Magkasama kami ngayon ni Ellaine sa rooftop. Nakasanayan ko nang tumambay rito tuwing recess. Pero iba ang araw na ito. Hindi niya ako kinikibo. Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako tinitingnan. Hindi niya ako kinakausap. Parang, wala ako sa paningin niya. Ano ba ito?
"May problema ba? Ellaine?" Hindi siya sumagot. Tanging iling lang ng ulo ang nakita ko mula sa kanya. Bakit? Bakit siya nagkakaganto?
Natapos ang buong recess ng hindi man lang niya ako kinakausap. May masakit sa bandang dibdib ko. Para itong tinutusok ng karayom. Hindi ko maintidihan.
Mula pagpasok hanggang sa uwian hindi niya ako kina-usap. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit masakit? Tinitingnan ko ito mula sa malayo. Sinundan ko rin ito. Mula sa labas ng paaralan, may kinausap itong lalaki at pagkatapos nun sabay silang lumakad palayo. Nakangiti. Nakangiti siya habang kausap ang lalaki. Bakit, bakit masakit? Bakit, bakit sobrang sakit? Ito na ba ang sinasabi ko? Ito na ba ang pakiramdam ng masaktan nang dahil sa pag-ibig? Ito pala. Ito pala.
Ang maiwan. Ang mabalewala. Ang maipagpalit. Naiintindihan ko na. Pero bakit nagmamahal parin tayo? Alam ko na ang sagot. Dahil mahal mo. Masaya ka kapag nakitang masaya siya. Nasasaktan ka kapag nakitang nasasaktan siya. Nahihirapan ka kapag nakikitang nahihirapan siya. Ang buhay niya, ay naging buhay mo. Gusto mo siyang tulungan sa lahat ng makakaya mo. Pero ikaw, hanggang kailan ba ang makakaya mo? Lahat ng tao ay napapagod. Pero depende nalang kung ikaw mismo ang papagod sa sarili mo. Maaari kang lumaban at magpakapagod. O di kaya sumuko at manghinayang. Hindi mo malalaman ang hangganan kung hindi mo susubukan. Para ka lang lumalangoy ng hindi gumagalaw. Napatingin ako sa langit at ininda ang sakit. Mula sa mga narinig ko kanina, naintindihan ko na.
Sa pag-ibig, may mang-iiwan at maiiwan. Walang maloloko kung walang magpapaloko. Pero natanong niyo na ba sa sarili niyo na kung bakit may mga nagpapaloko? Sila yung mga taong nagmamahal ng totoo. They loved and don't care what will happen. Para lang silang mga bankang sumusunod sa agos ng tubig. Sila yung mga taong naiiwan dahil totoo silang magmahal. Mga na taken for granted, or mga napagtripan lang. Meron din mga naiwan dahil napagsawaan. At meron ding naiwan dahil may kulang. Ano ba talaga ang problema ng tao? Hinahanap ang kulang. Kinukulangan ang sobra. Sinosobrahan ang mali. At ang mali ay ginagawang tama. Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging masaya tayo sa pag-ibig na mali. Yung tipong, hanggang ikalawa ka lang. Yung tipong hanggang 2nd option ka lang. Yung tipong mababansagan kang ahas. Yung tipong matatawag kang kalaguyo. Oo, tama naman na nagmamahal lang kayo, pero mali ang pamamaraan ninyo. Mali ang oras at panahon. Hindi niyo naisip ang mga tao sa paligid ninyo. Ang pag-ibig ay hindi para sa pansariling interest. Bakit ang ating Panginoon. Nagsakripisyo siya hindi para sa sarili niya, kundi para sa atin. Dahil mahal niya tayo.
Sumakit ang ulo. Sobrang sakit. Yung tipong pakiramdam mo mabibiyak ang utak mo sa sobrang sakit. Gusto ko ng humiga. Sumuko. Pero.. pero ayoko. May gusto pa akong malaman. May gusto pa akong subukan.
Lumakad na ako papunta sa bahay ko. Madilim. Malamig. Mag-isa. Ni minsan, hindi ko ito naramdaman sa labas. Ngunit nang buksan ako ang ilaw sa kauna-unahang pagkakataon ay namangha ako sa ganda. Ngayon mas naintindihan ko na.
Ang pag-ibig ay nakakasakit. Oo masakit, pero depende sa tao kung paano ihahandle ang sakit. Kung patuloy lang na tatanggap ng sakit, wala itong patutunguhan. Kung patuloy na maghahanap ng paghihiganti, darating din ang panahong ikaw din ang masasaktan. Pero, kung buong puso mo itong tatanggapin, pupulutin ang mga aral, magpatawad ng walang pagsisi tiyak na kasiyahan ang kapalit. Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig. Pero, may hindi pa ako maintindihan. Hindi ko alam kung ano iyon, at hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Para lang akong naghahanap ng sagot ng walang tanong. Kumain na ako't naghanda ng matulog. Pagod na pagod na ako. I want to rest. Yet I can't. Napapikit ako.
Kung nandito ba ang magulang ko masaya kaya ako? Kung may tao ba na masasandalan ko, hindi na ba ako makakaramdam ng lungkot? Kung matututunan ko ba ang pag-ibig mas sasaya ba ang buhay ko? Hindi ko alam. Masaya, malungkot, masakit, mahiwaga. Ano pa ba ang kaugnay ng pag-ibig? Ano pa ba ang hindi ko maintindihan?
![](https://img.wattpad.com/cover/92597064-288-k253591.jpg)
BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
Short StoryThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...