Pag-ibig. Ano ba talaga ito? Walang eksaktong depenisyon, pero alam natin kung ano ba talaga ito. Friendship, Lovers, Enemies. But love. Does love really meant it to live for? Sapat na ba na alam mo ang salitang pag-ibig?
Nakaupo ako sa silya ko at matamang nag-oobserba sa paligid. Masaya. Malungkot. Masakit. Ano pa bang kulang? Ahh. Buhay. Oo at alam kong ang pag-ibig ay buhay. Pero. Bakit pa ba tayo mabubuhay kung sa huli mamamatay lang din naman tayo? Bakit pa ba tayo maghihirap mabuhay kung sa huli mamamatay lang din naman tayo? Ano ba talaga ang purpose natin sa buhay?
Lumipas ang oras at ngayon ay recess na. Pumunta akong rooftop at nadatnan ko ang hindi ko inaasahan. Si Ellaine. Kumakain ito mag-isa. Lumakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nakakasakit ang pag-ibig."
Tatayo na sana si Ellaine pero hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya para pigilan siya.
"Ano ba! Bitawan mo ko!" Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya napakunot noo ako.
"Bakit? Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ko sa kanya. Na maski ako naguguluhan sa inaasal niya.
Tinitigan niya ako gamit ng malamig niyang mga mata.
"Ano bang pakialam mo?" nakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na may halong sakit. Tumingin ako sa kanya.
"Ano ba talagang ang problema? Hindi ko maintindihan. Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Dahil ayoko na! Ayoko na sa atin. Hindi naman kita mahal eh. Kaya wala ding patutunguhan ang relasyon natin."
Tumayo na siya at maglalakad na sana paalis. Pero pinigilan ko siya. Lumuhod ako sa harap niya at unti unti na pa lang tumutulo ang mga luha ko.
"Parang awa mo na. Wag mo akong iwan. Buong buhay ko, magkaroon lang ako ng mamakasama sa buhay masaya na ako. Kahit sandali na lang ang oras ko sa mundo." Yumuko ako at patuloy ang pag agos ng aking mga luha. Kitang kita ko bawat patak na lumalabas sa mga mata ko na siyang nagiging dahilan ng pagkabasa ng malungkot kong mukha.
Pag angat ko ng aking ulo, nakita ko na nagtataka siya.
"A-anong ibig mong s-sabihin? A-anong s-sandali ka na lang ang oras mo sa mundo?"
Napabuntong hininga na lang ako. Sasabihin ko ba sa kaniya? O itatago ko na lamang sa aking sarili? Minsan, di naman masamang magsabi ng problema. Kasi nakakagaan sa pakiramdam na may nakakaintindi sa sitwasyon mo at sayo.
"Look Ellaine, I have only 3 days to live including today. Thank you for your help. Kahit sa 3 araw na iyon. Kahit sa tatlong araw lang. Maramdaman kong hindi ako nag iisa. Na may kasama ako. Na hindi na ulit ako mabubuhay sa dilim. Na makakaramdam ako ng saya. Kahit panandalian lang. Oo, alam kong mamamatay na ako, pero gusto kong maging worth it ang paghihirap ko. Ang paghihirap ko na alamin ang kagandahan ng buhay, ang kahulugan ng pag-ibig, ang pakiramdam na may kasama. Kahit 3 araw lang. Kahit 3 araw lang pagtiyagaan mo ako. Pagkatapos non. Hindi mo na ako makikita, katulad ng sinabi mo sa akin noon." Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Ito pala ang pakiramdam ng maiiwan. Ito pala ang pakiramdam na masukuan. Ito pala ang pakiramdam. Ang masakit na pakiramdam. Bakit ba tayo nagmamahal? Nakakabobong tanong. Isang tanong na maraming sagot.
Tumayo na ako at naglakad na paalis. Alam kong hindi niya ako susundan. Bakit pa? Hindi naman niya ako mahal. Aaminin ko, mahal ko na siya. Kahit noong unang kita ko palang sa kanya ay alam kong may gusto na ako sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw, alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Sa kanya ako sumasaya. Sa kanya ako lumulungkot. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit pa ako buhay. At siya rin ang dahilan kung bakit ako sobrang nasasaktan ngayon.
Lumipas ang mga oras na wala ang katabi ko. Simula ng iwan ko siya sa rooftop ay hindi na siya nagpakita pa. Maghapon siyang hindi pumasok. Kasalanan ko naman talaga itong lahat. Kung wala sana ang sakit kong ito. Kung sana mabubuhay pa ako ng matagal. Kung sana alam ko ang salitang pag-ibig. Kung sana mas malakas pa ako. Kung sana, kung sana hindi ako nag-iisa. Kung sana, kung sana..
Hapon na at wala ng tao rito sa room kaya naman napagdesisiyonan ko na ring umuwi. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng matinding pagsakit ng ulo. Sobrang sakit na parang hinahati ang utak ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Hindi, hindi!! Wag muna. Wag muna. Sobrang sakit ng ulo ko. Nanlalabo na ang paningin ko. Nakaramdam narin ako ng panghihina. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba ang huling araw ko? Ito na ba? Bago ako tuluyang mawalan ng malay, may nakita akong anino na papunta sa akin.
"Alex!!"

BINABASA MO ANG
7 Days (Short Story)
Historia CortaThe story is all abou a guy, who never felt anything about love. In his entire life, he lived in shadow, darkness. And about seven days, he will die because of a serious unknown illness. Before he dies, he want to know all about love, what love is...