This Time-6

82 5 0
                                    

Nakasilip siya sa bintana habang pinagmamasdan si Alden na may nasa harap ng kanyang bahay at may kausap na tatlong lalaki. Hindi kilala niya kilala ang mga lalaking iyon ngunit dahil sa sout ng mga iyon na iba't ibang basketball jersey at pagiging relaxed nila sa isat-isa, naisip niyang mga residente rin ang mga iyon ng subdivision. Nagluluto siya habang binabasa ang mga business reports ng kanilang negosyo nang mapansin niya ang mga ito sa labas.

"anu kaya ang pinag-uusapan nila? Ahh nagbabalitaan lang siguro sila kung sinong panalo  sa FIBA kagabi."-she muttered.

Napatutok ang mga mata niya kay Alden.

"Hindi ko akalaing dadating ang ganitong pagkakataon sa buhay ko, na kaylangan ko pang magtago para lang makasilay sa isang lalaki."- she muttered again.

Kahit sa malayo, ang lakas parin ng dating sakanya ni Alden. Which was quiet funny since those guys he was with were also good-looking. Peru ang atensiyon niya ay nakatutuk lang talaga kay  Alden. Oh, well, ganoon na nga talaga siguro siya. Noon lang niya napag-isip-isip kung bakit sa tatlumpong taon niya sa mundo, dalawang beses palang siyang nagka gusto sa lalaki. Na kahit ganu pa kabait o kagwapo ang isang lalaki kung hindi nito natitrigger ang interes niya, wala itong mapapala sakanya. Peru kung sa umpisa pa lang ay napukaw na nito ang atensiyon niya, kahit ano pa ang kapintasan nito sa katawan eh bale wala iyon sakanya.

Kaya naniniwala siyang hindi lang dahil sa hitsura ni Alden kaya siya nahuhumaling dito. Ang nararamdaman niyang excitement sa tuwing nakikita o naiisip niya ito ay minsan lang dumating sa buhay niya kaya wala siyang balak na palagpasin iyon. Mahal na ba niya ito? masyado pang maaga para masagot niya ang tanong na iyon. Ang importante normal ang  pakiramdam niya. At sa ikatlong pagkakataon ay naramdaman niya ang excitement na iyon.

"Alden..."-sambit niya. "Pasensya ka na kung ikaw ang nagustuhan ko. So please bear with me."

Bigla siyang lumayo sa bintana ng makita niyang napalingon sa deriksyon niya ang isa sa mga kausap ni Alden at napangiti. Noon niya naamoy na tila may nasusunog.

"ANG NILULUTO KOOO"-napatili siya ng mula sa kinaroroonan ay makitang may makapal na usok na nagmumula sa kusina. Mabilis na tinungo niya iyon. Ang kaso hindi siya makalapit dahil sa kapal ng usok at init ng apoy. She fanned the blasted smoke with the papers she was busy reading a while ago. Inihit siya ng ubo ng masinghot niya ang makapal na usok. A piercing sound from the smoke detector came next. Handa na siyang tumawag ng tulong nang may humawak sa kanyang balikat at inilayo siya roon.

Agad niyang nakilala ang malaking bulto na iyon ni Alden. Pinatay nito ang apoy ng gas stove at saka itinapat ang nasusunog na kawali sa gripo sa lababo. Pagkatapos ay inabot nito ang nag-iingay paring smoke detector, ini-off niya iyon at binukasan ng mga bintana roon upang tuluyang makalabas ang usok.

"Are you all right?"-tanong nito nang balingan siya ni Alden.

"My hero!"-muli siyang inihit ng ubo.

"I think so."-itinuloy parin niya ang pag paypay sa usok. "Akala ko katapusan ko na."

"Nakita kung may usok na lumalabas sa bintana ng kusina nyo kaya agad akung nagpunta dito."-kinuha ni Alden ang papel na hawak niya at siya na mismo ang nagpaypay ng usok palabas ng bintana.

"What happened?"

"Nabuhos ang atensiyon ko sa binabasa kong business report kaya nakalimutan ko ang niluluto ko,"-palusot niya atsaka nilapitan ang maitim na kawali sa lababo.

Nakalutang sa tubig ang mga natustang isda.

"Lagot ako kay kuya. Ang bilin pa naman sakin ay bantayan ko ang bahay nila, hindi sunugin ang mga gamit nila."

THIS TIME (ALDUBFF) SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon