Dilim. Sobrang dilim. Malamig at madilim. Wala akong makita. Wala aking maramdaman. Wala akong kasama. Wala. Ni isa wala. Ito ang mundo ko. Dito ako nabuhay. At dito rin ako mamamatay. Kasama? Wala. Wala akong kasama. Masaya? Ano ba iyon? Ni minsan sa aking buhay hindi ko naranasang sumaya. Pag-ibig? Pag-ibig. Isa itong salita ngunit may mas malalim pa itong kahulugan. Wala eksaktong depenisiyon. Malawak ang sakop nito. Pag-ibig? Ni minsan hindi ko ito naramdaman. Ni minsan. Ano ba talaga ito? Hindi ko maintindihan. Bakit ba tayo nagmamahal? Hindi ko rin alam. May dumaplos sa aking mukha. Mainit. Mainit ang kamay na iyon. Napamulat ako ng aking mata at tumambad sa akin ang liwanag. Ang nakasisilaw na liwanag.
"Ayos ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakasuot ito ng pambahay at kahit simple lang ito ay nag-uumapaw parin ang kanyang kagandahan. Napangiti ako at hindi ko na mapigilan ang pag-iyak.
"Ellaine. Ellaine ikaw nga. Bumalik ka." Niyakap ko ito ng mahigpit. Sobrang higpit. Naramdaman ko rin na yumakap ito sa akin pabalik.
"A-akala ko iiwan mo ako. A-akala ko. A-akala ko mabubuhay n-na naman ako sa dilim. A-akala ko hindi na kita makikita. A-akala.."
Natigil ang pagsasalita ko nang may dumampi sa labi ko. Ang kanyang hintuturo senyales na tumahimik ako.
"Shh. Stop crying. Tumayo ka na diyan at marami pa tayong gagawin. Let's make some memories. Alright? Dapat maging masaya muna tayo at kalimutan ang mga problema, ok? Ok." Tumayo siya at nag-unat-unat. Napatingin ako sa paligid. Ang ganda. Sobrang ganda. May iba't-ibang disenyo ang mga pader. May mga larawan rin ito na mukhang mamahalin dahil sa mga kumikinang na bagay sa paligid nito. Sobrang lawak na akala mo isa itong living room. Nakakamangha.
"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Ellaine na busy sa pag-aayos ng kaniyang damit. Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo.
"Seryoso ka? Tinatanong mo kung nasaan tayo?"
"Uhm.. bakit? May mali ba sa tanong ko?" Sagot ko sa kanya.
"Naman oh. Nasa bahay niyo tayo. Bahay mo to! Ang ganda nga eh. Ang lawak. Imposibleng hindi mo ito alam?" Napamalaki naman ang mga mata ko. Bahay ko ito? As in, bahay ko ito?
"Nevermind. Tara na at kumain na tayo!" Hinila niya ako at pumunta kami sa dinning hall. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na bahay ko ito. Napabuntong hininga nalang ako.
Eh sa hindi ka nagbubukas ng ilaw kaya hindi mo makita ang kagandahan ng bahay mo.
Nakarating na kami at nadatnan ko na ang raming pagkaing nakahain. At sa unang tingin palang ay mukhang masasarap ang mga iyon! Tumingin ako sa kanya.
"Ikaw nagluto?"
"Yup!
"Nakakahiya naman. Nag-abala ka pa."
"Hindi yun abala para sa akin. Kung mahal mo, paglalaanan mo ng oras. Magsasakripisiyo. Maghihirap. Kaya makinig ka, walang salitang "abala" sa taong nagmamahal." Napangiti nalang ako sa sagot nito. Umupo na ako at tiningnan lahat ng mga nakahain. May omelet, may bacon and eggs, soup, bread, ham and hotdog. Nagsimula na akong kumain. Although sanay na akong kumain ng ganito since bata pa ako pero iba ang lasa niya ngayon. Mas masarap kumpara sa dati. Ito ba yung sinasabing "cooking with love?"
Nabusog ako ng sobra dahil naparami ang kain ko. Masarap. Ay mali. Sobrang sarap ng niluto niya.
Pagkatapos naming kumain ay nilibot namin ang bahay ko. Mansiyon pala. Ang laki kasi. Pati ako nahilo dahil sa raming pasikot-sikot na daanan. Hindi ko kasi ito nalilibot dahil hanggang kwarto at kusina lang ako. Ang ganda pala ng view dito sa garden. Nakakagaan ng pakiramdam. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam.
"Nakakaboring naman dito." Angal ni Ellaine.
"Eh?"
"Ah! Alam ko na! Tara sa Amusement Park! Masaya dun!"
"Uhm. Ok." Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba yun. Hindi kasi ako lumalabas kaya naman first time kong marinig yun.
Namangha ako sa ganda nito. May mga rides rito. Mga masasarap na pagkain. Ang daming tao.
"Tara! Dun tayo!" Hinila niya ako papunta sa roller coaster. Hindi gaanong kahaba ang pila kaya naman nakasakay kami agad. Noong una, hindi ito mabilis. Hanggang sa pabilis ng pabilis na ito. Sa sobrang bilis niya nahihilo na ako. Pero ang saya sa pakiramdam. Parang naaalis yung kaluluwa mo mula sa iyong katawan.
Inulit namin iyon ng dalawa pang beses. Sobrang saya kaya naman pumayag narin si Ellaine. Pagkatapos nun ay kumain kami. Bumili kami sa isang streetvendor. May tinusok si Ellaine. Ewan ko kung ano ba iyon. Kulay yellow at parang may itlog sa loob. Tapos sinunod niya yung kulay brown na pahaba. Tapos yung kulay puti na bilog.
"Yung kulay yellow, kwek-kwek ang tawag doon. Tapos yung brown, kikiam. And then yung puti, fishball. Masarap yan! Tikman mo." Isinubo ko silang lahat isa-isa. Masarap. Totoo nga ang sinabi ni Ellaine, kaya naman bumili pa kami at kinain iyon. Pagkatapos non ay nagrides na naman kami. Kung ano-ano nalang sinakyan namin. Hindi ko matandaan kung anong pangalan ng mga iyon pero alam kong nag-enjoy ako ng sobra. Pagabi na at unti-unti ng lumiliit ang bilang ng mga tao rito.
"Tara sa Ferris Wheel. Maganda yung view doon. Tara na!" Hinila niya ako kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pumila kami at sumakay na kami. Noong una nasa ibaba palang kami. Hanggang sa nakapunta na kami sa tuktok.
"Dito! Tingnan mo!" Tumingin ako sa itinuturo ni Ellaine at namangha ako. Ang ganda nga ng view. Kahit panandalian lang nakalimutan ko ang aking sakit. May naalala tuloy ako. Napangiti nalang ako. Ng mapait.
"Kung sana mas magtatagal pa ako sa mundong ito. Kung sana mas maaga kitang nakilala, sana naenjoy ko ang buhay. Kung sana..."
"Shhhh. Wag ka ngang magsalita." Saway nito sa akin habang nakalagay ang kanyang hintuturo sa aking bibig.
"Makinig ka ha? Huwag mo munang isipin ang ganyan ok? Ang importante nag-enjoy ka. Hindi ko nanghihinayang na nakilala kita ngayon. Alam kong itinadhana tayo. Di ba sinabi ko sayo na hindi kita mahal, naaalala mo pa ba? Hindi yun totoo. Noong una palang nating pagkikita, may gusto na ako sayo. Corny diba? Pero yun ang totoo." Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Masaya ako at mahal din niya ako. Pero.
Sumasakit na naman ang ulo ko. Nanlalabo na naman ang mga mata ko. Nahihilo na rin ako. At nanghihina. Hinawakan ko ang kamay niya bilang suporta. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Ellaine.." hindi ko na kaya. Naluhod nalang ako.
"H-hindi ko.. na.. kaya.." at doon na nagsimulang mabalot ng kadiliman ang aking paningin.

BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
NouvellesThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...