Day off niya ngayon kaya naman naisipan niyang dalawin si Alden sa office niya para pag dalhan ng cake.
"Excuse me, san po dito ang office ni Alden Richards?"- tanong niya sa nakabantay na guard sa entrance ng building na pinuntahan niya.
"I'm sorry ma'am pero, kaano ano niyo po siya at ano pong pangalan niyo?"- tanong ng guard sakanya. Hindi kasi sila basta nagpapasok ng kung sino sino sa building na iyon, lalo na sa office ng boss nila dahil ayaw na ayaw niya iyon. Maliban na lang kung may appointment ang mga ito sakanya.
"Kakilala niya ako. Paki sabi Maine Mendoza."- sagot niya dito.
"Wait lang ma'am."- tugon ng guard at may kinausap sa teleponong nasa ibabaw ng desk niya. "Naku ma'am may meeting pa daw po si Sir eh."
"Ayos lang, maghihintay nalang ako sa office niya."
"Pero ma'am sabi ng secretary niya, mukhang matatagalan pa daw po siya."
"Naku ayos lang talaga manong, wala din naman akong gagawin ngayon eh."- pagpupumilit niya. Totoo din naman na wala siyang gagawin maghapon kaya imbes na tumunganga siya sa bahay ay, dito nalang muna niya naisipang magpalipas ng oras at para makausap na rin si Alden.
"sige po ma'am."- sagot ng guard at sinamahan siya patungo sa office ni Alden. Sumakay pa sila ng elevator bago tuluyang makarating doon dahil nasa huling palapag ito.
Nang makapasok ay agad nilibot ng mata niya ang kagandahan ng opisina ng binata, bago ipatong ang kahon ng cake na dala niya.
Maaliwalas ito sa paningin dahil pagpasok mo palang ay mapapansin mo nang malinis talaga ito at nasa ayos ang mga gamit sa loob nito. Napayuko siya sa office desk nito ng malingunan ang isang litrato. Litrato iyon ng binata. Wala sa isip niyang tinanggal ang litrato sa frame kung nasan iyon. Pagkatanggal ay may nahulog na isa pang litrato, agad niya itong pinulot at pinag masdan. Si Alden at iyong babaeng kasama niya sa restaurant noong una niya itong makita. Mag kaakbay sila sa litratong iyon.
Dali niya itong ibinalik sa frame at ipinatong sa dati nitong pwesto ng makarinig ng yabag ng paa mula sa labas ng opisina.
"Ma'am, mukhang hapon na po matatapos ang meeting ni Sir dahil nagka problema po sila.."- wika ng isang babae sakanya na kakapasok lang sa opisina ni Alden.
"Hindi man lang ba siya mag lalunch? Sabihin mo sabay na kami "- tugon niya dito. Mag aalas dose na kasi pero hindi parin niya nasisilayan si Alden. Pinaka aga aga pa man din niya ang bumiyahe para makarating dun, dahil may kalayuan ang building na iyon sa subdivision na tinitirhan nila.
"Tapos na po siya ma'am. Sa conference room na din kasi sila nag lunch. Importante po kasi ang pinag uusapan nila ngayon at hindi na pwedeng ipag pa bukas kaya tatapusin na daw muna niya iyon ma'am. Pasensya na po."- wika ng secretary ni Alden bago ito lumabas ng opisina.
Kahit na nakakaramdam na ito ng gutom ay hindi niya magawang umalis sa opisinang iyon. Ilang ulit din siyang nagpalakad lakad bago nakaramdam ng antok, kaya humiga siya sa isa sa mga couches na naroon sa loob ng opisina.
Alas sais na ng magising siya dahil sa lamig na dulot ng aircon. Napayakap siya sa katawan bago tumayo at lumapit sa desk ni Alden para buksan ang kahon ng cake. Dismayado niyang isinara iyon ng makita ang kunting langgam na nilalantakan ang maliit na bahagi ng cake. hayy. Nauna pa ang mga langgam na makatikim nito kesa sayo anang isip niya.

BINABASA MO ANG
THIS TIME (ALDUBFF) SHORT STORY
Fanfiction"the greatest mistakes we make are the risks we didn't take. If something will make you happy, go for it! So that you wont live your life asking 'what if?' and telling yourself "if only....." characters and events in this story are purely fictional...