo sabihing pagod ka na para sa ganon wala silang maisumbat sayo." Ang pagmamahal, ay nakakapagod? Ang pagmamahal, ay nakakasakit?
"Bakit ba tayo nagmamahal?" Napatigil sa pag nguya si Ellaine. Ngumiti muna ito bago sumagot.
"Dahil dito tayo sumasaya. Dito tayo nakakahanap ng kulang sa atin. Dito tayo nakakahanap ng kasagutan sa mga tanong natin. Dito tayo nakakaramdam ng mga emosyong hindi natin maipaliwanag. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo nagbabago. Nagiging mabuti man, o masama. Sa pagmamahal tayo nabuhay, at sa pagmamahal rin tayo mamamatay." Ang pagibig, ay buhay? Ang pag-ibig, ay ako? Sa pag-ibig nagbabago ang mga tao? Naiintindihan ko na.
Sa pag-ibig nagiging makasarili ang tao. Simula nang magmahal ka ng isang tao, inangkin mo na ito at binawalan ang mga taong nagmamahal rin sa kanya katulad mo.
Sa pag-ibig nagiging masama tayo. Nagsasawa kana dahil hindi ka na masaya kaya't naghanap na ka ng bago ng hindi man lang iniisip ang nararamdaman ng kapareha mo.
Sa pag-ibig nagiging malungkot tayo. Ayaw nating maiwan kaya't ginagawa natin ang lahat ng makakaya natin. Pero, dahil sa hindi naman kayo ang itinakda ng Panginoon, ay naghiwalay parin kayo. Sa pag-ibig natin mararamdaman ang lungkot, ang maging talunan. Ang maiwan.
Sa pag-ibig nararamdaman natin ang pagkapagos. Nagmamahal ka, pero hindi ka naman mahal. Mahal niyo nga ang isa't-isa pero hindi na kinakaya ang mga problema.
Sa pag-ibig nagiging masaya tayo. Sa pagmamahalan niyong dalawa, ay napatunayan niyong masaya nga ang umibig at maibig. Yung tipong iniisip niyong kayo na sana hanggang sa huli. Ang mga sweet moments na hindi matigil-tigil. Ang mga asarang hanggang sa pagtulog ay dala-dala mo. Ang masisiglang araw na lagi kayong magkasama.
Napatingin ako sa kalangitan. Ang pag-ibig, ay buhay. Pero. Masaya ba talaga ang pag-ibig? O nakakasakit din ito?

BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
Proză scurtăThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...