Epilogue

56 5 0
                                    

1 year later

In this world, "change" is the only word that is constant. Pati nga ang word na change baka mabago din eh. But sometimes, iba-iba ang pagbabago. Mayroon change for better. Change for a cause. Change for darkness. Yung tipong gagawing masama yung sarili mo then mag rerevenge ka. Pero naisip mo na ba kung ano ang pakiramdam na nakapagpabago ka ng isang tao? Ano kaya ang pakiramdam? Masaya kaya? Malungkot? Hindi ko alam. Until one day, I met this boy. Whom I changed completely. Who'm I loved wholeheartedly. Whom I'll miss. Gusto ko siyang mabuhay pa. Pero alam kong his trying his best to live. At alam ko ring deserve na niyang magpahinga. Tumulo na naman ang luha ko sa tuwing maaalala ko ang kanyang mukha. Ang kanyang mga ngiti. Gusto ko sana siyang iligtas. Pero wala akong magawa. WALA AKONG NAGAWA. Napatingin ako sa letter niya. Napangiti nalang ako. It's his memories. His heart. I know naguguluhan kayo. Let me tell you a story. A story where happy-ending never exist. Where sadness, is reigning. It all happened when..

Flashback

1 year ago.

Hi ako pala si Frances Ellaine Devamote. 15 years old and currently grade 10. Nag-aaral ako sa isang public school. Wala naman gaanong importante sa akin. So balik tayo sa story.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. I know medyo maaga pa pero nagising ako ng medyo maaga eh kaya eto ako ngayon napaaga rin ang pagpunta sa school. Habang naglalakad ako may napansin akong lalaki. Sobrang pale niya at hinang-hina na naglalakad. Sa totoong lang, gwapo siya. Pero yun nga lang medyo payat siya kumpara sa normal na lalaki. Matangkad din ito. Tutulungan ko sana siya pero biglang tumunog ang phone ko. Nagtxt si mama at ang sabi niya kailangan ko daw bumalik dahil may kailangan pa daw siya sa akin. Kaya naman bumalik ako. At ang nangyari ay medyo nalate ako sa klase ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung lalaki kanina. Mukha siyang pagod na pagod at may iniinda. Siya nga. Siya nga talaga. Kaya naman napagdesisiyonan kong umupo sa tabi niya. Alam kong tiningnan niya ako kanina pero hindi ko alam kung narinig ba niya ang pagpapakilala ko. Tahimik siya at parang ang lalim ng iniisip niya. Lagi lang siyang nakatingin sa labas.

Tumunog na ang bell at umakyat ako sa rooftop. Tambayan ko na ito simula noong 1st year ako at nagulat ako ng may pumunta rito sa rooftop. Yung lalaking pale. At ang nakakahiya, nakita niya akong kumakain habang sarap na sarap sa sandwich na ginawa ko. Aalis na sana ako pero sumenyas siya na manatili muna. Nakipagkilala siya at napag-alaman kong Alex Bryan Cruz. Ang pangalan niya. At ikinagulat ko ng malaman na hindi niya alam ang salitang pag-ibig. Sa mundong ito, imposibleng may tao pang hindi nakakaalam ang salitang pag-ibig. Kaya naman, nagprisinta akong tulungan siya sa pamamagitan ng pagpanggap na mahal ko siya.

Ikalawang araw ng aming pagpapanggap. Hindi gaanong madali para sa akin. Una, hindi ko siya mahal. Pangalawa, wala siyang alam tungkol sa pag-ibig. Pangatlo, hindi ako gaanong maalam sa pag-ibig. Pang-apat, wala pa akong experience sa pag-ibig. Panglima, pinagtitinginan siya ng mga lalaking estudyante. Yung mga pamatay na tingin. Pero dinedma niya lang ito. Parang wala siya lagi sa mundo kung gumalaw. At dumating din yung bestfriend kong si Gian Hendrix Inigo. Sinubukan niya si Alex and naging magkaibigan naman sila sa bandang huli. At alam kong may natutunan si Alex mula sa kanilang pag-uusap. At sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng tuwa. Pero sa hindi malamang pagkakataon, pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko mali ang ginagawa ko. Pakiramdam ko, hindi ko alam. Hindi ko alam ang pakiramdam na iyon. May kutob ako na masama. Hindi ko alam kung sa akin ba iyon o sa kanya. Kaya naman hanggang sa pag-uwi, nag-aalala ako sa hindi malamang dahilan. Kaya naman nakagawa ako ng isang desisiyon. Isang mabigat na desisiyon.

Ikatlong araw. Sinimulan ko na siyang iwasan. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong problema. Hindi ko talaga alam. Hindi ko siya kinausap. Kahit sa rooftop. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya tiningnan. Feeling ko kasi may mali. May mangyayaring masama. Feeling ko may hindi tama sa amin. Hindi angkop ang sitwasyon namin. O ako lang talaga ang OA? Kahit bago lang kami na magkakilala, alam kong may gusto na ako sa kanya, pero hindi ko alam kung mahal ko ba. Kaya naman, hanggang sa pag-uwi ko dala-dala ko parin ang katanungang iyon.

Ika-apat na araw. Hindi ko na naman siya pinansin. Kita ko sa kanyang mukha na nasasaktan siya at nahihirapan. Ako rin. Nahihirapan at naguguluhan ako. Kaya ng tumunog na ang bell, ay napagdesisiyon kong pumunta sa rooftop at doon tumambay. Pero sa kamalas-malasayng pagkakataon ay pumunta rin si Alex. Sinabi niya sa akin na may natutunan siya. Akma sanang aalis na ako kaso pinigilan niya ako. At doon ko nalaman ang katotohanan. Ang katotohanan na kaunti nalang ang oras niya sa mundo. Biglaan ang balita na iyon kaya naman hindi ako makapag-isip ng maayos. Umalis nalang siya bigla habang naiwan akong nakatulala. Hindi. Imposible. At doon ko napagtanto na mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal. Ang kasiyahan. Kaya naman umuwi ako ng maaga at napagdesisiyonan kong magpa-alam kay mama. Sinabi ko sa kanya ang buong sitwasyon at naintindihan naman niya. Balak ko sanang tumira sa bahay niya pansamantala. Hapon na ng matapos ang pag-uusap namin ni mama. Kaya naman bumalik ako sa school, nagbabakasakaling naroon pa siya. Nakita ko nga siya, pero nakabulagta na siya sa lupa. Labis akong natakot at nag-alala kaya naman lumapit ako sa kanya. Kung gaano siya kaputla nang una ko siyang makita, ay mas mapulta siyang ngayon. Inilagay ko ang kamay ko sa kanya puso at naramdaman ko ang mahinang pagtibok nito. Sobrang hina at kahit anong oras, bibigay na ito. Nagpanic ako kaya naman humanap ako ng I.D. sa bag niya. O di kaya naman maaring pagkuhanan ng address niya. May nakita akong I.d. at nakalagay doon ang kanyang address. Tinawagan ko si mama para magpatulong. Dumating sila at inihatid ko siya sa kanyang bahay. Malaki ang bahay niya at sobrang lawak. Pero sobrang dilim. Walang tao rito. Nakapasok kami dahil sa susi na nakita ko sa kanyang bag. Medyo madumi rin dito kaya naman napagdesisiyonan namin ni mama na maglinis. Hindi naman lahat ng parte ng bahay dahil sobrang lawak. Mansion nga diba? At ng natapos ay nagpaalam na si mama at umuwi. Habang ako ay magluto ng makakain at kumain na ako. Pumunta ako sa kanyang kwarto at doon narin natulog.

Nagising ako kinabukasan ng maaga. Nagluto ako at tsaka bumalik sa higaan niya. Nakaramdam ako ng paggalaw kaya naman naalarma ako. Nagising siya! Thank you Lord at buhay pa siya. Siyempre sinulit ko na ang pagkakataon. Nagpasyal kami sa buong mansion niya. At ang ikinagulat ko ay hindi niya alam na mansion niya ito. Siguro hindi ito naglilibot o di kaya'y hindi nag-oon ng mga ilaw. Pumunta rin kami sa amusment park. Kahit na may sakit itong kasama ko ay sumakay pa rin kami sa mga thrilling na rides. Gusto kong maexpirience niya ang mga thrills habang may oras pa siya. Sumakay din kami sa Ferris Wheel. Doon ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. At doon narin nagsimula ang kanyang paghihirap. Nahimatay siya.

Ika-anim na araw. Sobra siyang nanghihina. Sobrang putla na niya. Kaya naman sinulit ko na ang pagkakataong iyon. Naiiyak ako. Kung kailan mahal ko na siya, doon naman siya mawawala. Hindi ko na napigilan. Ang makita siyang lumalaban kahit hirap na hirap na siya. Humingi siya ng papel at ballpen at nagsulat ito. Sinabi niya na basahin ko kinabukasan. Kaya naman iyon ang gagawin ko. Ibinigay ko rin sa kanya ang first and last kiss ko. At ipinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko siya habang buhay. Sa harap ng kanyang sulat ay sinabi niya na iwan ko raw siya kapag wala na siya. Masakit man na iwan ko siya, pero kailangan kong tuparin. Kaya naman pagkatapos niyang mawala ay nilisan ko na ang bahay na iyon. Napakasakit. Napakasakit ng mga pangyayari. Ganito ba lagi ang pag-ibig?

Flashback ends.

Naiiyak na naman ako sa tuwing maaalala ko ang mga panahong iyon. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. At patuloy ko siyang mamahalin. Nakita ko ang kanyang sulat. Hanggang ngayon hindi ko pa ito nababasa. Natatakot ako. Natatakot ako sa aking mga mababasa. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot talaga ako. Pagabi na. Napagdesisiyonan kong maglakad-lakad muna sa labas. Nakarating ako sa may park ng village namin. Umupo ako sa nga bench. Maya-maya may nakita akong lalaki.  Nakahood ito. Hindi ko makita ang kanyang mukha. Tumingin siya sa akin at hindi ako makapaniwala.

"I-imposible."

Same looks. Same face. Same eyes. Imposible. How could this happen. Maya-maya tumakbo ito kaya naman hinabol ko ito. Pero sadyang mabilis siya kaya naman hindi ko naabutan. Imposible. Hindi.. imposible.. napatingin ako sa langit.

"Alex, buhay ka?"

7 Days (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon