This Time-8

59 4 3
                                    


"Ang dami niyan, ah. End of the world na ba bukas?"

Nilingon ni Maine ang nagsalita. Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng makilala niya ang nagmamay-ari sa boses na iyon. "Alden," aniya. He was standing just a few feet away from her. And he was still as gorgeous as the last time he saw him.

"Ayoko na kasing magpabalik-balik sa grocery store kaya dinadamihan ko na ang pamimili."

"Ng sanitary napkin?"

"Babae ako. Natural lang iyan lalo na kung malapit na ang monthly period ko."

"Okay, if you say so." tatlo pang mga nakahilerang sanitary napkins na medyo may kataasan ang kinalalagyang estante ang kinuha nito at inilagay sa basket niya. He reached up again to pick another set of napkins. Inilayo na niya ang basket dito.

"What are you doing?"

"sabi mo malapit na ang monthly period mo?"

"Oo nga. Pero wala naman akong balak na mag hoard ng mga sanitary napkins. Akin na nga iyan."

Ibinalik niya ang mga sobrang sanitary napkins sa estante, saka niya ito hinila paalis sa personal hygiene section.

"Monthly period ang mangyayari sakin hindi hemorrhage. Pero salamat na rin sa concern. Ikaw ano-anu ang mga pinamimili mo?"

"Food supply sa isang linggo."- he simply answered.

"Bakit isang linggo lang? Hindi mo pa ginawang isang buwan, para hindi kana pabalik balik sa grocery store."

"I like doing the groceries."

"Ay, ako rin"- biglang bawi niya. "Compatible tayo. And look, magkasabay pa talaga tayo sa pag gogrocery ngayon. This must be fate."

"You're putting too much meaning on coincidences."

Bigla siyang natameme. Oo nga naman. Masyado siyang presuming samantalang nagkataon lang talaga na sabay sila sa pamimili. Hayan, hinay-hinay lang kasi. Paalala niya sakanyang sarili.

"Hey, come on. I was just kidding, nagtampo ka nanaman diyan."- Kinuha nito ang grocery basket niya. "Ako nalang ang pipila."

She wanted to stick her tongue to the sky. God really knew how to appease her feelings. Natuwa siya. Hindi nga talaga siya nagkamali sa lalaki para magkapuwang sa kanyang puso. Alden was handsome, gentleman and very nice.

Napansin niya ang pagsulyap ng ibang customers na nakapila na rin sa ibang counters. With his height, built and handsome face, one would had a hard time ignoring him. Hindi siya nagseselos dahil hindi naman niya napapansin ang munting kaguluhang nangyayari habang abala ito sa pagkuha ng pera sa wallet nito. Ngunit talagang malakas ang dating nito dahil may isang naglakas loob ng kausapin ito. Hindi parin siya kinabahan dahil binabae naman ang kumausap dito. At mas maganda siya roon.

"Ang pogi-pogi mo naman papa. Artista ka ba?"

Umilingsi Alden.

"Ahm, no. Simpleng mamamayan lang ako na naggo-grocery ngayon."

"Anong pangalan mo? San ka nakatira? Gusto mo ng load?"

Ngumiti lang si Alden at tila, lalong nahumaling dito ang gay. He really looked so damn handsome when he was smiling like that. Natutuwa rin siya na maganda ang pakitungo nito sa mga kasapi ng third sex. Ang mga ibang lalaki kasi binabastos ang mga ito na parang hindi tao. Alden just earned another ten thousand pogi points in her book. Hanggang isang maganda at sopistikadang babae ang walang kiyemeng nakipagkilala dito. Sa ginawa nito muntik na siyang sabunutan ng tinabig nitong gay kung hindi lang ito napigilan ng mga kasama nito.

"Hi I'm Margarette."

"Hi I'm married."

Naghalakhakan ang mga tao roon sa isinagot ni Alden. Nagmamadaling umalis ang babae na namumula ang mukha. May palagay rin siya na baka matatagalan pa bago uli makita roon ang naturang babae. Nabaling ang tingin sa kanya ng gay.

"Ayy may syuting na si Papa."- wika nito. "Sayang."

"Mas pretty siya sister"- wika ng kasama nito. "Wala tayong laban."

Ngiting ngiting nagkibit balikat si Alden, saka siya nito hinila sa tabi nito. Lalong lumaki ang paghanga niya rito dahil sa tahimik na paraan ay naiparating nito sa mga tao roon na kanya lang ito. They left the grocery store with a huge smile on her lips.

"Salbahe ka."- aniya rito habang patungo na sila sa kanilang sasakyan sa parking lot ng grocery store na iyon. "Napahiya tuloy yung babae kanina."

"Bakit? Sinabi ko lang naman na may asawa na ako."

"That's my point."

"I don't think I get you."

"Bakit mo kasi sinabing may asawa ka na?"

"Because I don't like her."

"Tama iyan. Wag mong gustuhin ang bruhang iyon dahil pangit siya, mas maganda pa ako dun."

"I agree"

Wahehehahaha!.. Halakhak niya sa isip. Sinabihan na naman siya nitong maganda. Hay naku, ang haba na talaga ng hair niya.

Nilingon niya ito habang sumisipsip siya sa straw ng kanyang inumin. Nakatingin ito sakanya na tila ba kay lalim ng ini isip. But when he smiled at her, she almost choked on her food. Dahil ang mga ngiting iyon ay walang ano mang ibang emosyong tinatago sa kanya. That was the most beautiful smile he had given to her so far.

Binilisan niya ang kanyang pag inum. At dahil wala sa ginagawa niya ang kanyang isip, nasamid siya. Muntik pang lumabas sa kanyang ilong ang soft drinks na iniinom niya. Inihit na rin siya ng ubo.

Inalo agad siya nito.

"Okay ka na?"-

umiling siya. "My nose hurts."

May hinugot itong panyo sa bulsa niya at idinampi iyon sa kanyang ilong. "Blow." utos nito.

She did. Hindi man nakabawas iyon sa kahihiyang inabot niya dala ng kanyang katangahan kumalama naman ang pakiramdam niya--- because Alden was being so nice, so much of a gentleman , and so damn good to look at.

"Next time, lunukin mo ang iniinom mo, hindi yung ibubuga mo sa ilong. Masakit iyon."- itinupi nito ang panyo at muling idinampi sa ilong niya. "Blow."

And her heart just melted. Gusto niyang bumuntung hininga habang patuloy siya nitong inaasikaso. Iyon ang pakiramdam na hinahanap-hanap niya sa mga nakadate niya---- ang tila maging prinsesa o baby sa piling ng isang lalaki. Ng isang partikular na lalaki. Ni Alden.

..

THIS TIME (ALDUBFF) SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon